Feelingera 3: Campus Heartthrob

83 6 1
                                    

~•Ariela's Point of View•~

Today is monday so it means we have classes. Hindi pa ako ready pumasok dahil tinatamad pa ako.

Grrr!

Pero syempre joke lang 'yun noh. Bukod sa maganda ako, matalino pa ako kaya never akong tinamad pumasok sa school even though I'm sick.

Kaya dapat tularan nyo ang dyosang tulad ko.

Anyway I was about to go in my bathroom when I saw him---my brother and he's shit. Nakatapis sya.

"Holy shit! Anong ginagawa mo dito, Kuya?!" Sigaw ko. Hindi man lang ito nagulat, natawa or what sa expression ko. Bagkus naka serious face parin ito.

Kumunot ang noo nito.

"Bakit?" Sabi nya at umupo sya sa sofa.

"Anong bakit ka jan? May sarili ka naman kasing bathroom e. Bakit dito ka pa naligo?"

"Wala kang pake."

Waw ha? Kung makapagsalita akala mo kung sino. Porke mas matanda ka lang sakin ganyan kana magsalita. Letche! Umagang umaga sinisira ang beauty ko este ang araw ko ng kupal na 'to!

"Bakit nga? Tinatanong ka ng maayos jan tapos sasabihin mo wala akong pake? Kupal ka talaga!" Inis na sabi ko at sinamaan sya ng tingin.

"Pffft. Chill ka lang bunso nagbibiro lang si Kuya." Tumawa tawa ito at nag peace sign sakin.

Nakakatawa yun? Nakakatawa yun? Sira ulo.

Ngumiti ako ng sarcastic at hinagisan ko sya ng unan sa mukha nya. Aba syempre, edi sapul.

"Hindi ka nakakatawa Kuya. Umalis kana nga dito sa kwarto ko!" Pinagpapalo ko sya sa braso nya ng malakas at bumakat talaga kamay ko sa braso nya hahaha buti nga.

"Tama na bunso. Oo na ito na aalis na ako."

Tumigil na sya sa kakatawa nya at nagseryoso na ulit.

"Pero bago ako umalis, sasagutin ko muna yung tinanong mo sakin kanina kung bakit ako dito naligo sa bathroom mo."

Hindi ako umimik. Hinintay ko lang syang magsalita ulit. Sayang lang kase ang laway ko pag nagsalita ako.

"Nakita ko kasing bukas yung ilaw ng bathroom ko at naririnig kong may nagsasalita kaya lumapit ako at narinig ko ang boses ni Mama. Kaya naisip ko na wag na syang hintayin at dito nalang ako sayo maligo dahil ang init init gusto ko na talagang maligo." Hindi ko alam kung natatawa ba sya o natatae kasi muntanga sya kausap jusko buti nalang hindi ko sya naging katulad. May topak sa utak ang kupal na 'to e. Hahahaha just kidding.

"Ahhh okay---" Magsasalita na sana ako ng magsalita rin sya at pinutol ang sasabihin ko.

"Teka lang. Hindi pa ako tapos magkwento e panira ka naman bunso tsk."

Aba malay ko ba? Huminto na kaya sya magkwento kaya akala ko tuloy tapos na yun pala hindi pa.

Sya kaya ang panira! Pinutol nya 'yung sasabihin ko 'sana' psh.

Iniripan ko nalang ito.

"Fine. Ituloy mo na!"

"Wag na nga."

Piningot ko sya sa tenga nya kasi nakakainis na sya. Pabitin amp.

"Sabihin mo na bilisss! Pabitin ka pa e!"

"Awww masakit bunso." Sabi nya kaya tinigilan ko na ang pagpingot ko sakanya. "Ito na sasabihin ko na beast mode kana kaagad jan hahaha."

"Sasabihin mo o sasabihin mo? Dali!"

ARIELA FEELINGERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon