"Binibining Reafor sa tabi ka ni Ginoong No" sabi ni binibining Eyuh habang inaayos ang seating arrangement ng grupo namin sa subject niya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at umupo sa tabi ni No. Tinignan ko ang katabi ko medyo matangkad siya sa akin ng kaunti di ganun kaputi at yung kilay niya pak na pak ang ganda.
"Uy ikaw ba yung nagchachat kay Eros nung grade 7? nakasalamin kasi yun eh " biglang tanong ng katabi ko.
"H-ha? h-hindi ako y-yun"
utal utal kong sagot sa kanya. Kasi naman nahihiya ako pag naaalala ko yung nangyari 1 year ago sa dati kong crush na si ErosFlashback (1 year ago)
Nakangiti ako habang naglalakad papuntang computer shop dahil excited na akong ichat si Eros yung crush ko since grade 5.
Nang sa wakas ay nakadating na ko dali dali akong nagrent sa PC 5. Ni-log in ko kaagad ang account ko at chinat siya.
ako:uy
eros:bakit?
ako:sino teacher niyo sa english?
eros:same sayo si Sir Joe Thai
ako:*kinikilig habang nagtatype* ah nasabi na mga grade niyo?
eros:oo
ako:anong grade mo?
eros:79
ako:*typing*
eros:gf hr
eros:wag mo na chachat bf ko
eros:block mo na to babe
eros:okay babe
ako:hala sorry sorry talaga
eros:basta wag mo na chachat bf ko.Napatulala na lang ako sa screen ng computer. Hindi ko alam ang gagawin at tila tinatambol ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Naramdaman ko na naman ang sakit na parang hinahalukay ang puso ko, na nararamdaman ko pag nakakaramdam ng sobrang tuwa, sobrang kaba, sobrang galit, at sobrang lungkot.
Wala sa sariling tumayo ako at umuwi kahit na hindi pa naman tapos ang oras ko. Halos buong gabi akong natulala at kinakabahan sa tuwing naaalala ko ang bagay na yun.
Baka kasi ipabugbog ako ng gf niya dahil hindi imposibleng isa ang girlfriend niya sa mga siga sa year level namin at base sa naririnig ko nambubugbog daw ito. Hindi ko naman kasi alam na may girlfriend na pala siya wala naman kasi siyang nababanggit pero sino nga ba ako para pag sabihan niya ng mga ganoong bagay. Isa lang naman akong magiting na tagahanga niya.
BINABASA MO ANG
Catch Me
RomanceMeet Kiara Reafor ang babaeng palaging sawi sa pag ibig kahit hindi pa nagkakajowa, Paano ba naman takot umamin dahil takot mareject kaya ayun! hanggang kaibigan lang sila ng mga naging crush niya. Pero ng makilala niya si Miller, ang lalaking nagpa...