"Ein, it's two thirty already! Hurry up!"
"Ein, did you finished the report?"
"Ein, wala daw si prof. Salazar sa faculty at library."
"Ein, need you here. Mayroon problema yung papers natin."
"Ein, kapag nalate ka ulit, last day mo na dito."
"Ein, nakausap mo na ba ang kuya mo?"
"Ein, asan ka?"
Ein. Ein. Ein. Ein.
Hayy, what a life to live. Wala na akong ibang ginagawa kundi intindihin ang pagkakamali ko at ng ibang tao.
It's already 2:24 am at pauwi pa lang ako sa apartment ko. Just for your information, nakatira ako sa London Bridge Apartment Complex, tatlong barangay ang layo sa Damian State University at limang kanto ang layo sa DMS Convenience Store - Hugo Branch.
2:30 am na hindi pa rin ako nakakapasok sa bahay kong ubod ng dumi at kalat, tapos kailangan ko pang gumising ng 7:30 am para maabutan namin si Mam Cielo ang thesis adviser namin... ahh iniisip ko palang yung gagawin ko bukas napapagod na ako.
2:35 am sawakas nakarating na din ako sa bahay ko at makakatulog na rin ako. Kinuha ko ang mahiwagang susi sa bulsa para mabuksan ko na ang pintuan papasok sa bagong payatas. Handa na ako sa nakakasulasok na amoy ng kwarto ko pero...
Mabango at malinis ito. I can't fairy believe it. Uhmm amoy adobo pa. Hinubad ko yung sapatos ko at pumasok na ako sa loob at bumungad sa akin ang malinis ko kusina na mayroong kanin at adobo. God I love you. Dumerecho ako sa kama ko at ihahagis ko na sana yung bag ko sa kama ng bigla kong narealize.
May baby na natutulog sa kama ko.
Wait? How come? As far as I know, virgin pa ako? It can be, stuff toy ito. Andito siguro ang Wow Mali. Pero paano nakapasok ito dito? Dahan-dahan kong nilapitan yung baby at shirt mother of mina, totoong bata ito na humihinga. Cute siya at maputi, ang chubby din ng cheeks niya, mabuhok din siya at ang cute ng suot niyang damit. Captain Iron na onesies.
Mayroon akong nakitang papel sa gilid niya kaya kaagad kong kinuha iyon at binasa.
Ein, kamusta ka na? Ako ito si Fynn ang wala mong kwentang kapatid. Siguro nakita mo na si Baby Zeke, kung hindi tang na may e at na hanapin mo kundi mumultuhin kita.
"What the hell? Buhay ka pa pala? Gumawa ka pa ng baby bago ka mamatay?"
Oo, tama ka. Pero hindi ko ito sinasadya at ayaw siyang tanggapin ng nanay niya at hindi ko naman na siya maalagaan at lalong-lalo na wala akong lakas ng loob na iwan siya kila mama at papa kaya naman ginamit ko ang natatangi kong kagwapuhan na pinamama ko sa iyo at hiningi ko sa landlady mo yung susi.
Alam kong napaka selfish nitong request ko sa iyo, pero siguro habang binabasa mo ito wala na talaga akong buhay dahil sa mga katarantaduhang ginawa ko at ayaw ko idamay si Zeke. Kaya iniiwan ko na siya sa iyo at please wag mo munang ipapaalam kay mama o kung kanino man na sinulatan kita at anak ko si Zeke. Susubukan kong baguhin ang kapalaran ko.
Maraming salamat, Ein.
P.S ang baboy mo ang baho at ang dumi ng bahay mo buti na lang at tinulungan ako nung landlady na maglinis at tang ni nunu mo may ahas kaming nakuha. Hype ka talaga, pero salamat talaga.
P.PS may diaper na sa kabinet na blue yung pangalawa. Tapos yung gatas nasa ref initin mo na lang breast milk yun tapos meron ding formula milk sa kabinet ng mga diaper.
"What the heaven did I read?"
Actually magulo siya e, alam kong below zero ang IQ level niya pero I did not expect na aabot siya sa ganitong katangahan na naiisip kong ihagis sa labas itong batang ito, dahil mas mabuting mawala na din siya katulad ng tatay niya bago pa niya maranasan ang buhay na nararanasan ko ngayun. Ililigtas ko na siya sa buhay na walang kwenta.
Kinarga ko si Zeke dahil gusto ko na talaga siyang ihagis sa labas. Hindi ako galit sa kanya pero galit na galit ako sa tatay niya.
Siya ang dahilan kung bakit kami naghihirap. Winalwal niya lahat ng perang pinaghirapan ng pamilya namin sa mahabang panahon at sinira niya ang kumpanya namin. Akala ko matagal na siyang pinatay ng mga pinagkakautangan niya pero mukhang mahaba ang buhay ng hayop na iyon. Tapos ngayun ito, bata, anak, tao? Dinagdagan niya pa ang paghihirap namin, kapal ng mukha. Hindi na nga namin alam ni mama kung saan kukuha ng pera para sa mga gamot ni papa at sa pang-gastos ko dito sa school tapos ito pa.
Ibaba ko na sana si Zeke bago magdilim yung paningin ko, pero gising na siya at nakatitig siya sa akin at ngumiti siya ng pagkalaki-laki.
"Pwapwa!"
BINABASA MO ANG
The Baby Club
Teen FictionEin Castro supposed to be a normal college boy until he found a baby and a letter in his bed.