"GO! WIN! FIGHT! S.C.U. GOLDEN PYTHON!!!"
Rinig na rinig sa buong gymnasium ang cheer ng mga estudyante ng St. Carmen University para sa Golden Python, ang school basketball team.
Nasa last quarter na ang laro at lamang ng 5 points ang S.C.U. sa kalaban. Pansin na sa bawat players ang pagod pero todo depensa pa rin sila dahil kung sino ang mananalo ngayon ay siyang pasok sa final round.
Nakaupo ako sa mga steel bars na nakalapat sa dingding malapit sa gate ng gym kaya kitang-kita ko pa rin ang nangyayari sa court.
Kitang-kita ko kung paano nag 3-point shot ang captain ng Golden Python sa last second.
"WOAH!!! And a 3-point shot from #61. 89-81 in favor to SCU Golden Pythons! Congratulations!!!"
Sabay-sabay na naghiyawan ang mga estudyante sa resulta ng laban. Sa loob naman ng court ay nagkakasayahan ang mga players.
Nakangiting pinagmamasdan kong nagsasaya ang mga players pero nawala ang ngiting iyon ng may nahagip ang mga mata ko.
"OMG! Sila na ba?"
"Hala! Diba SSG President ng SCU yung girl?"
"Woah! They're a perfect match."
Sa gitna ng basketball court ay naghahalikan ang SCU SSG President at Captain ng SCU Golden Pythons. Halos lahat ay nakita iyon dahil sa panalong team nakatutok ang mga manonood lalong lalo na sa captain.
Kung ang iba ay sobrang kinikilig at nasisiyahan sa nasaksihan, kabaliktaran naman iyon sa akin.
Well, Mr. Captain is none other than my ever-loyal/over-protective bestfriend, Andrew Mendoza.
And me, Melody Marie Sanchez, his all-time bestfriend, is silently loving him.
(A/N: Pasensyahan niyo na si author kong may mga wrong grammars, spellings o kung ano pang wrong sa prologue na ginawa ko. Beginner si author kaya ganyan yung kinalabasan. Be considerate na lang po.😊)
Read 📖. Vote ⭐. Follow 😄.
BINABASA MO ANG
Silently In Love With You
RomanceAlam niyo iyong feeling na kasama, katabi at abot-kamay mo lang yung mahal mo? Kasama mo nga siya, iba naman yong hinahanap niya. Katabi mo siya pero ibang babae yung iniisip niyang kasama. Abot-kamay mo nga pero ibang kamay yung gusto niyang haw...