CHAPTER 1

5 0 0
                                    

" Ayoko na!! Bitawan mo ako!!" Sigaw ko sa kanya. Habang pilit na tinatanggal ang pag kakahawak nya sa aking braso.

"Hindi iyun tulad ng iniisip mo, Jessa!"  Sabi nya at pilit akong hinarap sa kanya.

"Mag ka akbay?! Nag lalampungan?! Nag hahalikan?! Eh kung hindi iyun yung iniisip ko, eh ano?!" Sigaw ko sa kanya at tinulak sya sa kanyang dibdib.

Lumapit ulit sya at yumakap ng mahigpit sa akin.

Patuloy ang pag tulo ng luha sa aking mga mata tila sirang gripo na patuloy sa pag agos.

"I'm sorry, nadala lang ako." Sabi nya na tila isang bata na nag mamakaawa.

Pilit ko syang tinutulak ngunit masyado syang malakas kaya nadala ako at biglang napatayo.

"Sorry?! Ang alam ko ginagamit lang yun  salita na yun sa mga bagay o pang yayari na hindi sinasadya! Pero yung ginawa mo alam kong sinasadya mo yun! Talagang sa public pa eh no? Hindi mo man lang naisip na baka may makakita sayo na kakilala ko!" Sagot ko sa kanya na pasigaw.

Nang may isang babae ang nag salita.

"Baby, let's go. Iwan mo na yan!" Nang marinig iyun ng lalaking nakayakap sa akin ay bigla na lang syang kinabahan.

Bumitaw na sya sa akin. Ngayon mag katabi sila ng babaeng salot.

Lumapit ako sa kanya at binigyan ng isang malutong na sampal.

"Ang kapal mo!" Sabi ko

Tinignan ko ang boyfriend ko at bakas sa kanyang mukha ang pag mamakaawa.

"Diyan ka na sa babae mo! T*ng*n* mo!" Aking tugon at tumalikod na at nag simula nang mag lakad papalayo sa kanila.

"Jessa!"  Rinig kong sabi nya. Ngunit hindi ko sya nilingon at nag patuloy sa pag lalakad papalayo sa kanila. Patuloy parin ang pag tulo ang aking mga luha dahil sa mag kagaguhan na ginawa nya sakin.

Dapat ko na syang kalimutan.

Oo, mahal ko sya. Kaya hindi ganun kadali para sa akin ang kalimutan ang tulad nya. Binigay at ginawa ko sa kanya ang lahat. Pero bakit nagawa nya pa rin akong saktan?!

Makaka move on din ako!

When I Was Your GirlWhere stories live. Discover now