My Mysterious Boy is a ghost!!!! (Deeper Friendship, Love Deeper)

36 0 0
                                    

Chapter 13 - Deeper Friendship, Love Deeper

Clinton's POV

Masaya ako pag si Yana ang kasama ko palagi. Daldalera kasi kaya hindi ako nababagot.

Mula nung maaksidente kami ng girlfriend ko at humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan, naging sobrang malungkot na ang buhay ko.

Wala akong makausap. Araw-araw kong nakikita si Theo pero hindi naman niya ako nakikita. Kahit sigawan ko pa siya hinding hindi niya 'ko maririnig.

Kaya nung isang araw sa park, hindi ko akalaing may makakapansin sa akin, si Yana.

Mula noon sinusundan ko na siya ng palihim. Nahihiwagaan ako sa babaeng yun eh.

May third eye kaya siya? Bakit niya ako naririnig at nakikita?

"Good morning." bati ko sa kanya habang nakaupo siya sa swing dito sa park ng subdivision. May usapan kasi kaming dito magkikita every weekends.

Walang tao palagi dito sa park. Kaya very relaxing pag dito magtatambay.

"Good morning, too." she smiled widely. Nakakatunaaw ng puso ang mga ngiti niya. "You're looking good Clint, huh?"

Feeling ko nagbablush ako sa tuwing binibigyan niya ako ng compliments.

"Ah. Wala. Siguro dahil I'm feelin' a liitle better." 'di tuloy ako makatingin ng dretso sa kanya.

"So, that means nagiging okay na ang katawan mo doon sa States?" lagi niyang tinatanong ang tungkol sa comatose kong katawan.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Wala naman talaga akong alam kung ano nang nangyayari sa katawan ko eh.

"I don't know Yana. Sa tingin ko yun nga ang dahilan."

Napansin kong may dala siyang gitara.

"Marunong kang maggitara?"

"Siyempre naman. Dinala ko ito para kantahan ka." nagwink siya sakin.

"I should be the one doing that to you." mahina kong sabi.

"Ano ka ba. Okay lang yun noh. Anong paborito mong kanta?" she looks serious na kantahan at haranahin ako.haha. Ang swerte ko!

"Ikaw nalang bahalang pumili ng kanta. Yung song mo para sa akin."

"Okay sige. Ano ba. Wait." nag-isip siya ng kanta.

"Ah! Alam ko na! Makinig kang mabuti ha. This song speaks to me." nagsimula na siyang tumugtog.

Kinanta niya ang Bestfriend by Jason Chen (search the song for the lyrics)

Matapos niyang kantahin yun, nagsalita siya muli...

"You  are my Bestfriend."

Which leaves me a hanging thought.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ako ang bestfriend na tinutukoy niya sa kanta.

"Alam kong we never met when we were ten, but my favorite line sa kanta is 'I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND'. I know hindi ito gawain ng isang matinong babae, but, Clinton, My Mysterious Boy, Will you be my best-boyfriend?"

---

Chapter 14 - The proposal

Yana's POV

Nilakasan ko na talaga ng bonggang bongga ang aking loob. Ganito pala ang pakiramdam kapag nanliligaw ka.

At ako pa talaga ang nanligaw sa kanya ha.

"Ayoko nang hintayin pa ang panahon na sasabihin mo sa akin ang tunay mong nararamdaman MB, gusto ko talagang malamn mo na hindi lang ito simpleng like o crush. I think. I think I'm inlove with you."

My Mysterious Boy is a ghost!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon