Iona point of view
Mabilis nagdaan ang mga araw. At sa mga nakalipas na araw ay talagang masayang masaya ako. Ngayon ay bakasyon na at Grade 9 na kami ni Ramona.
"Sino maghahatid sa inyong dalawa?" Tanong ni Tita Raquel.
Nandito ako sa bahay nila Ram at dito ako natulog kagabi. Masyado na naman kaming naaliw sa pinag uusapan namin nila Venice. Na kahit video call lang ay parang kasama na rin namin sya.
"Ako na lang, My! Pupunta rin naman akong school." Sabi ni Kuya Ryan.
Palagay ko'y kahit na bakasyon na ay busy pa rin si Kuya Ryan at ganun rin si Kuya Migui. Graduating na sila at siguro marami pa silang inaayos. Ang alam ko'y sa susunod na buwan ang kanilang Graduation Day.
Pupunta kasi kaming school ni Ram para kuhanin ang card namin at para na rin malaman namin kung mag kaklase ulit kami. Sana nga ay pareho lang ulit kami ng section.
"Okay. Mag iingat kayo. Kasama nyo ba si Anne?" Sabi ni Tita.
Tiningnan ni Kuya Ryan si Ramona. Hindi rin alam kung sasabay ba si Ate Anne sa amin. Nasa sala kami at nanunuod. Parehong naka bihis na rin. Hinihintay na lang matapos ni Kuya Ryan si Mang Raul sa pag linis ng sasakyan nya.
"Hindi daw po. Bukas pa daw nya kukunin ang card nya." Sabi ni Ram.
Tiningnan ko si Tita na inaayos ang mga bulaklak sa pag lalagay sa vase. Nang matapos ay umakyat na rin si Tita. Siguro ay sa kwarto nila iyon ni Tito Relly. Mahilig si Tita sa mga bulaklak kaya naman sobrang gandang pag masdan ang garden nila sa likod ng bahay. Si Mommy naman ay mahilig sa pag luluto.
Ilang minuto pa ay pumasok si Mang Raul. Nang makita namin sya ay pinatay na ni Ram ang telebisyon.
"Tapos na, Ryan." Ngumiti ito sa amin.
Kinuha ni Kuya Ryan ang susi sa lamesa at tumayo na at nilapitan si Mang Raul.
"Salamat, Mang Raul. Hayaan nyo may beer ka sa akin mamaya..." Rinig kong sinabi ni Kuya Ryan.
Natawa lamang sa kanya si Mang Raul bago tuluyan silang makalabas.
Sinuklay ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko. Tiningnan ko ulit ang suot kong high waist pants at puting crop top. Naka flat sandal lang rin ako. Si Ramona ay nakasuot ng maong na palda at white shirt at nakapaloob iyon sa palda. Naka suot syang puting sneakers.
"Bilisan natin. Nandoon na si Ian..."
"Parang di kayo nagkita kahapon ah?"
Inirapan nya ako. Lumabas na kami ng bahay. Nag usap ulit si Kuya Ryan at Mang Raul bago pumasok na sa driver seat si Kuya Ryan.
"Oo nga pero basta, I miss him everyday."
Ngumisi na lang ako. Mahal na mahal talaga nya si Ian, huh! At alam kong mahal na mahal rin ni Ian ang pinsan ko. Matagal na sila at mag iisang taon na rin silang magka relasyon. Twing nag aaway sila ay palagi ko silang pinag babati. At pag nagka bati na sila ay sobra sobrang ka sweetan na naman silang dalawa.
Maybe because they are so in love to each other. Na kahit nag aaway ay nagiging maayos naman. Minsan naiisip ko kung sila na ba talaga? Si Ian ba talaga ang inilaan kay Ramona? At si Ramona ba ay para rin kay Ian? I don't know. Maybe yes. Maybe no. Pero natatapos pa rin sa salitang 'siguro'. Siguro kapag mas tumagal pa ang pagsasama nila na kahit bata pa sila. Siguro kapag hindi magbabago ang nararamdaman nila. Kahit malaki ang posibilidad na maaring pwede ring magbago. Bata pa kami. At alam kong pwede pang magbago ang feelings nila. Marami pa silang makikilala. Pero syempre!
Hinihiling ko na sana hanggang sila na talaga gaya ng gusto ni Ramona.
YOU ARE READING
Unforgettable Love
RomanceTotoo nga yung sinasabi nila na kapag mahal mo gagawin mo ang lahat para sa taong 'yon. You will sacrifice for the people you love. You will do anything to make them happy... kahit na alam mong masasaktan ka. Mas pipiliin mong masaktan yung sarili m...