[BH] Ezeikel De Guzman

1K 22 9
                                    

BUMPING HEARTS: Ezeikel De Guzman

 

First Bump: Rexel

            “Hawak mo na naman 'yang gitara mo!” galit na sigaw sa 'kin ni Daddy. Kaagad kong tinago sa likuran ko ang gitarang hawak ko. “Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yon a hindi ka puwedeng tumugtog ng kahit anong instrumento?” Lumayo ako sa kanya nang akmang kukunin niya sa 'kin ang gitara.

            “Pero, daddy—”

            “Wala ng pero pero!” Hinatak niya sa kamay ko ang gitara. “Bawal ang kahit anong makakapagpaalala sa mommy mo sa loob ng pamamahay ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”

            Hindi ako sumagot. Lagi namang gan’to si Daddy, e. Music na lang ang tanging nakakapagpaalala sa 'kin kay Mommy pero pinagbabawalan niya pa ako. My mom used to be a great singer. At young age marami na siyang nakuhang award, pero no’ng nakilala niya si Daddy she left the industry and became a simple housewife.

            Masasabi kong we have a happy family no’ng buhay pa si Mommy. Kakantahan niya ako bago matulog. Tuturuan niya akong tumugtog ng piano o gitara tuwing walang pasok. My Dad used to love music. He can’t end the day without listening to my Mom’s voice. But when my Mom died, everything has changed— Dad has changed.

            I will never forget that night. At first we’re enjoying watching her then after a while the whole stage was covered with fire. People we’re screaming and running. I just stand there and watched my dad save my mom from the fire. I can’t do a thing. From then on, my Dad never listen to music. He destroyed all my Mom’s instrument even her albums. There’s nothing left for me to remember her. The only thing that I have was my memory of her singing me a song before I go to sleep. Just that.

            “Are you listening, Ezeikel?” Hindi na ako sumagot at hinatak ko sa kamy niya ang gitara ko at tumakbo palabas ng bahay.

Alam kong hinahabol niya ako kahit hindi ako tumitingin. Wala na akong ibang alam na puwedeng gawin kundi ang tumakbo na lang palayo sa kanya.

Sa sobrang bilig nang pagtakbo ko hindi ko namalayan na may makakasalubong pala ako.

            “Okay ka lang ba?” tanong ko sa batang babae na nabunggo ko. Tinignan niya ako nang masama. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ko.

            “Mukha ba akong okay? Ikaw kaya bungguin ko?” inis na sagot niya sa 'kin.

            “Sorry talaga, may pinagtataguan kasi ako, e,” nahihiyang sabi ko. Kinuha ko 'yung nahulog kong gitara. “Pasensya na talaga ha? Hindi ko naman sinasadya, e.”

            “Ano pa nga ba’ng magagawa ko?” mataray na sagot n’ya. Pinagpagan niya 'yung sarili niya. “Sa susunod kasi tumingin sa dinaraanan,” mariing bilin niya sa 'kin.

            “Ang liit liit mo, pero ang sungit sungit mo,” natatawang sabi ko at p-in-at niya 'yung ulo niya. “Ako nga pala si Ezeikel, ano’ng pangalan mo?”

            “Ekel?” gulat na tanong niya. “Ano’ng pangalan mo?”

            “E-zei-kel,” ulit ko.

            “Kel? Ako si Xel, sa susunod kuya mag-iingat ka na ha? Ingat na ingat sa akin ang mommy ko na huwag masugatan, tapos ikaw bubungguin mo lang ako. Paano kung nagkasugat ako? Psh,” sermon niya sa 'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bumping Hearts (His)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon