Cheska's POV
"GOOD morning. "
"Good morning, sis! "
Naabutan ko sila Jess at Levi na nakaupo sa may lobby nitong hotel. Mukhang ready at excited na ang mga ito, lalo na si Jess. Panay na kasi ang kuha nito ng litrato sa buong paligid.
Napag-desisyunan namin kagabing mamasyal ngayon ng magkakasama. Gusto na kasi naming sulitin ang natitirang apat na araw bago kami bumalik sa Maynila.
"Hindi talaga sasama yung isa? " Si Jess, tumayo na ito at nanguna sa paglalakad.
"Maybe. " Sagot ni Levi at bumaling sa akin. Inabot nito sa akin ang kan'yang kamay at ngumiti. "Let's go? "
Napangiti na rin tuloy ako. Yeah, mukhang close na talaga kami ng lalaking ito.
"Who told you? "
Natigilan ako sa pag-abot ng kamay ni Levi. Sabay-sabay kaming napalingon sa aking likuran, si Jigger pala iyon na kalalabas lang sa elevator.
As usual, nakasimangot na naman ito at bitbit ang kan'yang maitim na awra.
Pero hindi ko maiwasang pansinin ang kabuuan nito ngayon. Nakasuot 'to ng maong ripped jeans na tinernuhan ng black v-neck shirt, walang s'yang suot na relo ngayon or kung anong mamahalin. Medyo basa pa ang buhok n'ya, halatang nagmadali itong sumunod dito.
Nakakapanibago, ngayon ko lang s'ya nakitang magsuot ng simpleng damit. Ewan ko, pero parang na-excite ako bigla dahil do'n.
Naipit ko ang aking mga labi nang maglakad ito palapit at tumigil sa aking tabi. Naamoy ko tuloy ang mamahalin n'yang pabago at ginamit na shower gel.
Sh*t! Bigla akong kinabahan bigla. Bakit??
"Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong sumama, dude. " Ani Levi.
Hindi sumagot si Jigger. Tinitigan n'ya lang ito ng ilang segundo. Gumanti rin naman ang isa nang matapang na tingin. Ayan na naman, nakakaramdam na naman ako ng tensyon sa pagitan ng dalawang ito.
Ano bang meron at ba't parang simula nung photoshoot kahapon, ay ang init na ng dugo ng dalawang ito sa isa't-isa. Feeling ko talaga ay may nangyaring hindi ko alam.
"Let's go. " Ani Jigger at nilagpasan na kami. Bahagya pa n'yang binangga si Levi sa balikat.
Pero hindi naman umangal si Levi. Kita ko lang na bahagya itong ngumisi at pinagtagis ang mga bagang.
Maging si Jess ay natigilan at napatunganga na lang kay Jigger nang mauna itong lumabas sa main door nitong hotel.
Okay?.. May dapat talaga akong malaman ngayon!
"TARA kayang mag-horseback riding! " Excited na itinuro ni Jess yung mga kabayong sinasakyan nung ibang mga turista rito sa resort.
Ang daming nagta-try. Patok nga pala talaga ang pagsakay sa kabayo kapag na'ndito ka sa Tagaytay. Ang sabi kasi nung ibang mga turistang nakakasalubong namin na nag-uusap, hindi raw pwedeng hindi ka susubok na sumakay ng kabayo, habang nagbabakasyon dito sa Tagaytay.
Lumapit sa akin si Jess. "Sis, tarang mag-horseback riding. " Matinis nitong sabi at hinawakan ang aking mga kamay. "Tingnan mo oh! Parang ang saya! " Muli nitong itinuro yung mga kabayo, parang bata.
Well, mukha ngang masaya. Ang kaso..
"A-ayoko. " Bumitaw ako sa hawak nito at napahalukipkip sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...