1- Diary

13 0 0
                                    

Chapter 1

Dear Diary,

"KRIIIIIIINGGGG"

"AY! ANAK NG BAOG!!"

Nagising ako Diary dahil sa walanghiya kong alarmclock. At dahil no choice nga ako Diary ay
agad na akong bumangon sa kama at saka hinablot ang nag-iingay kong alarm clock. I checked it and it is already 6:30!!!

Damn! It is freaking 6:30! Diary! Pusang gala! 7:30 ang class ko. Oww! Shit. 1 hour to prepare at malelate na naman ako. Papagalitan na naman ako ng Principal namin for Pete's sake.

Agad akong umalis sa kama Diary and left my messy bed na hindi pa nakatupi ang kumot at gusot na bedsheet. Ang banyo ang una kong pinasok at agad ng naglinis ng katawan. At kung mamalasin ka naman at naubusan pa ng shampoo ang ate mong broken diary. Damn! Sa sobrang busy ko sa LP at I'Ms ng mga bata, I forgot to buy my personal things. That's why I end up not shampooing my messy hair. How I wish nakakapaglakad ka Diary para ikaw nalang ang uutusan kong bumili.

After my daily scenario ay dali-dali ko ng kinuha ang bag ko, including my laptop and Books. Agad-agad na akong umalis sa bahay at kung papalarin lang din naman ay saktong may paparating na jeep kung saan papunta sa St.Grellans University kung saan ako nagtuturo. 15 minutes bago ako nakarating sa school.

As usual Diary, Flag Ceremony na ng maka-abot ako sa loob. Nagaanan tuloy ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong tumabi sa kapwa ko guro at sakto namang pinatugtog na ang National Anthem Diary.

Bakit naiiyak ako sa National Anthem Diary??

"Ang mamatay ng dahil sayo"

Mukha ngang mamamatay na ako Diary, dahil naalala ko na naman ang sinapit ko kahapon.

Wala na talaga kami for real. Sumuko na siya Diary. I checked my phone Diary kung may text siya na....

"Goodmorning! IloveyOu. Mag-iingat ka."

Pero wala Diary. What will I expect Diary. Wala na nga pala kami. Siguro nga destine talaga akong mabroken hearted para focus nalang ako sa pagtuturo.

After the flag ceremony Diary ay pumunta na ako sa Advisory Class ko, ang Grade-10 Gemini.

Habang naglalakad ako sa hallway Diary ay binabati ako ng bawat student ng...

"Goodmorning Teacher Kheyleen!"

At para hindi naman ako magmukhang suplada sa paningin nila Diary, kahit wala ako sa mood ay binabati ko sila pabalik with matching ngiti pa.

Buti pa ang mga students ko Diary, they remember to greet me, Eh siya kaya???

Hayyys! Na prapraning na talaga ako Diary! Bakit pa ako umaasang magpaparamdam siya sa akin, eh wala na pala kami Diary.

Biglang tumahimik sa Classroom ko diary ng dumating ako. Biglang nawala ang ingay at lahat ay nasa kanya-kanya ng upuan. Nanibago ako Diary dahil hindi naman dating ganito ang mga students ko.

Pag dumating ako ay patuloy lang silang nag-iingay at saka lang sila titigil pag sisigaw na ako ng " QUITEEEEEE CLASSSS!"
To the highest volume.

But now Diary??? Iba! What the hell is happening ??

" Goodmorning Class!!!" binati ko sila Diary with my Killer Smile and they greeted me back.

Pero ang kinabigla ko Diary ay ang isang student ko na sumigaw ng. "MA'AM! MAGIGING OKAY DIN ANG LAHAT. MADAMI PANG LALAKI DIYAN NA MAS DESERVE ANG PAGMAMAHAL MO."

WHAT ON EARTH DIARY?? MAY ALAM BA ANG MGA BATA SA ESTADO NG PAGKA BROKEN HEARTED KO??

Agad kong linapitan si Paolo Diary, yung sumigaw kanina. Binatukan ko siya Diary pero hindi naman masyadong malakas.

"Hoy! Paolo. Mag-aral ka, wag ang lablayp ko atupagin mo." Sita ko sa kanya Diary. Nagtawanan tuloy mga students ko.

Pero mas nabigla ako Diary dahil sa sunod-sunod ng tanong ng mga students ko.

"Ma'am wala na po ba kayo??"

"Hala bakit?"

"Kaya po ba maga ang mata niyo dahil umiyak kayo??"

Seriously! Mass Communication na ba ang drama namin dito sa room?? Bakit ang daming reporters Diary? Bakit lablayp ko ang target nila. Mga tsismosa't tsismosong bata!

"Class! Don't mind me.. okay? So let's proceed to our discssion now!" pag-iiba ko sa usapan Diary. Tumahimik naman sila agad pero may student akong lumapit sa akin at binigay ang isang libro...

"HOW TO OVERCOME HEARTBREAKS???"

"Ma'am basahin mo po."

Natameme tuloy ako Diary. Is that a sign that I need to move on na ba??

Waaaah! DIARY! Ano ba? Bakit ganyan ang mga students ko? May mas alam pa sila sa pinagdadaanan ko ganun?

How to move on po ba Diary???

Teacher mong nag-iinarte dahil hindi alam mag move-on,

KHEYLEEN

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon