CHAPTER 2: Truth
No. Hindi ito puwede. Hindi ito maaari. Sabihin niyo naman na isa itong laro, please.
Nakaramdam ako nang galit kaya tinulak ko si Lynch para mabitawan niya ako.
"You're one of them?" Nanginginig na tanong ko. Tumango siya. Lalapitan niya sana ako nang umatras ako.
"I'm sorry. Hindi ko na kayang itago kaya dinala ka namin dito," nakayukong sabi niya. Bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa? Bakit hinayaan mo na mapalapit ako sa inyo? Paano na ang mga iniingatan ko?
"Damn, Lynch! You'll kill me soon, right? And even my family? You're going to kill us kapag nakuha mo na ang gusto mo, tama?" Pasigaw na tanong ko. Nararamdaman ko na nagsisilabasan na ang mga ugat ko sa leeg sa sobrang lakas ko sumigaw na nagbigay ingay sa buong abandonadong lugar na ito.
"No! I won't kill you! I just want to protect you." Kunot noong pagsalungat niya sa akin. Tumawa ako at napatingin sa mga kasama niya, nakayuko silang lahat ngayon. Now, kung kailan ko na nalaman saka kayo yuyuko nang ganiyan? Noong hindi niyo pa sinabi sa akin, grabe kayo makatingala na pinaglalandakan niyo na gangster kayo, hindi ba? What now? You are not a normal gangster like me afterall.
"Then why you didn't tell me?" Muli na naman akong sumigaw. I don't care kung mawawalan ako ng boses.
"Tell you what?" Pabalik na tanong niya sa akin. Bakit ka nagmamaang-mangan na para bang wala kang alam sa tinutukoy ko? Muli na naman akong napatawa. Tawang may halong sakit. Ang sakit-sakit, sobrang sakit. Kung kailan kaya ko nang magtiwala sa iba ay saka naman nagkaganito. Niloloko niyo lang ako. Niloloko niyo akong lahat noon pa man.
"Everything." Paano nila nakakaya na mangloko ng tao? Ang galing nila mangloko, hindi ko nahalata. Bakit nga ba ako nagbulag-bulagan at nagbingi-bingian sa mga tumatakbo sa isipan ko?
"I'll tell you when the right time comes." He said. Napatawa na naman ako, ngayon ay malakas na. Ilang beses na ba akong tumawa ngayon? Tumawa nang peke.
Tumalikod na ako at naglakad na palabas ng building na ito. Hindi ko kayang makasama ang mga mamamatay tao. Nakikipag-away ako pero hindi ako 'yong tipo ng tao na kayang pumatay.Nakukunsensya kaya sila?
Hinarangan ako ng mga may hawak na malalaking baril. Napairap ako sa kanilang lahat. Go fuck with your own shits, not mine.
"Move." Utos ko. Sabay-sabay silang umiling. Pumikit ako at tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kailan nga ba ako huling umiyak? Noong namatay sila. I can feel again what I felt before. The betrayal, the fact that one more move then another one I love will die.
My trust. Ang pinakaiingatan kong tiwala ay nawala na naman. Isa lang naman ang gusto ko, ang lumaki nang maayos ang mga kapatid ko, ang maging tahimik at payapa ang buhay nila. And now, mukhang malayong mangyayari iyon dahil sa kan'ya, dahil sa kanila. Kung alam ko lang na ganito sila ay lumayo na sana ako. Pero huli na ang lahat. Huli na talaga. Ang tanga mo, Sche, napakatanga mo.
Hinawakan niya ang braso ko mula sa likod kaya umiiling-iling akong lumayo. Humarap ako sa kan'ya. Pupunasan niya sana ang luhang nasa pisngi ko pero tinabig ko ang kamay niya.
"Huwag mo akong hawakan. Hindi ako nagpapahawak sa mga," huminto ako. Hindi ko kayang bitawan ang salitang 'yon.
"Can we talk?" Malungkot na tanong niya sa akin.
"Nag-uusap na tayo," pabalang na sagot ko.
"No, I mean, privately." Tumango ako. Naglakad siya papunta sa isang kuwarto. Binuksan niya ang pintuan kaya pumasok ako nang hindi man lang tumitingin sa kaniya. Ni-lock niya ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Epiphyllum Oxypetalum
AzioneSche, a seventeen year old girl who was traumatized by celebrating her birthday because of her thorny past. Every year, her close friends nor her family wanted to celebrate her birthday, but she's always hiding inside of her room because she knows...