Greece POV:
"Greece can I talk to you?"
Nilingon ko ang pinagmulan ng boses na iyon.
Gramps...
Pumihit ako paharap sa kanya. Saka siya tumalikod at naglakad sa kinaroroonan ng kanyang opisina.
Sumunod lamang ako sa kanya. Hinintay akong makaabot sa harap ng pinto at binuksan iyon pagkatapos ay pumasok na rin siya.
"Tungkol saan ang pag uusapan natin Gramps." I ask.
Tinungo niya ang upuan sa gitna ng kanyang opisina saka tinuro ang silyang nasa harap niyon. Nagpapahiwatig na gusto niya munang maupo ako bago sabihin ang bagay na dapat niyang sabihin sa akin.
Tinungo ko ang silyang iyon saka naupo ng maayos. Pinagkrus ko ang aking kamay at mataman siyang tinignan.
"Napag desisyunan ko na ang bagay na ito at,.." napabuntung hininga siya saka inilayo ang paningin sa akin. "sa tingin ko ito ang pinakatamang gawin." Sabi niya habang napapailing pa.
Di ko mapigilang hindi iikot ang paningin ko.
"Ano nga iyon Gramps. Huwag ka ng pasikot sikot." Di ko mapigilang hindi magsalita.
"You and Kael will stay in the same house." sabi niya saka tumingin sa akin ng diretso.
Parang winawari niya kung ano ang magiging ekspresyon. Pero dahil sadyang magaling akong mag tago ng ekspresyon ay hindi niya agad iyon nahalata.
Yung halong pagkagulat at pagtataka.
"Okay." yun na lamang ang sinabi. Mas mainam ang hindi ako masyadong magsalita mahirap na at baka maging iba na naman ang pag intindi niya a mga bagay bagay.
"Okay??" parang di makapaniwalang tanong niya. "Pagkatapos nang sinabi ko sayo okay lang ang sasabihin mo?" tanong niya ulit na prang gusto bang kumpirmahin kung tama ang kanya narinig kani kanina lang.
Tango lamang ang isinagot ko sa kanya.
"Seryoso ka?" mas lalong hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Tumango na lamang ulit ako tanda bilang pagsagot sa mga tanong niya.
Tumayo ako saka mataman siyang tiningnan. "Wala akong magagawa kung iyan ang gusto ninyo." Sabi ko saka tinungo ang pinto.
Binuksan ko iyon at nilingon siya sabay gawad ng matipid na ngiti sa kanya.
"Ahh—Greece." Napatingin ako sa aking braso na kanyanh hinawakan.
"Alam ko kung saan ang bahay. At alam ko na bukas na bukas din ay gusto mong nandoon na ako." Pagtapos ko sa kanyang sasabihin, saka hinila ang braso ko sa kanya at tinungo ang daan patungong parking lot ng building na iyon.
Dali dali akong pumunta sa kinalalagyan ng sasakyan ko at pinaharurot iyon patungo sa bahay.
"Oh saan ka galing? Ginabi ka ata?" bungad sa akin ni Vee.
Tumuloy ako sa loob at pabagsak na umupo sa sofa na nasa sala. Ipinikit ko ang aking mga mata saka pinakiramdaman ko ang sarili ko
' Bakit nga naman ako pumayag sa gusto niyang mangyari? Alam naman naming lahat na isang kapit sa patalim ang gagawin ko pagnagkataon. Hayysss'
May naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya iminulat ko ang aking mga mata.
Si Vee..
"Oh anong pinag usapan ninyo ng lolo mo?" tanong niya nang hindi man lang iniaalis ang tingin sa akin.
YOU ARE READING
Undefined
General FictionAll things were impossible to define since from the beginning