Tyler’s POV
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko.
“Daddy! Daddy!! Wake up! Hinihintay na tayo ni Mommy!" Ginigising niya ako sabay talon sa kama
Si Mika Tyla Zy ang nag-iisang anak namin ni Mikaella.
"Princess! Stop jumping you might get injured!" Pag-sasaway ko sakanya.
Tinitignan ko naman ito at di na maipagkakaila na kamukhang kamukha niya talaga ang nanay niya.
Her eyes that resembles like an almond, her nose that really resembles her mother and she really got how her mother smile.
“Daddy Wake up na po, I’m so hungry na talaga” tsaka nag pout.
Napatawa ako ng mahina dahil sa ginawa niya, ginulo ko muna ang buhok niya tsaka tumayo.
Pati ang ugali ng nanay niya namana niya rin tsk
I really miss her, I miss my wife.
Tapos na akong maghimalos at binuhat siya “Baby what do you want for Breakfast?” I asked on our way out.
“I want Fried Rice, Bacon and Hotdog..." Like how her Mom requested me when she's still pregnant.
"Daddy I want to help po” She loves doing household chores just like Ella
Habang lumalaki si Mika lalo siyang natuto sa mga bagay bagay.
Nakarating na kami sa kusina at buhat-buhat ko pa rin siya.
"Baby get your cooking attire, so that we can start" Ibinaba ko na siya at nagsimulang magluto.
[Fast Forward]
After 15 minutes of driving nakarating na kami kung saan si Mikaella.
I saw Mika reading the label "Johnston Cementery" she said.
Binalik ko ang tingin ko sa kalsada at inalala ko ang mga pangyayari limang taon na ang nakalipas.
(FLASHBACK)
“Mrs. Zy delikado po ang pagbubuntis niyo, lalo na’t may sakit kayo sa puso” sabi ng doctor samin
(END OF FLASHBACK)
5 years na pala, 5 years na simula nung iniwan niya kami.
Kaya naman simula 'nun doble na ang pag-aalaga ko sakanila.
Habang lumalaki si Mika sa Tyan ni Ella, lalo siyang nahihirapang huminga.
(FLASHBACK)
“Asawa ko kumapit ka lang please, malapit na tayo sa hospital” sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya.
“Asawa ko, alaga-an mo si Ba-baby ng ma-aayos” alam kong hirap na hirap na siya, kumapit ka lang please!
Nakarating kame sa Hospital at agad namin dinala si Ella sa Operating Room.
Dumating ang nurse at ipinaalam sa akin kung ano ang nangyayari sa loob ng Operating Room, “Mr. Zy, makukulangan ng 1 month ang anak niyo pero kailangan na po namin gawin ang CS kung hindi parehas po silang mamamatay” Lumapit ako sa may pinto para makita kung ano ang kalagayan ng asawa ko.
Nasasaktan akong nakikitang mahihirapan siya, at lalo akong nasasaktan dahil alam ko na wala akong magawa kung hindi pagmasdan siya sa malayo.
“Asawa ko kapit lang ah, malalagpasan natin toh” bulong ko.
“Doc, please save my baby, kahit siya nalang po ang isalba niyo, please” What?! Asawa ano bang pinagsasabi mo?
Papasok na sana ako sa Operating Room at may naramdaman akong mga kamay na pumipigil sa akin.
"Sir, hindi pa po kayo pwedeng pumasok." Pagpigil sa akin ng mga Nurse.
“Mikaella ano bang pinagsasabi mo?!” Sigaw ko. Hindi na rin siya nakasagot dahil sinarado na ang pinto.
{AFTER 1 Hour}
Nakarating na sina Mama kanina pa, at mahigit isang oras na rin kaming naghihintay sa labas."Anak" rinig kong sabi ni Mama.
Inangat ko ang tingin ko at nagsimulang lumuha.
"Anak alam mo na kahit anong mangyari, mahal na mahal ka ni Ella" sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.
Wala na akong nagawa kung hindi umiyak kay Mama.
Isang Minuto ang nakalipas at may narinig akong iyak ng bata at lumabas ang doctor.
Lumapit ako at itinanong kung kamusta ang asawa ko ngunit... “I’m sorry Mr. Zy, hindi po nakayanan ang asawa niyo ang Operation, pero wag kayong mag alala kase healthy po ang Baby Girl niyo”
(END OF FLASHBACK)
May matandang babae naman na nagsalita sa likod namin “kahit kailan talaga di kayo male-late sa pag cecelebrate ng Death Anniversary ni Mikaella 'no?”
“LOLA!! Namiss po kitaaaa!” Agad namang nagpabuhat si Mika sa kay Mama(Nanay ni Mikaella).
Asawa ko pasensya ka na ah, alam ko kahit na sa kabilang mundo nag-aalala ka parin samin, Siguro ito na talaga ang tamang panahon...
Tamang panahon para palayain na kita.
“Asawa ko pinapalaya na kita” sabi ko habang tinitignan ang puntod ni Mikaella.
Bumalik na ako kung nasan sila Mama at nagsimula na kameng kumain.
Pagkatapos naming kumain, umupo ako sa isang sulok at pinagmasdan sila Mama at Mika na naglilinis ng puntod.
Time passed by at kailangan na naming umuwi.
Naglakad ako palapit sa kotse at napansin kong hindi nakasunod sakin si Mika.
“Mommy I Love You, Ingat ka po” rinig kong sabi ni Ella.
Lumingon ako at nakita ko siyang kumakaway sa likod ni Mama.
Napangiti ako at tumingala.
"Asawa ko? Kung nakikinig ka sa akin, gusto ko lang na malaman mo na mahal na mahal ka namin" sabi ko.
Tinuon ko ang atensyon ko kay Mika na patakbong lumalapit sakin.
'Mahal kailangan na ba naming magpaalam?' Hayst.
Pagkalapit ng nag iisang prinsesa ko ay agad ko naman itong sinalubong.
"Baby? Anong sinabi ni Mommy sayo?" Tanong ko.
"Sabi po ni Mommy na wag ka na pong mag-alala dahil parati raw po niya tayong binabantayan, at mahal na mahaaal niya po tayo!" Sagot niya.
Ngumiti naman ako sa sagot ng anak ko tsaka siya binuhat at ipinasok sa loob ng kotse.
Sinulyapan ko pa muna ang puntod ni Mikaella bago kami umalis
Paalam na asawa ko, Paalam Ella.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES [COMPILATION]
FanfictionIt's a compilation of short stories that I made, magbibigay ako ng credits depende kung anong entry ng one shot ko