Chapter 1

1 0 0
                                    

Enriqou Joaquin Academy

"Nandito na tayo ma'am." Tumigil ang kotseng sinasakyan ko. Tinitigan ko galing sa loob ng sasakyan ang napalaking gate na kulay ginto na may nakacarved na pangalan ng Academy. Bumababa ako't tinulungan naman ng driver na ibaba ang mga bagahe ko. Ito ang unang araw ko dito sa Enriqou Joaquin Academy bilang isang freshman student.

Ang Enriqou Joaquin Academy ay esklusibong paaralan na isa sa mga katunggali ng dati kong pinapasukan ang Southern Clark Academy — ang aking Alma mater.

Hindi ko napansin ang paglapit ng medyo may katandaan ng lalaki. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin naman siya.

"Good Morning, Miss Alpert. I am Faustino Alarcon, ako ang maghahatid sayo sa iyong dormitoryo."

"Aah. Sige po, Sir." Sumunod lamang ako sakanya, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko, ngunit hinayaan ko na lamang ito. May dumating pang ibang staff para tulungan ako sa aking bagahe, sumakay kami sa isang shuttle patungo sa East part ng Academy, ang sabi sakin ni Mr. Alarcon ay didiretso kami sa dormitoryo. Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang dinaraanan ng shuttle.

Hindi ko alam kung bakit gusto akong ipalipat ng mga magulang ko dito, kung pwede namang sa Southern na ako mag college upang hindi ko na kailangang mag adjust sa environment at sa mga taong makakasalamuha ko rito. Naiwan naman ang mga magulang ko sa Southville at bibisitahin na lamang raw ako nina mama at papa.

Lumipas lang ang ilang sandali ay huminto na ang sinasakyan namin at nakikita ko ang isa pang gate na kulay ginto na may nakacarved na pangalan - Dormitorium basa ko rito. 

Bumababa ang isang binatilyong staff sa shuttle at may kinuhang card sa kanyang bulsa at iniswipe ito sa machine sa may gilid ng gate. Biglang bumukas ang gate at umandar na muli ang sasakyan,  hindi na ako nagulat sa ginawa ng lalaki dahil ganito rin naman sa Southern Clark, hindi nga lang ako nagstay at nag dorm.

Nawili ako sa kakatingin ng mga nadadaraanang mga building. Every building looks like a mansion at ang may mga gate na di gaanong kalaki at may nagbabantay na guard, in every two building may gate na visible ang sa loob nakikita ko ang ibang matatanda and there's a name carved on the top of the gate na hindi ko rin naman nabasa. May nadaraan rin kaming katulad nung una at mayroon pa paring nakacarved sa taas na hindi ko nabasa and because I'm getting curious ay nagtanong na ko.

"Ahmm, Sir. Bakit po may separate building na by two's and ano po yung nakasulat sa gate?"

Tumikhin muna siya vago niya sinagot ang mga tanong ko.

"The first two buildings are for the faculty staff na nags-stay na rito. And the other two were for the utility manpower. The school offered rooms for the people who work here."

Tanging tango lang and naisagot ko dahil sa pagkamangha. Hindi ko na namalayang nasa harap narin kami ng isang building.

Ibinababa na ng staff ang mga gamit ko at nagpasalamat naman ako. 

"And this two buildings—sabay turo niya sa kaharap mismo ng building na kinatatayuan namin— are for the students. Hindi na kami aakyat pa Miss Alpert. Kaya mo na ba?"

"Yes, sir. Thank you." Nakangiti kong tugon sakanya.

"And one more thing, here's your class schedule." Iniabot niya sakin ang maliit na brown envelope na naglalaman ng aking schedule sa buong semester.

Pumasok na ko sa isang 6th storey building. Para akong mag checheck in sa isang mamahaling hotel dahil mayroong lobby kung saan pwedeng umupo at mag mumuni muni. Lumapit ako sa babaeng nasa mid 40's na receptionist o kung ano pang tawag sa kanya, caretaker yata. Tumingala siya sakin galing sa pagta type ng kung ano sa computer.

"Name." Bumalik uli sa computer ang atensyon niya.

"Kaye Alpert po. Uhm, pwede po bang nagtanong." Nagpatuloy siya sa pagtitipa sa computer.

"Ano yun?"

"Nasaan ang ibang estudyante?" Tanong ko sakanya habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Nasa mga silid nila, ang iba naman ay binisita ang pamilya, ang iba ay nasa may plaza."

Tango lamang ang naisagot ko sa kanya.

"And here's your key card. Sa second floor ka sa ika apat na pung kwarto."

Tumango lamang ako sakanya ngunit sobra akong naweirduhan ng hindi parin niya tinatanggal ang titig sakin. Titig na titig siya na tila ba mayroon akong ginawang hindi tama sakanya. Siguro minumukhaan ako.... Para mabantayan? Ewan.

Nagpasalamat ako sakanya at akmang aalis na ngunit napahinto ako nang bigla siyang nagsalita. Pagbaling ko ay nakatayo na siya at nakataas ang kilay.

"I do have rules here inside the building." Panimula niya na halos lahat ng word at may emphasis at diin.

"Huh?" Sagot ko at agad namang ngumiwi.

"Curfew. Students should be here at exactly 8 o'clock in the evening. Mag la log in ang lahat pagkarating at kapag nasa kwarto ka lang ay kailangang bumaba para mag log in. If you want to visit your parents, you should ask permission. Dinner is serve at exactly 7 o'clock. Breakfast is serve 6 o'clock. If you want to eat in the middle of the night, cook for yourself. Ayaw kong may lalaking aakayat ng kwarto, kung may bisiti dito sa lobby. Do you understand?"

"Ye..yes ma'am." Ang bilis niyang magsalita plus lahat ng word may emphasis. Ano ba yun?

Umakyat na lamang ako sa second floor gamit ang evelevator at pumunta sa kwarto ko.

Sa tingin ko ay may roommate na ako dahil may mga gamit na at napakalinis pa. Inayos kobang lahat ng mga gamit ko sa isa pang cabinet at ibinagsak na lamang ang aking katawan sa malambot na kama.

Humikab at pumukit upang makapagpahinga.

"I am so freaking tired."

Never wake AlisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon