If We Ever Meet Again

117 2 1
                                    

Sammy's Note:

Isang short story lamang. Credits to the anime " CLANNAD". Watch niyo, maganda yun. Haha. Kahit hindi ko natapos.

Play niyo yung music sa gilid para mas mafeel niyo yung story. Pag natapos, irewind niyo na lang XD Nakaplay kasi yan nung sinusulat ko ito eh. 

Mahaba 'to. Pero pinagsama ko na sa isang chapter. Tamad eeeh. Haha. Pagtyagaan niyong basahin. Maappreciate niyo XD Kung may typo at grammaticlal errors pasensya na. Hindi ko na nireread.

[ALTHEA's POV]

" Lance, gising na. Late na oh."

Andito ako sa kwarto ni Lance. Kung hindi ko pa gigisingin late nanaman ito.

" Masakit ulo ko. Hindi ako papasok." Sabi niya habang nakapikit pa din. Kainaman na. Tinatamad lang 'to pumasok eh.

" Lance naman eh. Ilang beses mo nang naexcuse yan." Niyuyugyog ko siya para magising na siya. Wala atang balak pumasok ang lalaking 'to. =. =

" Hindi mo naman kailangan gawin 'to eh."

" Kailangan noh. Girlfriend mo ako eh. Trabaho ko ito."

" Edi maghiwalay na tayo."

" Lanceee." Nag-pout ako.

" Biro lang." He chuckled tapos bumangon siya.

" Ayoko ng joke mo ha. Kahit joke yan nasasaktan pa din ako."

" Opo. Hindi na po mauulit. Sorry na. Ngiti ka na. " Ginulo niya yung buhok ko tapos finorm ng smile yung labi ko.

- - -

Naglalakad na kami papasok ng school. Nakita ko nanaman ang mga puno ng sakura. Mga puno na ayaw kong maputol. Mga puno na gusto kong iligtas.

" Anong balak mo?" Sabi ni Lance na medyo antok pa. Haha.

" Pag naging Student Council President ako, maiiwasan kong ipaputol ang mga punong 'yan." Ngumiti ako sa kanya. Nginitian niya lang din ako.

" Susuportahan kita."

[LANCE's POV]

Nagiging busy siya nitong mga nakaraang araw. Election na kasi sa Friday at kailangan niya mangampanya. Kailangan niyang manalo.

" Ang tagal na natin siyang hindi nakakasama." Sabi ni Yuan. " Miss mo na siya?"

" Oo naman. Sana lang talaga masuklian yung pagod niya. Sana manalo siya."

Dumating ang araw ng election. Andito lang kami ni Althea sa room. Naksandal siya sa balikat ko. Halatang kinakabahan.

Hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang lamig nito.

" Huwag kang kabahan. Andito lang ako sa tabi mo."

" Okay lang naman sa'kin ang matalo. Alam ko namang andyan ka lang para sa'kin."

Napangiti na lang ako. " Oo naman."

" Huwag mo akong iiwan ha?"

Ginulo ko ang buhok niya. " Ano ba namang tanong 'yan. Syempre hindi."

Naramdaman ko na medyo nawala yung lamig ng kamay niya.

" Hindi ka ba pupunta doon?"

If We Ever Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon