Walang taxi na tumatanggap sa akin, bwiset!
Umupo na lang ako sa bumper sa parking lot, kahit alam kong hindi okay na gawin yon. Una, baka may biglang mang kidnap sa akin at ibenta yung walang ka laman-laman kong utak sa black market. Pangalawa, holdap. Pangatlo, baka mayroong dumating na puting van.
Bigla kong naramdaman na mag-vibrate phone ko. Hinalungkat ko muna yung bag bago mahanap since nasa pinakailalim ng bag ko.
"Oh, Kristelle. Ba-"
"GAGA KA TALAGA! KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG SAYO TAPOS NGAYON MO LANG AKO SASAGUTIN?! PARA SAAN PA BA YANG CELLPHONE MO HA. BINIGAY NGA SAYO YAN PARA GAMITIN, HINDI ITRATO NG GANYAN, HAYOP KA!"
"Huh?" Ang sabi ko sabay tingin sa notifications ko. Shit. 26 missed calls. Lahat galing kay Kristelle. Pero nakakalungkot rin, hindi man lang ako tinawagan ni Nate pero bakit ba ako nagcocomplain!?
"ASAN KA BA? BAKIT KA UMALIS?"
"Eh, kasi naman.... Hay, nako! Kumukulo dugo ko tuwing naiisip ko yung nangyari. Puntahan mo ako sa parking lot, kwekwento ko na lang sa'yo."
"K!" Sabi ni Kristelle bago ko binaba yung call.
Nag hintay ako ng nag hintay. Napakatagal talaga maglakad nung babaeng yun. Heels man ang suot o hindi, matagal parin.
Hanggang sa may padating na kotse. Hindi van, kaya hindi ako nag-panic kagad. Pero hindi ibig sabihin nun, safe na ako.
Doon na ako nag-panic nung tumigil yung kotse sa harapan ko. Shit. Hindi ko natignan yung plate number. Tinted yung windows, hindi ko alam kung lalaki ba 'to o babae.
"Uy, Xierra. Ba't ka nakatambay dito?" Ang sabi ni Nate, "Tara, sakay ka na."
"Ha? Bagong kotse mo 'to? Tsaka, iniintay ko si Kristelle." Ang sagot ko.
"Ah.. okay. Galing ako sa party, hindi lang ako nakalapit sayo kasi nga tumakbo ka pababa. Tumakas lang rin ako tsaka inutusan ako ni Liam bumili pa ng drinks."
"Ano? Maid ka na ni Liam? Ba't mo hinahayaan yun, sampalin kita diyan sa katotohanan eh!"
Tumawa si Nate, "Okay lang naman sa akin. Text mo na lang si Kristelle, sabay na tayo umakyat. Makakasalubong rin natin siya."
"Ah, wag na.. Dito na lang ako. Pag nakita mo siya, sabihin mo bilisan niya yung paglalakad niya."
"Okay, boss! Alis na ako, see ya."
Pagkatapos non', nagsisi ako. Dapat sumama na ako. Baka mamaya never na dumating si Kristelle. Baka mamaya may dumating na van at ibenta yung utak ko!
Panic settled in.
At naisipan kong tawagan ulit si Kristelle.
Ilang rings na, wala parin. Galit parin siya siguro sa ginawa ko.
Pwede naman ako umakyat ulit, kaso may dalawang stair sections dito sa building at baka hindi ko makita si Kristelle. Baka mabenta rin utak niya sa blackmarket o kaya magalit sa akin kasi bumaba siya para sa wala.
Ano na gagawin ko?!
BINABASA MO ANG
I'm Into You [ TAGLISH ]
Fiksi RemajaIt is when you have no mixed or any romantic feelings for any other people. Your life goes by normally just like the rest. But what if you stumble upon someone who would somehow make your life much more happier and interesting for once? In the end...