Miss na kita (one Shot)

94 0 0
                                    

naghahanda kami ngayon para sa isang test well actually lunch palang ngayon so may time pa para makipag chat sa friendsters ko.....

"Hoy Legaspi crush ka nga pala ni Pinuno" sabi ni kulot este ni Paul nang makita akong may nilalagay sa bag ko

"Ayieeee" kantyaw ng mga kaibigan nya

hindi ko nalang iyon pinansin hindi sa dahil wala akong pake pero deep inside kinikilig ako...totoo ba yung sinabi nya? crush ako ni Mike? sa itchura kong toh crush nya 'ko? well I doubt it pero mabait naman ako...

"Vickie si Mike nga pala!" pangangatyaw ulit ni Paul

umiwas ako ng tingin pero sumimple din ako sa pagngiti...wala naman akong nararamdaman na kahit ano kay Mike pero bakit ganon kinikilig ako??

***

Nagsimula na ang test na iyon at magkatabi kami ni Mike sa upuan ....maya-maya ay natapos na siya at sumunod ako...dahil walang magawa saktong nagkatinginan kami at nagkangitian pero saglit lang yun dahil umiwas agad ako ng tingin

*sniff sniff*

"Hoy sumisinghot ka ba ng rugby dyan?" pabiro kong tanong

Friends kami ni Mike dahil ako ang nagchecheck ng requirements nya tuwing science

"Haha medyo" nakangiti nyang sagot

pagkatapos nun wala ng umimik parehas kaming natahimik at tila ba takot magsalita......

*****

Ilang linggo pa nakalipas mas naging close pa kami ni Mike....mas close pa kami kesa sa mga bestfriend nyang sina Paul,Joel,Cyril minsan nga pag mag-isa akong naguiguitara sa pinaka likod na bahagi ng classroom ay bigla nalang siya lalapit at tatabi sayo sabay makikinig sa tinutugtog mo...tinutukso na nga kami ng mga kaklase namin eh! sabi nila kami na daw pero hindi pa... merong ding time na kapag nakavow ako sa table bigla nalang nyang guguluhin ang buhok sabay magtatanong kung may ballpen ba ako o kokopya siya ng assignment...

******

Kinabukasan inaasar ako ng mga klasmeyt ko lalo na si Adrian

"Vickie ba't ang taba mo? oink oink"

kanina pa ako nyan inaasar tinitiis ko nalang kaya naman ng makita ko si Anne kinausap ko siya sa isang tabi

"Why are you crying?" tanong nya..opo englishera yan galing kasi siya sa isang school na bawal magsalita ng tagalog although marunong naman siya magtagalog

"Si Adrian kasi eh..kanina pa ako inaasar I just can't help it but cry...oo alam ko baboy ako pero di naman kailangan ipamukha diba??" sabi ko habang nakayakap sa kanya

"You know what wag mo sila iintidihin kasi naiingit lang yan or better baka gusto nya lang makuha yung atensyon mo..wag ka gagantati sa kanila kasi God wil do the rest" sabi nya habang pinapat ang ulo ko

Habang nakayakap parin may narinig akong footsteps mula sa likod ko hanggang sa tumigil iyon sa gilid ko

"Bakit umiiyak yan?"

ayyy boses ni Mike yan... alam na alam eh noh?!

"Inaasar kasi ni Ad---" pinutol ko ang sasabihin ni Anne "Wag mo sabihin please" bulong ko since nakayakap naman ako "Ayy wala pala" dugtong nya

natahimik kami pero alam kong nasa gilid ko parin si Mike at nakatingin lang sakin

"Uyyy wag ka na umiyak" sabi ni Anne

"I can't help it" bulong ko

"Uyy Mike patahanin mo nga toh!" sabat ni Anne

nagulat ako dun...paano nya ako patatahanin? yayakapin nya din ba ako? waaahhh...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss na kita (one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon