Kabanata 8

621 12 0
                                    

Kabanata 8

Higpit

Hinawakan ko ang braso ni Basty at bahagyang niyugyog iyon. I think he regrets what he just told me now that he saw my reaction. But I will not let this go.

May mga camera ba sa paligid? Is this a damn prank? Mas gugustuhin ko na ngang ganoon kaysa sa totoo!

Kinagat ni Basty ang kanyang labi at pumikit ng mariin. “Fine, I will tell you everything, if that’s what you want.”

Hinintay ko siyang magsalita pa. Nakatingin lang siya sa akin, tinitimbang ang aking ekspresyon. I know that I am giving him a difficult time here. Alam kong napilit ko lang siya. Kung hindi ko lang siya pipiliting magsalita, he will just shut up. Mukhang hindi na rin niya napigilan ang sarili sa sinabi kanina dahil alam niyang nagagalit na ako sa mga tinatago niya sa akin. And he doesn’t like that.

Napatingin siya sa paligid bago magsalita kaya ganoon rin ang ginawa ko. Kumunot ang noo ko kanyang ginawa.

“Walang alam si ate, she doesn’t need to know this,” he answered my unspoken question.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta ngayon. Pumasok kami sa loob ng bahay at dinala niya ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin. I saw the two grand staircases leading upstairs, I want to comment on that but my mind is too preoccupied to do so. Dinala ako ni Basty sa itaas na wala pa ring sinasabi kung saan kami pupunta.

“Basty, saan tayo…” Hindi ko natuloy.

Pumasok kami sa pinakamalaking pintuan ng ikalawang palapag. Sa labas ay iisipin kong iyon ang master’s bedroom at kwarto iyon ni ate Marj. Pero bakit kami dito papasok kung ganoon nga?

Sa loob ay binitiwan na ni Basty ang aking kamay. Dumiretso siya doon sa isang lamesa na may laptop, kinuha iyon at binuhay. Hinarap niya iyon sa akin. The bedroom is large, iyon na lamang ang aking masasabi dahil masyadong abala ang isip ko para ipuna pa ang mga muwebles at dekorasyon.

“Basty,” nilapitan ko siya at humalukipkip, dahil nagtataka na ako sa ginagawa niya. I want him to tell me everything! What the hell is he doing?

“I’m calling Dino.”

Si Dino? I haven’t seen him since I left CDO so anong kinalaman ng kaibigan niya dito?

“Si Dino? Bakit?”

“His family owns an arms industry and a security organization. Sa kanila rin galing mga bodyguards na nagtatrabaho para sa amin,” aniya habang minamanipula ang laptop.

His answer just formulated more questions in my head. Mukhang napansin ni Basty ang pagtataka ko kaya tumayo siya ng maayos at hinarap ako.

“I also had him track the person that sent the e-mails.”

Pinagtaka ko iyon. If someone wants me dead, bakit hindi ko nakita? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang motibo nila. Is it because…

“Sino pa ang nakaalam nito? Si daddy… alam ba niya?”

Umigting ang kanyang panga, parang iniwasan niya ang tanong na iyon pero hindi siya nagtagumpay.

“Yes. An e-mail was sent to your father as well, the same e-mail that was sent to me.”

Napatango ako ng marahan sa sinabi niya. Wala na akong ibang maisip na rason kung hindi ang pagiging konektado nito sa kumpanya ni daddy. Yeah, sure, dad might be a good man. But I know how his world works. I also heard how ruthless he can be in business. Marami na siyang nakalaban doon at maraming beses na siyang nagwawagi. Who knows if someone held grudges against him, right?

Playful Melodies Book 2: Precious MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon