Alamat ng Binatang Manunulat sa Wattpad

1K 75 42
                                    

Sa loob ng isang taon, marami na akong nakilala at natutunan sa Wattpad. Mga bagay na masasabi kong ditto ko lang malalaman. Marami din akong nagagawa ditto na hindi ko nagagawa sa totoong buhay, tulad nalang ng pagbabasa ng mga kwento, na kung nasa libro yan, matagal ko ng tinulugan, ang pakikipagusap sa mga hindi kakilala at makipagkwentuhan sa mga taong minsan Malabo din kausap tulad ko.

Pero saan nga ba ako nagmula, oh well, ang gwapong manunulat na ito ay nagmula syempre sa perpektong magasawa at perpektong pamilya. HAHAHAHA. Syempre biro lang yun.

Nagsimula ko malaman ang Wattpad sa pagbabasa lang ng kabalastugan kasama ng barkada kong mga lalaki noong HS, yung mga rated ba, sikretong malupit lang to, sa inyo ko lang sinabi, kaya walang labasan. Tapos, dahil matalino akong tao, nalaman ko na may ibang genre pala tong wattpad. Hanggang sa nakabasa ako ng English na story at meron ding tagalog na sinulat ng mga taga CC writers. CandyCorner Writers. She’s Dating the Gangster, mga gawa ni Miss Jessica, ni Jonaxx at nung kung sino sino pang malulupit.

Dati hanggang basa lang ako, hanggang sa natripan ko na din magsulat.

Karamihan sa mga nasulat ko, base sa totoong buhay, hindi man sakin, basta may pinaghuhugutan ako. Tsaka mas gusto ko yung ganito, para malapit sa realidad, mas madaming makakarelate at makakaintindi sa mga sinasabi ko. ayaw niyo ba nun?! Damayan tayo ditto! HAHAHAHA

“Semestral Love” – my first entry. Araw araw ako diyan magupdate dati. Baguhan e, kaya sipag sipagan. Tsaka maluwag pa schedule ko nun, kaya mabilis ako magupdate. Una kong mga reader diyan sila Cham, Bettina Magno, Eunice Chua at dumami na sila ng dumami.

Naalala ko noon, walang napansin sa gawa ko. HAHAHA. Sumama loob ko, kaya ang ginawa ko, nagupdate pa ako ng nagupdate, pakialam ko ba sa kanila, ang mahalaga nagawa ko ang dapat kong gawin. Hanggang sa naging 10, 100, 1000 reads pati votes nadami isama mo na din yung fans/readers.

Hanggang sa sinilang ang “He’s Something and She’s Nothing” ang tambalang Krios at Athena, eto hitik sa takilya, ewan ko ba kung bakit dahil siguro sa mas mature to. May mga BS. LOL

Sunod sunod na yun, Eternal Love, The Ruthless Journal, Articles and The Cliché Story. Ngayong nabanggit ko na to, nalulula na ako sa dami kong nagawa. Pero isa lang ang masasabi ko, Feeling writer pa din ako.

Sa mga nakakausap ko ditto, hindi na maalis ang katagang “Lalaki po kayo?

Uulitin ko. ako si mrpredictable, M-I-S-T-E-Rpredictable, ano sa tingin niyo ang sagot?HAHAHA. hindi porket lalaki kami hindi na kami pwede magsulat. May kanya kanyang rason ang isang tao sa pagsusulat kaya sana wag na kayo mashock kung may mga lalaking nagsusulat.LOL

Laking pasalamat ko sa Wattpad, dami kong nakilala, mga taga Wattpad Pilipinas, sila tounguetiedbabe, mysecretidentity, mypencil1223, sleeplessguy, de misse, ray mariano, aril_daine, akned mars. Sa mga nakilala ko sa ibang groups. Sa mga SHREKS ni Master Casper, ang WPP Restricted Side. Sa mga groups na ginawa akong admin kahit wala akong ginagawa. Diba?! Dami ko na kilala, pero di ko kayo maalala lahat sa pangalan, mahina memory ko. LOL

Naging tagapayo din ako ditto, si lokalokalee, si animelover/ana, ang tatlong aswang si fash gail, filtypsyche at heymi. Yung ibang di ko nabanggit wag kayo magalala. Nasa dulo ko na kayo ng dila e. ayaw lang lumabas, pero sa lahat laking salamat at utang na loob ko sa inyo.

Sa mga nagbabasa, nagbasa at magbabasa ngayon palang nagpapasalamat na ako. Salamat sa tiwala sakin, kahit di pa din kayo tiwala, kahit napilitan kayo, salamat pa din! enjoy enjoy lang sa pagbasa.

At ditto nagtatapos ang alamat ng isang gwapong katulad ko. HAHAHAHAHAHA. Hanggang sa muli!

Salamat ulit sa inyo! Mahal ko kayo x)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alamat ng Binatang Manunulat sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon