Iona point of view
Nang matapos kaming kumain ng sama sama ay pumunta agad ang mga magulang namin sa terrace para makausap pa sila Tito Rigor at Tita Vina, ng mas matagal pa. Pero bago iyon ay nagpicture muna kaming lahat ng sama sama sa lamesa kanina bago mag umpisang kumain. Ang isang matandang katulong nila Ramona ang kumuha ng picture sa amin kanina.
Sila Kuya Migui at Kuya Ryan ay nasa kwarto ni Kuya Ryan. Naglalaro ng video games sa computer, iyon ang bonding nila twing nagpupunta kami dito, ganun din sa bahay. Minsan naman ay naglalaro sila ng basketball sa court sa village.
"Iona!" Tawag ni Ram.
Tiningnan ko sya. Nakatingin sya sa kanyang phone.
"Anuuu?"
Ni pipicturan ko ang paa ko na nakasuot pa rin ng flat shoes. Hanggang tuhod lang ang kinuhanan ko ng picture. Pagkatapos ay nag selfie naman ako ng kalahating mukha lang ang kita.
"May mga nanliligaw sayo diba?"
Tiningnan ko sya dahil sa tanong nya. Nakatingin pa rin sa kanyang phone.Inisip ko ang mga lalaking hanggang ngayon ay ni chachat ako. Nagtatanong pa rin sila kung pwede akong ligawan. Hindi ko nga sila nirereplayan dahil hindi ko alam kung paano tumanggi at sabihing hindi pwede dahil ayoko. Pero kahit hindi ko na sila pinapansin ay nagpapansin talaga. Chat ng chat. Lahat sila ay likers ko sa Fb at IG. Yung iba ay nagcocomment pa.
"Hmmm di ko pinapansin..." Sabi ko at yung Christmas tree naman nila ang kinuhanan ko ng picture.
"Not interested?" She asked.
Tumango ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang tanong nya. Hindi ko na lang pinansin at sa kanya ko naman tinutok ang camera ko. Nakuha naman nya agad iyon kaya ngumisi sya. Tinaas nya rin ang phone nya at tinapat rin sakin ang camera. Agad naman akong nag wacky. Tumawa sya at narinig namin ang sabay naming pag click sa camera.
"I'm gonna post your pic on IG!"
Nakangisi nyang sinabi."Naka wacky ako dyan..."
Inirapan nya ako. "But your still gorgeous." Kumindat pa sya sakin.
Hindi na lang ako umangal at nag punta ulit sa app ng IG. Ni post ko ang pictures naming lahat at naglagay ng caption na 'Ho! Ho! Ho! Merry Christmas, everyone! 🎄'. Ilang segundo pa lang ay mahigit bente na agad ang nakuhang likes ng post ko. Ang iba ay nagcomment pa. Bigla ko namang nakita ang post ni Ram. Ang picture ko na naka wacky kanina. Nakita kong maayos naman ang mukha ko doon kahit na naka wacky ang mukha ko. Buong katawan ko ang nakuhanan at sa likod ko ay ang malaking Christmas Tree. Naka nguso ako doon at naka duling ang mata ko. At dahil naka upo ako ay kitang kita ang hita ko. Ngumuso ako.
'Best Cousin n Best Friend'
Marami agad ang nag likes ng picture ko. Ang iba naman ay nagcomment. Karamihan ay mga lalaki. At ang iba ay mga gustong manligaw sakin. Isa isa kong binasa ang comment nila. Wala naman akong nabasang negative. Patuloy ako sa pagbabasa nang bigla kong nakita ang panibagong comment at si Jesrel iyon.
'Still pretty!!'
Maraming nagreply at naglikes ng comment nya. Narinig ko ang halakhak ni Ramona sa kabilang upuan.
"Still pretty, huh!"
Ngumiwi ako sa sinabi nya. Nabasa nya na rin ang comment ni Jesrel.
"Magka follow kayo sa IG?" I asked.
"Yep! Kanina ko lang sya ni follow at ni follow back rin agad after 1 hour." Hindi natanggal ang ngisi nya.
"Why? Kilala mo pala sya?" Gulat kong tanong.
YOU ARE READING
Unforgettable Love
RomanceTotoo nga yung sinasabi nila na kapag mahal mo gagawin mo ang lahat para sa taong 'yon. You will sacrifice for the people you love. You will do anything to make them happy... kahit na alam mong masasaktan ka. Mas pipiliin mong masaktan yung sarili m...