39

591 44 31
                                    

Point of View: Meca

ilang oras na akong nakatitig sa cellphone ko. sa huling mensahe na ipinadala ko kay perky baby shark kagabi at halos hindi ako nakatulog- actually mukha ngang hindi ako natulog dahil sa malulusog kong eyebags.

gusto kong sabihin na 'why are you lying?' pero sa halip na sabihin ko iyon nag send ako ng isang 'good morning perky baby shark' pasensiya naman, pagdating kasi kay perky nakakalimutan kong mag-isip ng lohikal na ideya para bang bigla bigla nalang nanlalambot ang puso ko at tila ba nilulusaw din nito maging ang utak ko.

pero bakit nga ba? bakit siya nagsisinungaling? hindi ako nagkakamali na siya ang nakita ko sa may la café kahapon, at hindi naman din siguro nagsisinungaling si yvon. i wanted to ask him. kating kati akong tanungin kung bakit siya nagsisinungaling na pauwi palang sila pero as usual, nagtanga-tangahan ako, no. tanga talaga ako.

i tried hard to not look suspicious and sana-kahit kakaunti- he felt bad from lying to me. pero agad akong napatawa sa pinag-iisip ko. of course he would never felt bad for me because in the first place he didn't and abviously don't care about me. not at all.

kahit ang gusto ko lang ay ang kasiyahan niya in the end he wouldn't be happy as long as i'm the one who's wanting him to have it. not when i'm around. look where the happy conversation ends- it ended with him being angry when all I want is him being happy. nice game, life.

"maria, aba iha. hindi ka ba babangon riyan? ika'y may pasok pa sa eskwelahan." sa gulat ko agad na nabitawan ko ang cellphone ko at sumalpok sa mukha ko. agad akong napabalikwas.

"na! naman eh. ang sakit. sana man lang kumatok kayo." angal ko. lumapit ito sa akin at hinablot ang cellphone ko.

"hindi ba't sinabi ko na sa iyo na huwag kang gumagamit ng bagay na ito. hindi ito nakabubuti sa kalusugan mo. hala, maria tumayo ka na riyan at mag-iigib ka pa sa poso sa likuran." sabi nito at lumabas sa kuwarto ko tangay-tangay ang cellphone ko. ayos lang naman dahil alam ko kung saan nilalagay ni nana ang mga gamit na kinukumpiska niya sa akin.

dumiretso na ako sa bakuran at oo, may poso talaga kami kaya batak ang maskels ko kapag gusto ko makipagbunuan kela erza. mayaman ang pamilya namin pero nana keep our household simple- para nga akong naninirahan sa probinsiya sa lifestyle na mayroon si nana at mga pinaniniwalaan nito. kaya siguro lumaki akong ganito-baduy- sabi nga nila ezra at nang iba pang mga kabataan na hindi sanay sa 'fashion' ko. ay naku, care ko ba sa kanila! sila ba si perky hmmp! saka hindi naman ako baduy, hindi lang nila lola si nana.

cafeteria. naka-dukdok lang ako sa lamesa, wala akong gana kumain at kanina pa ako nahihilo sa mga tao sa paligid ko lahat sila natataranta para sa school fair na gaganapin bukas. gusto ko nga tumulong mag-ayos ng booth kaya lang tinaboy ako ng mga hunghang kong kaklase, napakabaduy daw ng taste ko- ampucha, bakit di ko naman didilaan yung booth namin! klaseng logic 'yan. naramdaman kong gumalaw ang upuan sa harapan ko. tinataas ko ang tingin ko at napabuntong hininga.

"problem?" mataray na tanong nito at nagdipa sa laptop niyang katukayo niya sa life.

"hoy arcane singit! bakit ka ba nandito? chupi nga!" pagtataboy ko pero di niya ako pinansin buti nalang wala pa si perky kasi kung hindi baka sabunutan niya ang kilay ko. imbes na sagutin ako at lumayas sa harapan, tinitigan niya yung dala kong naka-lapag sa lamesa.

"what's that?"

"sapin-sapin."

"not that."

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon