3rd Person's POV
"Hindi ko gusto ang ginawa niyo kagabi kila Tita Veronica. Mommy, ano ba talaga ang gusto niyong mangyari?" Pagtatanong ni Melissa sa kanyang ina.
"What about it? Formal ko siyang kinausap at pumayag din siya. Masama ba yung ginawa ko?" Sagot naman ni Mildred sa anak.
"The whole thing. Lahat ng sinabi at ginawa niyo ay mali. First of all, hindi niyo man lang ako tinanong kung gusto ko ba o hindi. Mommy naman, bata pa ba ako para diktahan mo kung ano ang dapat na gawin?" Pagmamaktol naman ni Melissa.
"Bakit? Kung tatanungin ba kita sasang-ayon ka? Akala mo ba hindi ko nahahalata ang mga pagpupuslit mo ng mga coockies at paggawa mo ng bouquet para lang makita mo siya. Alam ko ang galaw mo Melissa, so ngayon, sabihin mo nga sa akin kung aayaw ka pa... now that I am helping you get the man of your dreams" paliwanag ng ina. Hindi naman makasagot si Melissa.
Sa simula pa lang ay may gusto na talaga si Melissa kay Reyrin. Simula nung makilala niya ito bilang kaibigan ni Renzo. Magmula din nood ay gusto niyang makita at mapansin din siya ni Reyrin, pero hindi niya ito magawa-gawa dahil palaging busy ang binata.
Ngayon, dahil sa sinabi sa kanya ni Mildred ay nagdalawang isip siya na pigilan ang kanyang ina o hindi na.
"Kung wala ka nang iba pang sasabihin, ituon mo na lang ang atensyon mo sa shop at may pupuntahan pa ako"
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Melissa.
"Maglalakad-lakad lang para magpahangin" sagot naman ni Mildred saka sumakay na sa kotse niya at umalis. Naiwan naman si Melissa sa flower shop habang iniisip kung ano ang gagawin ng kanyang ina.
Jasmin's POV
Hinanap ko nang hinanap si Robbie pero hindi ko talaga siya nahahanap. Ngayon naman na gusto ko siyang makita doon naman siya hindi magpapakita. Ang ganda rin ng timing ano. Nakakainis rin paminsan.
"Hinahanap mo daw ako?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Robbie mula sa likuran ko. Hindi ko man lang siya narinig kanina na papalapit sa akin.
"Huh? B-ba-bakit naman kita hahanapin? It's not like hihnuhhnup kikuh you know" shoot! Bakit hindi lumalabas ang mga salita sa bibig ko.
"You're mumbling, so hinahanap mo nga ako" sabi naman ni Robbie habang lumalapad ang ngiti.
"Fine hinahanap nga kita. Sino palang nagsabi sa'yo?" Tanong ko sa kanya.
"Sila Chin-Chin ang nagsabi sa akin" sagot niya naman. Tumango na lang ako.
"So, bakit mo ako hinahanap? May sasabihin ka ba?" Tanong naman ngayon ni Robbie.
"Explain to me bakit ganyan ang ginagawa mo lately. Nakakapanibago ang mga kinikilos mo this past few days" sabi ko sa kanya.
"First of all, gusto kong magsorry sa mga nagawa ko sa'yo. Alam kong ayaw mo akong makasama pero pinipilit ko pa rin. Gusto ko lang kasing makipagkaibigan. Nakikita kong malungkot ka kaya gusto kitang pasayahin. Nang marinig ko mula sa'yo na palagi na lang ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan. Napag-isipan ko na bigyan ka muna ng space, dumistansya muna ako sayo para makahinga ka. Ayaw ko naman kasing malaman na nasasakal ka na dahil sa ginagawa ko"
Robbie's POV
♡Flash Back♡
Lumabas na halos lahat ng mga tao dito sa classroom pero hindi pa rin tumatayo ng upuan si Jasmin? Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito at baka hindi pa siya maglunch.
"Jasmin, hindi ka pa ba maglalunch?" Pagtatanong ko sa kanya. Sumagot na siya saka naglakad na papalabas kaya nagsimula na rin akong maglakad papunta ng cafeteria.

BINABASA MO ANG
The First And Last
Novela JuvenilHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...