Prologue

5 0 0
                                    

"Wílcumä Ms. Heartluck, this is Mysticus Academia."

Wilcuma? Welcome ba 'yun?Mysti--whaaat?! Nasan ako? Where on earth am I? Someone in the near future, take me back, noooooow!!! Feeling ko talaga I went back to the old times, at para akong nasa ibang country.

Pero wait.

Ms. Heartluck? That's my surname!

Nilibot ko ang paningin ko sa isang napakalaking dining area, I guess? May malalaki kasing bilog na tables, marami, mga 50+ siguro? Mala-Hogwarts lang, kaso bilog yung tables at hindi rectangular. As in, napakalaki talaga ng lugar na ito! Itong dining area na 'to, siguro kasinglaki na ng MOA Arena. Pero iba lang yung design, kasi medyo may touch of Old English times.

May tatlong magagarbong chandelier sa kisame, sa tingin ko it's made of very expensive crystals, na talaga namang nagniningning. As in, kahit walang candles! It can light the whole area! Amazing.

Yung tables, may kulay silver na silk na nagsisilbing tablecloth, wow! Sino kayang interior designer nito? Galing niya ah. Nagbe-blend yung colors ng chandelier sa tables at pati narin sa chairs.

Sa gilid naman ay may mga paintings, hindi ko alam kung ano ba ang karamihan sa mga iyon, pero nakita ko yung painting na Starry Starry Night ni Vincent Van Gogh at yung Monalisa portrait. Woah, don't tell me those are the originals? Alam ko nasa isang International Museum iyon sa Europe ah? Baka nga nasa Europe ako. Ewan, but I'm sure I'm still somewhere on Earth pa rin naman. 

Hmm? May Wifi kaya dito? Inilabas ko ang phone ko mula sa pocket ko, at naglibot-libot, kahit naman siguro signal meron?

Ngayon ko lang napansin, andami palang tao dito, students ba sila? Parang hindi, lahat kasi nakamagagarbong dresses na usually made of laces, at yung mga lalaki nakaformal suit sila. Ako? White v-neck tee, ripped jeans at old-school vans.

Kung di lang sinabi sakin nung white lady kanina na academia raw ito, di ko alam na school pala ito. Mas paniniwalaan ko pa na isa itong royal family mansion sa Europe.

Naglibot-libot pa ako, syempre minsan lang it no! Malay ko ba Kung nananaginip lang ako. Mabuti nang sulitin. At kung hindi naman, mukhang mabo-bored ako dito Kaya mas maganda kung malalaman ko agad ang magiging tambayan ko.

Hmm, may kuryente kaya dito? Maliwanag naman, syempre puro chandeliers e. Malapit na malowbatt ang phone ko. Mahanap nga muna ang charger ko.

Nandito ako ngayon sa isang parang malaki at bonggang hallway, hindi pala parang, malaki at bonggan talaga! Well, sa mga nakita ko kanina, hindi naman na ako masyadong nagulat.

Buti naman at walang tao, nandun pa siguro sila sa kusina este doon sa napakalawak na dining area na may catering. Hindi na ako nagdalawang-isip pa (wala nga akong isip e parang ang creepy naman nun), basta ayun. Salampak na agad ate besh! Nahiya pa nga ang jeans ko sa napakalinis na red carpet, baka ako pa ang magpadumi dito.

Hinalungkat ko ang sling bag ko, pero nakakalungkot mang tanggapin at adaptor lang ang nakita ko. Wala akong dalang cord! Hays Talia Sommereux!

Bago pa ako mahuli dito, tumayo na agad ako. Bahala na si Batman, sana lang talaga may bumagsak sa akin na charger cord.

Habang naglalakad say parang walang katapusang hallway, nililibot ko ang paningin ko. Nang tumingala ako ay talagang namangha ako. As in besh! Shookt ako! Sobrang nakaka-amaze, ang gaganda ng paintings sa kisame! Oo paintings sa kisame, take note 3d paintings pa iyon at ang kisame, made of fiber glass lang naman yung gilid which is may paintings rin. Wow.

Sobrang nakakamangha talaga, hindi nakakasawa titigan. Ni hindi nga at sumasakit ang batok ko kahit kanina pa ako nakatingala e.

Until...

"Aray! Bobo naman oh." Napayuko ako sa sakit. Unti- unti akong tumingala, mula sa brown leather shoes, hmm, maluwang na brown slacks, at manipis na white polo longsleeves na naka-unbutton ang tatlong butones, and it's revealing super matipunong dibdib. Omayghad Talia! Wala ka sa mundo mo wag kang maharot!

Pero nang malapit ko na maiangat ang tingin ko sa mukha nya, lumabo ang paningin ko at ilang segundo lang ay binalot ng kadiliman ang paligid.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mysticus AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon