Chapter 90

4K 106 12
                                    


THIRD PERSON'S POV

Hindi magawang pigilan ni Mrs. Alvio ang pagpatak nang mga luha niya. Nakatitig siya sa dalagang nakahiga at walang malay na puno nang apparatus ang katawan.

"Anak ko." Ilang ulit niyang sambit. Kahapon pa niya ito gustong lapitan at yakapin pero hindi niya magawa dahil nandito ang Señora Marivona at ang mga kaibigan ni Angela kaya nagkasya na lamang siya sa tingin mula sa malayo.

Parang mawasak ang puso niya nang makita itong bumagsak nung nasa field pa at lalo pa nang marinig niyang nagka TBI ang dalaga.

"Angela, anak. Please huwag kang susuko, lumaban ka, gagaling ka." Bulong niya tapos hinaplos ang crystal na bintana.

"Excuse me?" Natigilan siya sandali. Nang makabawi nilingon niya ito, nakakunot noong nakatitig sa kanya ang isa sa mga kaibigan ni Angela. Mabilis niyang pinahid ang mga mata tapos ngumiti nang tipid at humakbang na para umalis pero napatigil siya at napalingon nang may sinabi ito.

"Ikaw ang ina niya."

Umiwas siya nang tingin.

"Pasensiya na kailangan ko nang umalis. Sige alagaan mo siya." Aniya at mabilis na humakbang palayo.

Nang makapasok siya sa elevator napabuga siya nang hangin at napasandal at muling napaluha.

Umuwi siya sa kanilang bahay na sobrang lungkot at puno nang pag-aalala.

"Oh, umuwi ka pa." Napatingin siya kay Cherry na nakaupo sa couch.

"Kamusta? Buhay pa ba siya?" Kumunot noo niya sa sinabi nang anak, tumayo si Cherry at pinagmasdang mabuti ang ina.

"Masakit ba? Masakit bang makita ang anak mong bastarda?"

Napakuyom nang kamao ang Ginang at napagritted teeth.

"Tumahimik ka Cherry." Sigaw niya sa anak. Ngumisi si Cherry at nagcross arm.

"Ano? Gusto mong bantayan siya don? Gusto mong makita at makasama siya bago siya mawala sa mundo? Edi don ka." Galit na galit na nilapitan nang Ginang ang anak at sinampal. Napahawak si Cherry sa pisngi at matalim na nakatitig sa ina.

"Tumahimik ka Cherry. Paano mo nasasabi ang mga bagay na 'to? Akala ko na tanggap mo na siya? Akala ko ba okay ka na? Pero bakit ka nagsasalita nang ganito?"

"Geeez, obvious ba Mom? Nagsinungaling ako, the truth is I really hate her, sana nga mamatay na siya at nang matahimik na buhay natin." Ani Cherry.

Galit na galit na tinitigan ito nang Ginang at muling sinampal.

"How dare you to say that? Kapatid mo siya bakit mo 'to sinasabi?"

"Because I really really hate her. Ayoko sa kanya kaya I want her to die at matigil na iyang kahibangan mo." Mariing sabi ni Cherry. Galit na galit namang hinawakan nang Ginang si Cherry sa braso.

"Mom, ano ba." Nagpumiglas si Cherry pero mahigpit ang hawak nang Ginang dito.

"Bawiin mo 'yan." Sigaw nang Ginang. Tinabig ni Cherry ang kamay nang ina at umatras ito habang umiiling.

"Wala kang karapatang magsabi niyan." Sigaw nang Ginang.

"Bakit wala? Bastarda mo lang siya Mom, ako ang legal na anak. May karapatan ako kung anu man ang gusto kong sabihin o gawin sa kanya."

Natagis ang mga bagang nang Ginang.

"Tumahimik ka Cherry. Kung ayaw mong makarinig ang hindi mo magugustuhan." Anang Ginang.

"Bakit ma? Anong sasabihin mo? Ano na mas mahal mo siya kesa sa akin? Na mas mahalaga siya? So, tama lang pala ang nangyari sa kanya at nang wala na akong karibal sa'yo."

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon