It's You (one shot)

34 1 0
                                    

My headache really sucks. Kanina pa ako nandito sa school clinic. Ang tagal dumating nung school nurse. Nakahiga ako sa isa sa mga bed dito, bawat bed ay may kurtinang nakaharang.

Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang umidlip.

Nagulat na lamang ako nang may biglang humawi ng kurtina at pumasok yung lalaki sa area kung san ako nakahiga. Napabangon ako bigla. Aishh. Mas lalong kumirot yung sentido ko.

Nakatalikod yung lalaki sa akin kaya di ko makita yung mukha nya.

"What do you think you are doing?!" I irritatedly asked. Napasapo ako sa noo ko at napapikit dahil ramdam ko na ang tila pagpintig ng sentido ko.

Arrghh.. D@mn migraine. Ngayon pa ako sinumpong kung kelan marami kaming activities dito sa school. Malapit na kasi magsembreak.

anyway I'm Zhyla Fuentes, 16 years old and on my fourth year in high school here in Brentville Academy.

Asan na ba kasi yung nurse dito?!

"Sorry, Miss... Please...just let me...stay here.. for a while..." aniyang naghahabol ng hininga. Lumingon sya sa akin.

Napaawang ang bibig ko nang makilala kung sino yung lalaking pumasok. Literal akong napanganga dahil kaharap ko ngayon si Jhoven dela Victoria, ang captain ng basketball team ng academy at ang aking ultimate crush. Nanigas ako sa kinauupuan at tumitig sa napakagwapong mukha nya. Medyo pawisan sya dahil na rin sa siguro sa ginawa nyang pagtakbo kanina.

Bigla rin yatang nawala yung migraine ko.

Napakurap lang ako nang marinig ko ang tila kaguluhan ng mga babae sa labas ng clinic.

"Where is Jhoven na ba?"

"Saan na sya nagpunta?"

"Ang bilis nya talagang tumakbo. Tsk..tsk.."

"Doon tayo, girls! Baka doon sya nagpunta.."

"Daliiii!!!"

At sunod sunod na yabag palayo ang narinig ko. Marami yata sila. Parang iba-ibang boses kasi yung narinig ko kanina.

Napabuntung-hininga si Jhoven nang tumahimik na sa labas. Umupo sya sa stool na katabi ng higaan ko at nagpunas ng pawis gamit ang panyong dinukot nya mula sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Woah! Ang hirap takbuhan ng mga babaeng yun!" aniya.

Di ako sumagot bagkus ay tipid na ngumiti sa kanya. Sa gwapo nyang yan, hindi talaga nakapagtataka na habulin sya ng mga babae.

"Oh, anyway, I'm Jhoven.. Jhoven dela Victoria.."aniya at naglahad ng kamay. He smiled, which made my heart beat really fast. Ang gwapo nya lalo sa malapitan.

Kinakabahan man ay mabilis kong inabot yung nakalahad nyang kamay.

"Z-zhyla.. Zhyla Fuentes.." Gosh! Nag i stammer ako.

"Sorry kung naistorbo kita, ha? Eh kasi naman, kanina pa ako hinahabol ng mga babaeng yun. Medyo nakakairita na kasi kung nasaan ako ay lagi silang nakasunod sa akin. Tumakbo na nga ako para maiwala sila. Then I ended up here.." he explained.

"It's okay. Wala pa naman yung school nurse." nahihiya kong sagot.

Nung naging normal na ang breathing nya at nakapagpahinga na sya ay saka sya tumayo.

"Nice meeting you Zhyla.. Pasensya ka na pero kelangan ko ng umalis. Hinihintay na kasi ako nila coach.." he said.

Tumango ako at ngumiti. "Nice meeting you,too, Jhoven.."

Tumalikod na sya at humakbang na paalis. Pero bago nya mahawi ang kurtina ay muli syang humarap sa akin.

"Why don't you join me for lunch instead? Thank you ko narin sayo. Don't worry, my treat. " he reluctantly asked.

It's You (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon