Chapter 24

60 7 1
                                    

I looked at my phone at nakitang nag disconnect na ang tawag ni Ms. Claire. Pagtingin ko sa pinto nandun pa rin si Sir Chuck, "Anong ginagawa mo dito?" Tumayo ako at pinuntahan sya, "Tara na baka may makakita pa sa atin." Kinuha ko ang braso nya at hinatak sya palabas.

Paglabas namin ng pinto, binitiwan ko na sya pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Pinag-entwine nya ang mga daliri namin at hinatak ako pakanan, palayo sa reception venue, "San tayo pupunta?"

Nilingon nya ako at sinabing, "We need to talk."

Hindi na ako nanlaban at kailangan naman talaga naming mag-usap. Before pa kami napunta dito I knew na mahirap kung maging kami, lalo na ngayon. Ayokong maging hadlang sa kanila ni Ms. Claire. Hindi pa naman ako emotionally invested so I think kakayanin ko naman magparaya.

Lumiko liko sya, parang Bed and Breakfast pala itong lugar, super cozy at iilan lang ang rooms. Speaking of rooms, gamit yung kanan nyang kamay, bumunot sya ng susi sa bulsa nya at binuksan ang isang kwarto, sumenyas sya sa akin para pumasok ako at sumunod naman ako. Although yung tibok ng puso ko parang dumadagungdong na hanggang lalamunan ko.

"This is Mom and Dad's room for the night, I borrowed her key." Nilapag nya ang susi sa table malapit sa pinto.

Tumingin ako sa paligid, sobrang nice ng place parang antiques yung furniture tapos yung overall feel nya parang rustic and homey. Yung focal point nitong room is the huge four poster bed. Pang romansa. Nagblush tuloy ako.

Tumalikod at humarap sa kanya,  "Anong pag uusapan natin? Bilisan mo baka kung anong isipin ng mga kamag anak mo."

Nakasandal sya sa pader at parang pinag aaralan ng maigi ang kilos ko, "Were you talking to Claire?"

Tumango lang ako, "Yes."

"You gave her advice." Sabi nya. Hindi naman tanong yun so hindi ako sumagot.

Nagbuntong hininga sya at lumapit sa akin, "I have to admit I'm pretty nervous right now." Lumapit pa sya lalo at kinapitan ang mga balikat ko, "I know you're a good person, Andi. That's part of why I like you."

Nakatingin lang ako sa kanya at naramdaman kong hinahaplos nya ang mga balikat ko, gusto ko sanang sabihing "Wag Shir, may kiliti ako jan" Kaya lang parang panira ng moment.

"And now I kind of know what's going inside that head of yours." Tinuktok nya ng very light ang noo ko.

Ang lapit na ng mukha nya sa akin, at napa titig tuloy ako sa mga labi nya. Pero tinaas ko ang kilay ko at sinabing, "Talaga? Alam mo? Sige nga, what am I thinking about right now?"

He grins, "I know you want to kiss me."

Nanlaki ang mata ko dahil tama sya, pero hello? Hindi ako gaga para gawin yun ngayon, baka di ako makapagpigil unahan ko na yung mga bagong kasal sa honeymoon. Charot.

"But..." He says seriously, "I know you're not going to do it because like I said you're a good person. And I know that you are also thinking about the person who will get hurt if you do."

Nilagay nya ang noo nya sa noo ko at huminga ng malalim, "Sometimes I wish you and I met years before then things would not be so complicated."

Natawa ako ng konti, "Sus. If you and I met before hindi mo naman ako mapapansin."

Napaatras sya, "Why the hell would I not notice you? I've always thought about you since the first time I saw you."

I rolled my eyes, "Nakuuu. Bolero ka talaga. Sige na, kelan mo ako unang nakita?"

He crosses his arms over his chest, "Two years ago, nagka-problem ang computer ng taga HR and I was the only available IT Support so I was there trouble shooting it. You came into the HR Office for your interview, you were wearing a green dress. It looked horrible."

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon