sabi nila,
true love waits.
if it's meant to be, it will find a way.
because of a great love, one is courageous.
ang dami nilang sinasabi tungkol sa love, true love, great love at kung ano ano pang love .
pero kelan mo nga ba malalaman kung alin dapat ang piliin mo?
alin ba ang mas matimbang?
pano mo masasabi na true love? pano mo masasabi na great love?
alin nga ba mag papasaya sayo?
CHAPTER 1
Mag iisang sem na ko dto sa school, di parin ata ako nakakahanap ng totoong kaibigan ko. Bakit nga ba kasi kailangan pa grumaduate sa pagiging high school? HAAAYYY!!! At dahil pumasa ako para maging math major, lalo lang akong mahihirapan humanap ng kaibigan, bagong adjustment nanaman. Ganito ba tlga kahirap maging college student??
Well, ako nga pla si Alexandra Jane Dizon. 15 years old. Simple, masungit (masungit nga ba?), may pagka hopeless romantic?, mahilig sa fantasy. Freshman. Single. Hindi matalino. Hindi mayaman, pero hindi din naman mahirap. At incoming Math major dahil napilitan ata ako dahil sa pagpapapili ng papa ko kung ano dapat imajor ko.
Madaming nagbago sa buhay ko simula nung grumaduate ako ng high school. Simple parin nman ako, pero dahil iba iba kami ng school ng mga kaibigan ko nung high school, wala akong masyadong kaibigan. Madaldal ako, pero hindi nga lang sa mga di ko close, kaya after high school naging tahimik na ko kasi wala akong close sa school ko.
CHAPTER 2
Yes sembreak. 2 weeks lang pero ok na din at 1 week na ang lumipas. Puro tambay lang at pag cocomputer ang ginagawa ko sa buhay. Hindi ko parin nman iniisip yung pagpasok ko sa bago kong major. 2 lang yung kakilala ko na kasama ko as Math majors, pareho pang lalaki. Pero syempre no choice kailangan kong maging close sakanila.
Lunes na. SHOCKKKKSSS!!! Anong oras na?? Ngayon nga pla yung pre-registration para sa course ko. -.-
Dali dali dali!!!
Pagdating ko ng school. Ang init. Ang daming tao sa room ng papre-registeran. Syempre ang una kong hinanap yung kakilala ko pero di ko sila mahanap kaya kailangan ko kayanin magisa lang ako. Pinaghanap ako ng mga section na sasamahan ko sa mga minor subject ko nung babae sa registrar. Napunta ako sa class III which is yung pangatlong section ng batch ko sa course ko. At gaya nga ng utos ng registrar kailangan kong maghanap ng mga sasamahan kong section sa mga minor subjects ko. So pumunta na ko dun sa listahan.
Sige hanap, sige hanap. Tingin tingin ng mga section, syempre hinahanap ko yung pinanggalingan kong section kaso puro conflict yung sched nila sa sched ko kaya no choice kailangan kong maghanap ng iba. 15minutes na ata ako dto wala parin akong mapili.
Biglang may nagsalita, "Anong section mo?" so syempre, ayoko nman maging snob, sumagot ako ng walang reaksyon ang mukha, "III" yun lang di ko na tlga dinugtungan. "Ahh. Sayang II ako e.", at dahil awkward lumayo na ko sa lalaking kumakausap saakin dahil wala rin naman akong balak syang kausapin.
Nakatapos din. Nung pabalik na ko sa pre-registration room, napansin ko yung lalaking nagtatanong sakin, nandoon parin sya sa listahan ng mga oras ng klase siguro hindi parin sya tapos at may kasama pla sya.
Pagdating ko sa pre-reg room, nandun na yung mga classmate ko. Kakarating lang nila kaya nakikopya nlang sila ng mga pinili kong klase para magkakaklase parin kami. Tapos pinasa na namin dun sa babae sa registrar at pinapabalik na lang kami ng byernes para magpaenroll.
BINABASA MO ANG
True Love or Great Love
Teen FictionPano mo nga ba masasabi na true love? Pano mo masasabi na great love? ano ba ang mas matimbang? Ano ba ang pipiliin mo?