Chapter 5

1.3K 52 4
                                    

Jema's POV

I parked my car and go inside the bar. Hindi ko naman talaga balak pumunta dito, but then napadaan ako dito sa bar na 'to and namalayan ko na lang ang sarili ko na tumigil and parked my car here.

I entered the bar and walk towards the bartender. "One glass of martini, please." I said and binigay naman agad ito nung bartender. Sumimsim naman ako dito at naalala ang reason kung bakit nandito ako.

-Flashback

"Babe, can I go to the comfort room?" I asked Luigi.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Yea, sure babe. I'll wait for you here." Sagot nito at tumigil sa may hallway going to the comfor room.

Naglakad naman ako papunta sa girl's comfort room and entered the cubicle na walang tao. Nang matapos naman ako ay nagpunta ako sa isang sink and washed my hands at inayos ng konti ang buhok ko. Para naman akong kinabahan ng palabas na ako ng cr pero I just shrugged it off.

Inaayos ko naman ang damit ko while walking towards Luigi. I looked at Luigi and saw him talking to someone that's why I called him. "Babe!" Napalingon naman siya pati yung babaeng kausap niya.

Napatigil naman ako ng saglit sa paglalakad when I saw the girl he's talking to. She's so attractive. She's just wearing a simple white shirt and black shorts but she's so attractive. Crush ko ata siya. No, I shouldnt so I disregard the thought and continued to walk papunta kay Luigi.

"J-jessica." Sabi nong babae at napatingin naman ako sa kanya. Napansin ko naman na mas maganda pala siya 'pag malapitan. Aish, Jema.

"Babe, sino siya?" I asked Luigi.

"S-she's m-my b-bestfriend." Luigi said nervously. Bakit naman siya kakabahan?

Tumingin ulit ako doon sa babae and smiled. "Hi! I'm Jema Galanza. Luigi's girlfriend." I said and handed her my hand. Why does it looks like I'm convicing myself na girlfriend nga ako ni Luigi?

Napatingin naman siya sa kamay ko and nagulat nang tumakbo siya palayo sa amin ni Luigi. "Deanna!" Luigi called her pero 'di niya ito pinansin.

Luha ba yun? Umiyak ba siya? Bakit? Bakit niya alam ang first name ko? Why does her name sounds so familiar to me? Bakit? Bakit parang matagal ko na siyang kilala?

Sumakit naman ang ulo ko and heard a voice in my head."I will always love you as long as I'm alive, J." The voice said na lalong nagpasakit sa ulo ko.

Napatingin naman sa akin si Luigi at parang nag-alala ito. "Babe? What's happening? Are you okay?" He asked.

Inayos ko naman ang tayo ko at ngumiti sa kanya ng pilit. "Yea, I'm fine. Can I go home now?" I asked him.

"S-sure." Sagot niya at pilit na ngumiti.

-end of flashback

Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay ginugulo pa din non ang utak ko. Sino ba siya? Bakit feeling ko matagal ko na siyang kilala? Do I like her? Aish, Jema. May boyfriend ka na ano ba.

Tinignan ko naman ang oras sa phone ko and realized na nakarami na ako ng inom dahil I cannot even read and see the time clearly so I payed for my bill and decided to leave the bar. Nakaka-apat pa lang akong hakbang ay nakaramadam na ako ng hilo but I tried hard to keep my balance.

May humawak naman sa bewang ko at nagsalita. "Hi miss, want to spend a night with me?" He asked while smirking.

Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko pero lalo lang niya itong hinigpitan. "Don't touch me!" I shouted on him.

All These YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon