Kabanata 49: On Pins and Needles

28K 906 185
                                    




|| Dessy Leondale's Point of View ||


Ilang araw na ang lumipas noong maganap ang isang katangahang nagawa ko. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ako magpapagalaw d'yan sa lalaking 'yan dahil baka may aids na s'ya sa sobrang dami na ng babaeng naikama n'ya. Argh! Bakit ko ba iniisip pa iyon? Ang tagal na ng araw na lumipas pero binabalik-balikan ko pa rin.


Wala pa ring nakakaalam ng nangyari saamin ni Duri. Si Cal, hindi ko na s'ya nakita simula noong araw na dapat isasama n'ya ako sa states. Hindi ko alam kung paano ko s'ya mako-contact dahil simula noong nagsimula ang bakasyon, ikinulong na ako ni Duri dito sa bahay n'ya.


Nasabi n'ya rin sa'kin ang nangyari kay Cal noong binawi n'ya ako dito—noong nagawa n'yang banggain ang likod ng sasakyan para lang mapatigil kami.


Sina Zeke pala ang naglabas kay Cal sa sasakyan at si Duri ang naglabas naman saakin. Dinala raw nila sa ospital noong mga gabing 'yon dahil mas grabe ang mga naging sugat n'ya kaysa saakin.

Tapos, doon na tinapos ni Duri ang kwento at hindi ko na alam ang kasunod pa niyon. Ilang beses na akong nagsubok ulit na itanong sa kan'ya iyon pero lagi na lang s'yang nagagalit. Sinubukan ko ring itanong kina Zeke pero pati sila ay sarado ang bibig tungkol doon.



At isa pa, hindi pa rin nila napapatay si Lennox at pagala-gala pa rin s'ya sa lungga at sa paligid ligid. Hindi pa rin safe para sa'min kaya tuwing aalis si Duri sa bahay, lagi n'yang tinatawagan sina Zeke para bantayan kami ni San. Sa tuwing aalis din si San ay lagi s'yang may kasamang tauhan ni Duri para protektahan. Sobrang nakakapanibago ang mga nangyayari pero wala kaming choice.


Dumadalaw-dalaw na lang din si Tim dito at kagaya ng sinabi ko, hindi rin n'ya alam ang tungkol sa'ming dalawa ni Duri. Ayokong malaman n'ya. Natatakot ako. Nahihiya ako sa sarili ko.



Sa mga nagdaang araw ring 'yon, napapansin kong nangingilag sa'kin si Duri. Sa tuwing may sasabihin o itatanong ako sa kan'ya, sinusungitan n'ya ako at hindi n'ya ako tinitignan sa mga mata. Hindi ko tuloy alam kung nagsisimula na bang lumabas ang totoong ugali n'ya matapos n'ya akong ikama. Ang tanga ko naman kasi nagpakama ako.

Lumabas muna ako sa kwarto ar bumaba sa hagdanan para sana magpahangin muna dahil hindi ako makatulog pero agad din akong napaatras nang makita kong bumukas ang grand door ng bahay at pumasok si Duri.

Bahagya akong nagtago sa gilid ng pader para hindi n'ya makita. Hindi ko alam kung bakit ako umiiwas. Hindi ko naman s'ya ginagaya sa ginagawang pag-iwas n'ya sakin pero hindi ko nga alam kung bakit ako nagtatago rito.

Napatingin ako sa wrist watch na suot ko at nakita kong pasado alas-dyis na at late na s'ya umuwi. Napailing na lamang ako at akmang babalik na lang sa kwarto nang biglang manlaki ang dalawa kong mata sa nakita ko.


"Hey babe, magdahan dahan ka nga. I'm drunk yah know?"


Dinig kong sabi ng babaeng naka-sexy skirt at nakacrop top na pula na ulwang ulwa ang cleavage dahil siguro sa push-up bra na suot n'ya. Ipit na ipit e. Halatang trying hard yung dibdib para lumaki ng ganoong kalaki.


Parehas silang nakaupo sa sofa at doon na naglalandian. Nakahawak ang babae sa batok ni Duri habang si Duri naman ay nakapatong ang kamay sa hita ng babae.


He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon