UnExpected 1

0 1 0
                                    


****
Cindy Garsota

"Ano ba jerome, umuwi ka na kasi" ano ba naman tong lalaki na to. Hindi ba siya napapagod kakasunod sakin . tsk

"Hindi, ihahatid na kita." haynaku. mapilit talaga! Psh

Andito kasi kami ngayon sa exit ng university. Medyo madilim narin kasi alas sais na ng gabi!

"Cindy, wag ka na nga lang kasi umangal. Ihahatid lang naman kita!" mapilit talaga tong lalakinh to kakainis, baka mamaya mapagalitan pa ako ng ate at kuya ko pag nakita siya !!

"Please...." aba! At nag pacute pa ang loko.

"Fine!" ngumisi naman ng malapad ang loko!

"Pero wag ka na mag papa cute ah. Nakakasukang tignan" sabi ko at tumawa naman siya! tapos umangkas na ako sa motor niya at nag suot ng helmet.

Infairness ang tulin niya parin mag maneho.

Siya si Jerome Crisologo. Manliligaw ko , siguro one year na! Mabait naman siya, sobrang kulit tsaka gentleman. Mayaman, matalino at varsity sa basketball, Gwapo at habulin ng mga babae.

Ewan ko ba kung bakit di ko pa siya sinasagot. Feeling ko kasi di ko pa siya kilala ng lubusan!

Maghintay siya hanggat kaya niya!

Pareho kaming nasa college, same school pero hindi kami classmates.

Si Jerome 19 years old na siya kaya malaya na siyang nakakapag drive ng motorsiklo. Ahead siya ng one year sa akin pero parehos kaming nasa 3rd year.

"Andito na tayo" natauhan naman ako ng bigla siyang magsalita. Kanina pa pala lutang ang isip ko tss

bumaba na ako sa motor niya at tinanggal ko ang helmet sa ulo ko then inabot ko sa kanya.

"Thank you" sabi ko at nag smile ako sakanya. kumindat pa ang loko!

"Ahm. C..cindy" sambit niya

"What?" nakataas ang isa kong kilay . napayuko naman siya bigla!

Problema nito? Tss

"A..ah ehh a..ano kasi antagal ko nang nanliligaw sayo, pero di mo pa ako sinasagot." medyo na freeze ako sa kinatatayuan ko ng sabihin nya yon. Ughh ba't ba parang bigla akong nailang tsss

"S..so nag mamadali ka na ganun?" (^_-) yan lang nasagot ko! Ughh

"S..sabi ko nga mag hihintay ako. Hehe" ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

Alam kong mahal niya ako, pero kasi sa totoo lang parang hindi pa tlga ako handa eh

Paaandarin na sana niya ang motor niya pero pinigilan ko siya.

"Ahm ..... Jerome pwede bang tanggalin mo muna yang helmet mo?" tanong ko sakanya at ipinagtaka naman niya ito base sa facial expression niya.

Kaya naman tinanggal niya ang helmet. Tignan ko lang kung di ka kiligin sa gagawin ko!!!

"Oh aya...." bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay nitigilan siya ng hinalikan ko siya sa pisngi niya.

ヽ(*゚ー゚*)ノ <- -reaction niya.

(*^▽^*) <- -sa akin.

Kahit gabi na , kita ko parin na medyo namumula siya! Hahaha ang cute niyang mahiya.

"Oh ayan ha! Tignan ko lang kung makatulog ka sa kiss ko!" pang aasar ko sakanya.

"Cindy , isa pa!" sabay turo niya sa kaliwang pinsngi niya.

"Asa ka pa! Chupi ka na nga." sabi ko at tinawanan ko lang siya

"Tsk. Andaya! Ninakawan moko ng halik ha." pagrereklamo niya pa

"Cheh ! Umuwi ka na nga." tinaboy ko naman siya

"Tss. Gantihan kita diyan eh!" sabi niya at nag pout pa. Haha

Sinuot naman niya ulit ang helmet niya.

Maya-maya ay nagpa harurot na siya ng motor niya. Haaaays!

Napaisip tuloy ako, what if sagutin ko na siya ?

Naisip ko lang, wala naman sigurong masama kong susubukan ko dba ? Antagal narin nung huli akong magka boyfriend. High school pa yata ako nun!

Tska wala naman akong nakitang mali sa kanya.

Hmmm alam ko na!!!

Nasa tapat ako ng bahay namin ngayon. Sa may gate at aktong bubuksan ko na sana ang gate pero napahinto ako

Kislap ng yong mga mata
Ako'y iyong nadadala
Parang anghel ang yong ganda
Hindi maiwasang hahanap hanapin ka

Napalingon naman ako sa katapat ng bahay namin kung saan nangagaling ang nakakabingig tugtog.

Teka kelan pa may tao sa bahay na yan? Tsaka ang lakas naman yata ng patugtog nila! Bingi lang??

Oh kay tamis ng yong mga ngiti
Tulad ng rosas nakaka aliw
Di mapigilan mabighani sayo

T..teka! Baka naman multo? Luh. Oh no!!

Kaya naman nag madali na akong pumasok sa bahay. Baka mamaya makakita pa ako ng kung ano dito sa labas!

***

Pagkatapos kong mag dinner dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi pa pala dumadating sila ate!

Kaya si manang Edna at si kuya Gerald lang nandito sa bahay. Yung katulong at driver ni ate !

Sabi ni manang Edna , nag overtime daw si ate Crissia sa office tapos si kuya Christian naman andun sa Bar.

Wala dito ang parents namin. Nasa canada! Nag tatrabaho

Wait. Parang ang hangin yata ahh! Tsk yung bintana pala bukas. Minabuti kong lumapit at isasara na sana kaso ......

M...may tao. May tao sa tapat. Yung bahay sa tapat ng bahay namin ! Ughh bakit ba magkatapat ang bintana namin!!!

May lalaking naka dungaw sa bintana. Naka tingin sa

W..wait. Naka tingin sa direksyon ko? ⊙︿⊙

Omg!!! Dali-dali kong sinara ang glass window ko at pati narin ang kurtina nito.

Ughhh! Natakot ako bigla dun ah.

So may nkatira na pala dun. Buti naman kung ganon! Para naman may kapit bahay na kami dito noh. Hindi naman kasi magkalapit ang mga bahay dito! at tanging ang bahay na yan lang ang medyo malapit sa amin.
.
.
.
.
.

Humiga na ako sa kama ko't nag iisip ng kung anu-ano bago ako nakatulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnExpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon