Just. Me. Done.

3 0 0
                                    

"Depression? Sus arte lang yan gusto lang nyan magpapansin"

"Kulang lang yan sa pansin, gusto lang mag pabida."

"Depression? Baka baliw!"

"Depress depressan para mapansin naku!"

Kung ganyang mga salita ba ang maririnig ibubuka mo pa ba ang yong bibig? O mas pipiliin nalang manahimik ng sa ganu'y hindi na madagdagan pa ang sakit?

Nakakaranas ka na nga ng sakit, dadagdagan pa ng mga salitang masasakit.

Pero tao sa paligid hindi ko masisisi, marami din naman ang mga panggap kasi,
Yung tipong napagalitan lang ng nanay, post agad sa social media para,? Makakuha ng simpatya.

Ako si Hannah araw araw nakikipag sapalaran araw araw nakikipagdigmaan sa gulo nang sariling pag iisip, pusong mabigat lungkot na nag aalab, isip na buhol buhol hindi alam kung paano kumalag.

Araw araw nag papanggap para hindi mahalata ang pilit na kinukubli.

Lungkot sa puso ko hindi alam kung saan nag umpisa, sa gulo ng utak ako'y nakikipag laban hindi ko alam kung para saan pero ang pakiramdam na sumuko sa laban na ito, ay syang katapusan ko.

Its a Battle Between Me and IWhere stories live. Discover now