----------------------
Chapter 2: To the Gym
Maricar's POV
"Happy biiirthdaaaaaaaaaay to youuuuu!!! Yay!!!" at nagpalakan kaming lahat habang inaawitan ang boss namin na si Sir Stefan Alcantara, MBA.
"Thank you, thank you!" sagot naman ni Sir.
"Guys, thank you for reminding me that my birthday is today. I was too busy that I even forgot my own birthday! Thank you talaga!" at nagpalakpakan na naman kaming lahat.
"Sir! Blow niyo na po yung candles!!!" at hinipan niya din. Haha, nakakatuwa talaga itong si Sir namin, dahil magaling maki-ride sa mga kalokohan namin.
^_^
Moreover, si Sir ang nagbibigay sa amin ng surprise pag birthday niya, hindi kami ang nagbibigay ng gift, ok di ba? Haha. I was just wondering kung anong surprise naman ngayon. Last year kasi binigyan niya kami ng 15 minutes para kumuha ng kahit ano at kahit gaano kadami for free sa mall na pag-aari ng pamilya nila . Haha! Kaso 15 minutes nga lang, pero ok na din yun. Alangan namang lugiin namin yung boss namin hehe. Pero maswerte na kami sa lagay na to.
"So bukas, get ready because I'm giving you a day off, and a whole day para i-enjoy ang sarili niyo sa gym ko!"
"YAAAAAAAAAAAY!!!" at palakpakan na naman kaming lahat. Haha! YES!!! Gym naman ngayon! Kaya gustong gusto namin palaging birthday ni Sir eh!
***
8pm.
"Beastfriend di ka pa uuwi?!?" tanong ni Maribel sa akin.
"Ah, may tatapusin pa ako beast, saglit na lang to" sagot ko sa kanya habang pinagpapatong patong ko ang mga papers na kailangan sa mga documents. Hindi naman yun ang trabaho ko, pero dahil extra mabait ako ngayon at birthday ni sir, magpapakabait ako. Hehe!
"O sige, hintayin na kita. Gutom na kasi ako eh. Punta muna ako sa labas. Bili ako ng coffee" paalam niya sa kin.
"Ah, oo sige beast hintayin kita dito" ako man gutom na. Hay buhay, parang life lang talaga.
I continued my work.
***
Maribel's POV
"Yes miss, isang macchiato at isang capuccino"
Nandito ako sa Starbucks coffee. Katapat lang ito ng BDO kung san kami nagtatrabaho ni Maricar. Gutom na ko and it's already 8pm! Ako pa naman si magugutumin.
Kinuha ko ang in-order ko at lumabas na ako ng café na yun.
Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko para tumawid sa high way. Pero nang mapatingin ako sa kanan ay nakita ko ang isang mukhang sobrang pamilyar sa akin.
'
Parang huminto yung oras ko nang makita ko siya.
Bakit?
Ngayong oras na to iisa ang ang gusto kong gawin.
Yakapin siya.
Naaalala niya pa kaya ako?
It's been 3 years nung huli ko siyang makita. Matagal na yun. Sobrang tagal na. Too bad I didn't forget about him even a day of my life.
Malayo layo pa siya sa kin so I can have the chance to hide o kaya naman tumawid na sa kalsada para hindi na niya ako makita. Nakakainis. Mahal ko pa din yan!
YAN!!!
YANG KELVIN GEORGE CHUA NA YAN!!!
Sa sobrang kaba ko na makita niya ako, tumawid na ko agad ng kalsada.

BINABASA MO ANG
A Heartless Winter (The Frog Prince and The Foxy Princess)
Short StoryMaricar: Isang kahihiyan para sa akin ang magkaroon ng tagahangang tulad mo! Malnourish ka! Alexander: :'( [ran away] after 10 years... Maricar: O.O what a handsome prince! Alexander: ;) Bumalik ba siya para mahalin muli si Maricar? o para paghigan...