07

411 20 19
                                    

Aria's POV

Apat na araw na akong pabalik-balik dito sa ospital. Si Lucas medyo nagiging okay na rin naman na pero kailangan pa rin mag-ingat sa isang araw pa daw siya papayagang maka-alis. Hindi pa rin ako sanay na nasa paligid ko lang siya lagi. Aaminin ko, sobrang saya namin noon ni Lucas pero hindi ko alam kung anong problema niya at sinira niya ang masaya naming relasyon.

Natutulog si Lucas sa loob at ako nandito lang sa tapat ng pintuan ng kwarto niya dahil ang lamig sa loob. At tiyaka pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko kapag magka-lapit kami.

May narinig akong mga yabag ng paa at ang ingay nila. Hindi ba nila alam na ospital to? Nakayuko lang ako at nararamdaman kong malapit na sila saakin.

"Ito na yun! Ito yung room ni Lucas!" Teka, parang pamilyar sakin ang boses na yun. Hindi kaya? Sana hindi sila.

"Miss, dito ba room ni Yukhei?" Inangat ko ang tingin ko kahit na ayoko silang makita.

"Aria.." Gulat na sabi ni Taeyong. Habang ako hindi pa rin ako nagsasalita.

"Noona!" Sabi ng dream at lahat na nga sila ay niyakap ako. Dalawang taon. Dalawang taon ko rin silang hindi nakita o kinausap man lang.

Kasama ng pagbura ko kay Lucas ang pagbura din sa kanila. Ang selfish ko ba? Inisip ko kasi na kapag hindi ko sila binura sa buhay ko, hindi rin mabubura si Lucas. At katulad nga ng sinabi ko noon ayoko ng magkaron pa ng koneksyon kay Lucas.

"Aria bat di ka na nagparamdam samin?" Tanong naman ni Ten.

"Pati kami kinalimutan mo nung nag-break kayo ni Lucas." Sabi naman ni Jungwoo.

"Kamusta na kayo?" Tanging nasabi ko sa kanila.

"Ito gwapo at matalino pa rin." Naka-ngising sabi ni Doyoung. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Ang kapal mo talaga." Natawa naman ako sa sinabi ni Jaehyun kay Doyoung.

"Na-miss ko kayo." Nakaka-miss naman talaga tong mga mokong na to. Wala na kasing nangungulit sakin.

"Dalawang taon ba naman Aria. Sinong hindi makaka-miss sa kagwapuhan namin." Sabi ni Johnny.

"Kami lang yung gwapo hyung, hindi ka kasali." Pang-asar naman na sabi ni Hyuck. Ito talagang batang to.

"Ikaw bata ka babanatan talaga kita!" Tawa lang ako nang tawa nang biglang mag-salita si Mark.

"Oo nga pala. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nandito si Aria?" At tumingin naman sakin si Mark. Shit. Anong sasabihin ko? Hindi nila pwedeng malaman dahil for sure sasabihin nila kay Lucas. Bahala na sasabihin ko na lang.

"May amnesia si Lucas at ang naaalala niya ay kami pa rin. Nakiusap sakin si tita na mag-panggap na lang muna hanggang sa gumaling si Lucas. Please wag niyong sasabihin sa kaniya." Mukha namang naiintindihan nila ang nangyayari at tumango na lang.

Pumasok na rin naman na kami sa loob at saktong kakagising lang din ni Lucas. Umingay bigla ang buong kwarto at nakalimutan ata nilang pasyente yung sinisigawan nila. Nakalimutan din ata nilang ospital to.

"Hyung sa susunod wag kang engot mag drive." Sabi sa kaniya ni Chenle at tinawanan niya lang ito.

Puro tawanan at sigawan ang nangyayari ngayon. Ang kukulit nila. Na-miss ko yung ganito, yung ang kukulit lang nila. Lahat kasi sila naging tropa ko. Good old memories.

Lumabas muna ako dahil masyado na rin kaming madami sa loob at gusto kong bigyan muna sila ng time. Ayos lang din naman dahil may upuan naman dito sa labas. Kailangan pa ba ako dito? Kaya naman siguro ni Lucas gumaling kahit wala ako diba?

Nagulat ako dahil pag-labas ko ay nandito rin si Winwin. Ginagawa nitong singkit na to dito?

"Win anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa loob ka?" Siya lang kasi ang nandito sa labas.

"Ang gulo nila sa loob eh. Kaya lumabas muna ako. Ikaw? Kayo na ulit?" Kami na nga ba ulit? Ewan ko ba.

"Oo na hindi. Gets mo? Well para mas madali, hindi. Hindi kami." Malabo na.

"Eh bakit mo ginagawa to? When in fact pwedeng pwede ka tumanggi kay tita. Mahal mo pa rin siya no?" Baliw ata to si Winwin.

"Do you still expect na pagkatapos ng lahat ng nangyari eh mamahalin ko pa rin siya? Alam mo naman siguro kung gano ako nasaktan diba." Ngumiti lang siya.

"Malay mo hindi ka pa rin pala naka move-on. Malay mo hindi mo lang matanggap na mahal mo pa rin siya kaya tinago mo na lang sa loob mo." Pagkatapos niyang sabihin yon ay pumasok na rin siya sa loob.

Ako ang nag-buo nito sa sarili ko. Ako lang ang nakaka-alam kung anong nararamdaman ko. At alam ko, alam kong wala na akong kahit butal na pagmamahal pa para kay Lucas.

***

a/n: expect more narration to come

nostalgia ›› lucas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon