(J) Chapter Ten

1.2K 26 0
                                    

Whitney Pearl

On the way ako sa mansyon nila Addy dahil balak kong sabay kami pumunta sa gaganapan ng racing mamaya. Naglakad lang ako since sa kabilang village lang naman yun. Tinatamad akong magdala ng kotse kaya ito nalang ang naisip kong paraan. Well, sabi ko nga kanina I don't have license. I have bigbikes but I prefer not to bring one dahil sa tinatamad rin ako. Pero, I can say that I can drive.

Nakarating nako sa village nila Addy. Kaya dumeretso nalang ako ng pasok. Kilala naman na kami ng mga guards nila dito, kaya okay lang sakanila kahit magdere-deretso nalang kami ng pasok.

Napadaan ako sa may eskinita. Kaya naman naalala kong meron nga palang shortcut dito kaya dito nalang ako dadaan. Kaso agad din akong napahinto ng may nakita akong nagbubug-bugan. Nice! Gandang timing ah. Hindi na sana ako makiki-alam kaso mabait ako. Dahan dahan akong naglakad papunta dito, hindi ko na sana 'to papansinin eh. Kaso may babae yatang damay.

Habang papalapit ako sa mga nagbubugbugan ay naging pamilyar sa akin ang hubog ng katawan ng babae. Napagtanto ko na si Addy pala ito ng makalapit ako dito. May kasama siyang lalaki na nakikipaglaban. Ayy, taray! May Knight in Shining Armor ba itong babae na'to?

Narinig ko ang sigaw ni Addy ng matamaan siya ng kalaban sa mukha. "My Faceee. Urrghhh!" Mukhang hindi naramdaman ni Addy ang presensya ko ha? Bago ata to. Sa kalagitnaan ng labanan nila ay agad na kong nagsalita. "Ang unfair niyo naman. Dalawa lang sila tapos kayo andami? Pwede bang makisali. Hahaha~" sabi ko habang pinapaikot ang kamay sa dulo ng buhok. Napalingon naman sa gawi ko si Addy ng makilala niya ang beautiful voice ko, jowk.

Tila naexcite siya ng makita ako. Hahaha, oh sweetie kung alam mo lang kung gaano ako ka-excited. Madumi sila maglaro, may mga knife, kahoy at iba pa silang dala. Exciting to.

"Ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin habang nakikipaglaban. Agad namang may sumugod sakin kaya patuloy lang ako sa pagiwas. "Balak ko sanang dito nalang dumaan dahil may shortcut dito papunta sainyo pero napahinto ako ng may na-aninag akong mga nagbubugbugan." Sabi ko habang umiiwas parin.

Nakakuha ako ng tyempo kaya agad ko siyang tinadyakan sa tagiliran, at iniikot ang kamay para malaglag ang dala niyang kutsilyo. Kinuha ko to at sinaksak sa tyan niya.

"At bakit naman? Sabihin mo makiki-sabay ka nanaman?" Napapailing nitong sabi. 

Hindi na nakalaban pa ang lalaki kaya pinagpagan ko na ang damit ko. Saktong napadako ang tingin ko kay Addy ng may mag tatangkang saksakin siya sa may braso. "Addison sa likod mo!" Sigaw ko saknya. Napabalikwas naman siya ng sigawan ko ito. Kaso nadaplisan parin siya sa balikat. Bat kasi nagde-day dream. Alam namang nakikipagbugbugan siya. Tch!

Kumuha siya ng dagger sa sapatos niya at binato ito sa noo. "Bulls eye." Sabi niya ng saktong tumama ito sa noo. Napapailing nalang ako. "Walang kupas, Addy. Sharp shooter parin ha?" nasabi ko nalang habang tumatawa. Ang leader nalang ng mga unggoy ang natira. Tila gulat at takot ang makikita mong expression ng mukha niya. Agad naman itong umalis at kumaripas ng takbo. Weaklings bibira bira tapos tatakbo bandang huli? 

"Yari ka nanaman talaga. Mag handa kana sa leader mo ah." Sabi ko at tinapik ko nalang sa balikat si Addy. Umuna na akong maglakad sakanya at hindi na siya hinintay pa. Mukhang mag-uusap pa sila nung guy eh. Dito ko nalang siya aantayin, tumingin ako sa wrist watch ko at naknang alas nwebe pasado na. Gagamutin pa niya yung sugat niya. Pasaway na babae kasi!

Maya maya pa ay nakita kong paparating na siya. Nahuli ko pa ang pag-irap na sumilay sa kanyang mata bago naging poker face. Tsk! Matalas ata ang mata ko, Agad nakong naglakad at hinintay na sumabay sya sa paglalakad ko. "Who's that boy?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami. "None of your business." Masungit na sabi niya. Tignan mo 'to. inirapan ko nalang siya at napapadyak sa sobrang inis. Hindi man lang mag thank you? Sabagay kung hindi naman ako dumating ay kaya na niya yon. 

Long Lost Mafia GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon