Chapter 34 Hell Gang

1.6K 51 8
                                    

Haine POV.


Dahil hindi ako makatulog bumaba ako at umupo sa sofa nila kony.

Sa laki nang bahay nila puro katulong at guards lang nila ang nandidito. Tas kung wala sila kona at ang kaniyang mga magulang si kony lang mag isa dito? Ganon talaga kalungkot ang araw niya kung ganon.


"Iha may kailangan ka ba? Ang aga mo ata nagising ngayon." Sabi ni manang. Siya siguro ang pinag kakatiwalaan nila kony dito.


Ngumiti ako. "Hindi lang po ako makatulog manang." Sagot ko.

"Oh sige titimplahan kita nang kape." At pumunta na si manang sa kusina. Ganitong oras ba sila gigising? Halos lahat sila gising na.

Narinig ko ang pag vibrate nang cellphone ko at nakitang si kony ang tumawag.

"Salamat kony.." At binaba ko na ang tawag niya.

Kinamusta niya lang ako at kung ano na ang mga balita sa kanila. Kahit hindi naman ako nakatulog nang maayos iniisip ko parin sila.

Hindi ko namalayan na pumasok si Ian? Teka si Ian alonzo? Bakit siya andito sa bahay nang kalaban niya?.


"Haine.." Tinignan ko lang siya nang papalapit siya.


"Ian iho bakit ka naparito?." Sabi ni manang nang hininatid niya ang kaniyang kape.

Hindi ko alam kung papano ko sasabihin ito kay kony na nandidito siya. At pano niya nalaman na nandito ako sa bahay nila kony?.

"Anong ginagawa mo dito Ian?." Tanong ko.

Tumayo ako para pantayan siya. At nag tataka ako kung bakit hinang hina ang mata niya at seryoso na seryoso siya.

"Galing ako sa hell gang. At akala ko ikaw ang kinuha. At nakita kong si ashley iyon. Pasensya na haine. Gustuhin ko mang kunin ang kaibigan mo pero hindi ko kaya dahil marami sila at mag isa lang ako.. At alam na nila na mali ang nakuha nila." Nakuha niya paring mag salita nang diri-diritso.


Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "Kumusta si ashley anong ginawa nila sa kaniya?." Tanong ko nang nang hihina na at napaluhod nalang.


The Three Gangsters In Love With Nobody (OnGoing/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon