Today is Monday at may pasok na naman hindi ko pa nga na enjoy ang weekend may pasok na naman hays. Totoo talaga yung nabasa ko sa twitter na pag pinikit mo ang mata mo sa friday tas pag bukas lunes na so creepy.
"RAAAAAAAAAIN" sigaw ni Mystique BFF ko.
"WHAAAAAT!?" sigaw ko pabalik.
"Ba't di mo ako hinintay sa gate?" tanong niya.
"What do you take me for, your chaperone?" Pabarang kong tanong.
"Ba't ba ang sungit-sungit mo ngayon. May period ka noh?" Pabulong niyang sabi.
"SHUSH! Tara na sa classroom baka ma late pa tayo" sabi ko.
Habang naglalakad kami papunta sa room nakasabay namin ang mga officer nang campus parang galing sila sa morning routine nila which is to greet students at e punish naman ang mga hindi nag complete uniform.
"OMG! Ang gwapo talaga nang mga Peace Officer no? Gwapo ni hail" kinikilig na sabi nang babaitang ito.
"Excuse me" yung sinasabi niyang hail dumaan na lang bigla sa harapan namin.
Hindi ako nakagalaw dahil sa biglaan niyang daan sa harapan namin parang di niya nakita na merong taong nakatayo dun ahh bastusan lang? Ganoon?
"Uy na starstruck ka ba? Hahaha" misty
"Che!" Singhal ko at binilisan ang aking paglalakad.
Pagkapasok ko sa aming classroom ay nabigla ako sa sobrang ingay naming mga kaklase parang ilang taon hindi nagkita ah. Lumapit naman ako sa aking upuan para ilagay ang aking mga gamit, tas biglang may kumalabit sa akin yung matalino naming kaklase na babae.
"Rain pwede mo ba itong ihatid sa faculty kay miss Messimore sana, ito yung attendance na hiningi niya noong friday eh tas ngayon daw ipa send sa faculty kaso pinatawag ako sa council pwede ba ikaw na maghatid?" sabi ng kaklase ko.
"Okay no probs." sabi ko sa kanya with a smile.
"Thank you ah!" sabi nya tas umalis na din.
"Hoy babae alis muna ako may ihahatid lang sa faculty pakisabi sa teacher pag dumating ah!" paalam ko kay misty short for Mystique.
"Oy sama ako" agad naman siyang tumayo.
"Anong sama? Dyan ka na lang at walang mag papaalam sa akin" ako
"Bilisan mo ah!" misty
Lumabas na ako nang room at papunta na ako sa hallway deretcho sa faculty nang makasalubong ko yung hail na sinasabi ni misty. Timigil siya sa tapat ko at tumingin sa relo nya.
"I believe class is already starting at this time right?" Sabi nya, wait ako ba kinakausap nito?
"Ahh oo" sinagot ko nalang baka ako kausap napaka engot naman kung hindi ko sagutin diba?
"If so, then why are you still outside?" sabi nya.
"Ahh yun ba, may ihahatid lang ako sa faculty namin inirequest daw ni miss M nung friday at dapat ipahatid ngayon." sabi ko
"That can wait, you can do that after class." cold nya naman.
"Ahh sinabi kase nang kaklase ko na ngayon eh." sagot ko
"Tss! Reasons, follow me miss" sabi nya
"Ha? Bakit ba pinapatagal mo naman ako nito eh." reklamo ko sa kanya
"Mas pinapatagal mo pag di ka sumunod sakin." sagot niya at umalis.
Dali-dali naman akong sumunod hay naman lumalayo lang kami sa faculty nito eh! Habang naglalakad kami napansin ko na parang ang likot likot nang kamay nya, okay lang ba siya? Bigla naman siyang huminto kaya nabangga ako sa likod nya.
"Tss tanga" sabi nya pabulong pero nadinig ko. Sinamaan ko siya nang tingin anong tanga siya yung bigla bigla nalang huminto eh.
"Ano bat bigla ka nalang huminto?" tanong ko
Binuksan nya naman ang pintuan sa harapan niya at pumasok sumunod naman ako at nakitang may parang cubicle sa call center, office siguro nila ito.
"Just wait sa recieving area I will just issue you a warning for going out during class hours." hail"Ano? Ba't warning--" hindi nya ako pinatapos at bigla nalang siyang nagsalita.
"Bakit? Ano ba gusto mo yung detention pass na talaga?" sabi niya.
I just glare at him at umupo na lang sa mga upuan doon. Pumunta naman sya sa cubicle nya at may kinalikot doon.
"Shit! I ran out of paper" nadinig pabulong niyang sabi. Tumayo naman siya at lumapit sa akin
"Stay here, kukuha lang ako nang bond paper sa kabilang office." hail
"Ano? Pinapatagal mo lang ako eh may klase pa ako!" tumayo ako at lumabas na bahala siya sa buhay nya. Tatanga naman issue issue pa nang warning wala naman palang papel! Lumakad na ako pabalik sa hallway papuntang faculty kung sana hindi nya ako binolabog edi sana nakabalik na ako kanina pa!
Pagdating ko sa faculty kumatok muna ako bago pumasok, nag greet ako sa mga teachers na naroon pero wala akong nakitang miss M kaya inilagay ko nalang sa mesa niya ang folder at nilagyan nang note na pangalan nang class namin. Dumiretcho ako sa pintuan at medyo napalakas ang pagbukas ko noon kaya nabunggo ang kung sino man ang papasok sana.
"Fuck!" sabi ni hail hawak nya sa kanyang noo. Buti nga sa kanya sa pag aksaya nang oras ko.
"Sorry tatanga naman kase eh!" sabi ko at umalis na agad papunta sa klase ko na 30 minutes na akong late.
Pagdating ko sa pintuan nakita ko na ang teacher namin na nagtuturo nag excuse lang ako at pinaupo niya naman.
"Bakit ang tagal mo?" pabulong na tanong ni misty.
"May pa epal kase akong nakasalubong sinasayang oras ko." inis kong sabi sa kanya.
"Huh sino?" misty
"Ms. Arktos sush!" sabi nang prof namin.
"Sorry maam" misty
Hindi naman nagtagal nag bell na rin para next class namin, habang nag lalagay ako nang gamit sa bag bigla na lang pumasok yung friend nang kaklase ko sobrang worried nang mukha nya.
"Alam mo ba nakita ko si Hail sa clinic pinapagamot yung noo niya dumudugo daw tas may stain pa nang dugo sa polo niya." sabi niya sa kaklase ko. Napaka oa naman nang taong yun padugo-dugo pa.