~Jack's POV~
Wtf just happen?!!
"Luhhh? Kuyaaa~,gusto ka ni Ate Monica~!! Hindi mo ba susundan?!" Sabi ni Snow
Tumayo naman kaagad ako saka hinabol si Monica. Nakita ko sya na nasa pool,kaya nilapitan ko kaagad sya
"Monica..." tawag ko sakanya kaya napa tingin kaagad sya saakin
"Alam ko,magkaibigan lang tayo. Pasensya ka na" sabi nya saka umiwas ng tingin saakin
"Bakit sinabi mo na magkaibigan lang tayo? Kung kung mahal mo naman pala ako?" tanong ko sakanya
"Dahil yun ang sinabi mo saakin noon! Kaya pagbalik ko dito sa pilipinas,akala ko okay na ako. Akala ko ready na akong harapin ka na hindi na kita gusto o mahal. Pero hindi eh,mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sayo. Paasa ka kasi! Kung sana hindi ka masyado nag care saakin,sana hindi na ako nag assume" sabi nya saka tumulo ang luha nya
~*~*~*~*~*~*
{Monica's POV}
Hinawakan ni Jack ang mukha ko saka pinunasan ang mga luha na tumulo sa mata ko. Lumayo naman kaagad ako sakanya ng kaunti
"Ayan kananaman eh,yang mga kilos mo. Akala mo nag alala pero magkaibigan lang pala tayo" sabi ko saka pinunasan ang luha
"Monica, mahal rin kita okay? Naramdaman ko lang ito ng umalis ka dito sa pilipinas noon" sabi nya
"Jack,please. Wag ka namang paasa oh, masakit kasi Jack. Sobrang sakit" sabi ko sakanya habang patuloy parin na tumutulo ang mga luha ko
"Monica,please. Maniwala ka saakin,mahal talaga kita" sabi nya saka ako yinakap ng mahigpit
"Please,maniwala ka naman saakin. Ang tagal ko ng gusto sabihin sayo to,pero hindi ko na alam ang number mo" sabi nya saka kinalas ang pagka yakap saakin
"Ang saya ko sobra,mahal mo na rin pala ako" sabi ko saka pinahid ang mga luha
Nagulat nalang ako ng hawakan ni Jack ang magkabila kong pisngi saka ako hinalikan sa labi. Dahil sa gulat ko ay hindi kaagad ako naka react,pero unti unti ko ring pinikit ang mata ko saka hinalikan sya pabalik
I really love this guy...
~*~*~*~*~*~
Sana nagustuhan nyo mwehehehe😂😂
winternessa <3
BINABASA MO ANG
The coolest girl ive ever meet {Completed}
Fiksi Penggemar"She's the coolest girl ive ever meet" ~ Kristoff Jack Ledesma ~~~~~~ {You can read the story of Jack's parents, Jasper's Property💙} {Jack's twin/sister story: Journey from hatred to love Jack's twin/brother story: Three sided love} {PS: Please do...