NOTEBOOK and MARKER (Short Story)

999 34 22
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ng dorm na tinutuluyan ko. Tanghali na kasi ko sa klase, good thing nasa tapat lang ito ng university na pinapasukan ko.

Habang patakbo akong bumababa ng hagdan, bigla ko namang naisip ung quiz namin ngayon sa physics. Sana lang ay makaabot ako, strict pa man din ung Prof. namin dun. Tss -_-++

Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng gate ng dorm at tatawid na sana ako ng wala sa konsentrasyon dahil sa pagmamadali ng biglang may humigit sa aking braso.

Hindi ko agad nakita kung sino ito dahil napasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Sigurado akong hindi ito babae, kundi isang lalaki.

Hmmmn.... Ang bango bango naman nito.. totoo ang bango! Woohh! At..at...at....... mukhang Hawwwwttt. >///<

Teka! Teka! Ano ba tong iniisip ko,?

erase, erase!

Nagbalik ako sa katinuan at itutulak na sana siya ng bigla siyang nagsalita at inilayo ako sakanya.

"Magpapakamatay ka ba Jess?!" teka? Namali lang ba ako ng pagkakarinig ng boses ng lalaking ito.. dahan-dahan akong tumingin sa lalaking nasa harap ko..

O_O

Shemayyyy!! Siya nga, hindi ako nagkamali, boses palang.

Si Rein, my ultimate crush! Mayyygawwwdd......... nakakahiya, kamuntikan na pala akong masagasaan kanina at kung hindi dahil sakanya e deads na ko. >.<

"ah..e,ehh.. hindi naman. Namamadali kasi ko dahil late na ako sa klase. Thanks pala." Ngumiti ako ng pilit, nakakahiya naman kasi e.. err

"late? E 10am pa klase natin sa physics ah?" sabi niya na may halong pagtataka.

Oo, "klase natin" classmate ko siya simula 1st yr col. Ngayon ay pareho kaming 2nd yr. Civil Engineering take note regular kami. Hahah! Achievement na kasi un na naipasa namin ung 2 math sa 1st sem and 3 math and 1 physics nung 2nd sem. ^__^

Wait, para naman akong naguluhan dun, 10:30 na kaya nung umalis ako ng dorm e.

"huh? Oo late na ko, late na tayo! Mayroon pa tayong quiz dun."

"tumingin ka ba sa orasan bago ka pumasok it's just 9:40am" sabay turo niya sa relo niya, then he smirked.

Napatingin naman ako sa relo niya.

O_O

Oo nga, 9:40 palang sakanya. E bakit nung tinignan ko ung orasan sa dorm kanina 10:30 na!

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung nong oras na..

9:42am..

waaahhHH!!

Don't tell me sira na naman ung orasan sa dorm. Nakakainis naman. Aish! Ang tanga ko! -_-

"o..ooophs.... sira ata ung nakita kong orasan." Hiyang hiya kong pagkakasabi

"hahahah! Cge mauna na ako at mag-iingat ka naman ok?!" at ayun tumawid na siya at pumasok na sa gate ng university.

Naiwan naman kong nakatulala dahil sa pagkakasabi niyang "mag-iingat ka naman ok!" ramdam ko ang pag-init ng aking mukha. Mabuti nalang at hindi niya nakita. >////<

Ako lang at ang aking bestfriend na si Diane ang nakakaalam na may gusto ako kay Rein. Masaya na ako sa palihim na pagtingin sakanya. Pero mas Masaya sana kung magiging kami. Hahah! Kaso malabong mangyari un.

Hindi kami gaano nag-uusap o nagpapansinan sa school. Madalas kasing kasama niya ang tatlo niyang mga kabarkada. Magtetext lang din siya kapag may itatanong na assignment.

NOTEBOOK and MARKER (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon