WHERE: @ Mall
WHEN: Morning [6:06am]Agad binuksan ng guard ang glass door ng mall nang may nakitang bagong costumer.
"Goodmorning sir!" Bati ng guard kay shua ng nakangiti, agad nitong sinarado ang glass door at kinapkapan si shua gaya ng nakagawian.
"Goodmorning din po" may ngiting bati ni shua.
Pagkatapos ay agad na nagtungo si shua sa escalator papuntang second floor ng mall kung saan niya laging nakikita ang mga gamit pang-ulan na nakadisplay.
Pero hindi pa man siya nakakahakbang ay nakarinig na siya ng sigawan at iyakan na nanggagaling sa labas, kasabay nito ay ang pagtunog ng alarm ng mall.
*static sound* Please stay calm and follow the assesments of staffs. We will be having an Emergency lockdown for your own safety.
*static sound* Please stay calm and follow the assesments of staffs. We will be having an Emergency lockdown for your own safety.
*static sound* Please stay calm and follow the assesments of staffs. We will be having an Emergency lockdown for your own safety.
Kasabay ng sunod sunod na pag-aanounce ay ang unti-unting paglolockdown ng mall. Ang mga security guards naman at staff na lalaki ay pinipigilan ang mga costumer na makalapit sa glass doors.
"Anong nangyayare? Ba't ikukulong niyo kami rito?!" Sigaw ng isang lalaking costumer din na nasa mid 30's.
"Bawal yan! Ang alam ko may batas para diyan! Di niyo naman pinaalam saamin kung ano talagang nangyayare sa labas! Basta basta niyo lang kaming ikinulong dito na parang mga hayop!" sabi naman ng isa pang babaeng costumer, yakap ang anak niyang nasa edad 7yrs. Old pababa na mukhang naguguluhan pa sa mga nangyayare.
Ganun din ang ibang costumer, umingay sa mall, dahil na rin sa mga nagaganap na diskusyon sa loob.*gunshots*
"Pinipilit po naming wag palalain ang sitwasyon! Nakikinig lang kami sa mas nakatataas at para rin ito sa inyong safety!" Sabi ng nasa edad na 30 na lalaki, na siya ring nagpaputok ng baril upang maagaw ang atensyon ng mga tao sa mall.
May hawak din itong mega phone, para masigurong narinig ng lahat ng taong nasa first floor.
"Teka nga! Sino ka ba ha?! Illegal ang pagpapaputok ng baril ah!" Sabi ng nasa edad 40 pataas na lalaki, nakayakap ang misis nito sa kanya na may dalang cart ng mga pinamili sa mall.
"Ako ang branch manager ng mall na ito! Di rin namin alam kung ano ang nangyayare sa labas, pero para maintindihan ninyo, ipapanuod namin sa inyo ang balita!" Sagot ng lalaking may hawak ng megaphone na nagpakilalang manager ng mall.
Nagbukas lahat ng tv, maliit at malaki. Ngunit sa iisang stasyon lang ito ng balita nakatutok.
News Flash Reports
Kasalukuyang pinag-iisipan ng ating pangulo ang ang pagdedeklara ng Total lockdown sa ating bansa, sapagkat masyado nang maraming tao, bata man o matanda, lalake at babae, ang naapektuhan ng di matukoy na sakit.
Di alam kung nakakahawa ito o kung paano ba ito kumalat. Patuloy na inaalam ang puno't dulo at ang maaring lunas. Mas ligtas kung kayo'y mananatili sa loob ng bahay malayo sa infected. Abangan ang mga susunod na balita.
At don namatay na ang TV. Nagsimula ang bulungan ng mga tao, ang iba'y nagsimulang kontakin ang kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
PROJECT:Humanity's Extinction [MAJOR EDITING]
Science FictionHighest rank: #1 in Humanity ©All Rights reserve 2018 '' Humans destroy itself '' marami nang na extinct na spicies, dahil sa tao. at marami pang mawawala. kaya para di na mawalan ng iba pang species. Tayo na dapat mismo ang mawala. STARTED: May 1...