4- Mr. Stranger

6 0 0
                                    

Chapter 4

Dear Diary,

Nagising ako sa mabangong aroma ng adobo. Kumulo tuloy yung tiyan ko Diary at mukhang nagutom. Pero tinatamad pa akong bumangon. Gusto ko pang humilata ng humilata sa malambot kong kama---

Teka! Malambot na kama??? Minulat ko ang mga mata ko Diary at agad na napabalikwas sa kama. Where I am Diary? Hindi ito ang kwarto ko. Ganito kalawak ang bed ko Diary pero hindi color blue ang bedsheet ko and most of all, walang picture frame ng lalaki sa kwarto ko. Jusme Diary. What happened to me?

Pagtingin ko sa bintana Diary ay madilim na sa labas. Meaning gabi na. Pilit kong inalala ang mga nangyari Diary at yun nga, nahulog ako sa bakod, there is a stranger who catched me and after that I fainted. Hindi kaya nasa teritoryo ako ni Kuya Stranger? Bakit ang tagal kong nawalan ng malay Diary? Bakit ngayon lang ako nagising? May lesson plan pa na naghihintay sakin. Tiningnan ko ang ilalim ng kumot ko at may damit pa naman ako.

Tatayo na sana ako sa kama Diary ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang half-naked na lalaki at hawak-hawak si Toffee.

Si Kuyang Stranger! Yung sumalo sa akin 0-0

"Oh! Gising kana pala miss? Are you alright? I saw you last time na umakyat ng bakod, muntik ka ng mahulog kanina." mahaba niyang saad. Ang seryoso at ang cold ng boses niya Diary.

"Ah. O-okay na ako. T-thanks for saving my life." kanda utal kong sagot Diary. Ikaw ba naman ang humarap sa lalaking naka half-naked at lantad na lantad ang matipuno nitong katawan. Hindi kaya siya nagtataka Diary kung bakit ko inakyat ang bakod niya. Hindi kaya niya ako pinagkamalang magnanakaw??

"Sorry, inakyat ko bakod mo. Kukunin ko sana ang aso ko kasi nasa loob siya ng bakuran mo" turo ko kay Toffee Diary na hawak-hawak niya at hinahaplos-haplos pa niya ang balahibo ng aso ko Diary at gustong-gusto naman nito.

"Baka pagkamalan mo akong magnanakaw hah? Diyan lang ako sa katapat mong apartment. Okay??" Pagpapatuloy ko pa Diary dahil mukhang sinusuri niya ang kabuuan ko.

"Alright. Akala ko nga magnanakaw ka kanina, babarilin na sana kita." saad nito sa akin Diary na ikinalaki ng mata ko.

"HAH????" Napalakas kong sigaw Diary. No! I'm not yet ready for that. Ayaw ko pang mamatay Diary. Hindi ko pa nahahanap si Mr. RIGHT. HINDI KO PA NAIPAPAMUKHA SA EX KO NA HINDI SIYA KAWALAN.

"Just kidding." He smiled at me Diary at bumungad sa akin ang pantay-pantay niyang ngipin at lumantad ang malalim niyang dimples sa magkabilaan niyang pisngi. Sheet! DIARY! CRUSH KO NA SI KOYA! MAS GWAPO PA SIYA SA EX KO.

"By the way, I'm Zahchary Del Mundo. And you are Ms--???" Pagpapakilala nito sa akin.

"Ahm. Kheyleen, Kheyleen Sarmiento. Bagong lipat ka?" Pa- Shunga kong tanong Diary. Shunga dahil obvious naman na bago siya dito dahil ngayon ko lang siya nakita.

"Yup. Mas malapit kase work ko dito. How about you? Matagal ka na dito?" he asked me back Diary. Mukhang close na kami ni kuyang stranger hah! Hindi na ba niya ako babarilin niyan???

"Yeahp. Almost 2 years na din. Malapit din kasi tong apartment sa school na pinagtuturuan ko."

"So you're a teacher huh? That's nice." papuri nitong saad Diary saka binigay sa akin si Toffee.

"How about you. Anong work mo??" Hindi ko napigilang tanong Diary. Etong bunganga ko talaga eh. Pahamak!

"Police."

"Ah- hehe.. Kaya pala." Kaya pala sinabi mong muntik mo na akong barilin kanina. Ngeeh!

"I cooked dinner. Dito ka na kumain." Yaya niya sa akin Diary. Bilang gutom-- I mean mabait na guro ay pumayag na ako Diary. Dahil bukod sa gutom na talaga ako  ay wala pa pala akong nalutong dinner sa apartment. Ayos na din makikain sa stranger--- Hindi na pala stranger Diary because we introduced each other na.

Pagkarating namin sa dining table Diary ay bumungad sa akin ang adobong manok na nasa plato at vegetable salad. Nakakatakam Diary, yung tipong gusto ko ng lamunin lahat dahil sa ang sarap ng aura nito dahil naka plating pa. But I controlled myself Diary dahil, first and for all... Wala ako sa bahay. Nasa teritoryo ako ng ibang tao at kakakilala ko lang sa kanya.

"Let's eat. Kain ka ng marami hah. Don't be shy." He said Diary nung umupo na kami ng sabay. Siya na ang nagsalin ng kanin at ulam sa plato ko Diary na ikinabigla ko. Napatingin nalang ako kay Zachary Diary. Bakit ginagawa niya sakin toh? Ganito din kase ang ginagawa ng EX ko sakin dati. Nakakamiss din pala Diary.

"Kain kana. Stop starring at me. That is rude." sita niya sa akin Diary na nagpabalik sa akin sa katinuan. Tinititigan ko ba talaga siya?? Nakakahiya Diary. Ang rude nga!

Nagfocus nalang ako sa pagkain ko habang nakayuko ang ulo Diary. Nakakahiya kase. Bakit ko ba ugali ang mantitig ng ibang tao?? Tss.

Infairness Diary, ansarap ng luto niya. Gusto ko pa sanang magtake 2 pero naunahan na naman ako ng hiya kaya tinipid ko nalang ang 4 na pirasong adobong karne at 3 kutsarang vegetable salad.

Gusto ko pa kumain Diary!

Pero mukhang nabasa niya ang nasa isip ko Diary at linagyan pa niya ng ulam ang plato ko saka ako nginitian.

"Eat more. Okay?? Hindi ko to mauubos."

"Okay."

Wala na akong nagawa Diary kung hindi ubusin ang linagay niya sa plato... tutal gusto ko din naman. After we ate Diary ay nagprisinta na ako na ako ng maghuhugas. Ayaw sana niyang pumayag pero naka pwesto na ako sa kitchen sink at nakasuot na ng gloves kaya wala na siyang nagawa kundi ang panoorin na lang ako habang naghuhugas.

Pagkatapos ko maghugas Diary ay nagpaalam na ako na uuwi na. Nagpumilit pa siyang ihatid ako dahil baka mapahamak pa daw ako diyan sa daan Diary. Kahit magkatapat lang naman ang apartment Diary at malabong mapahamak ako dahil secured naman tong lugar eh pumayag nalang ako. Choosy-choosy pa ba ako Diary?? Si Kuya Police na maghahatid sa akin.

Hawak-hawak niya si Toffee Diary habang naglalakad kami papunta sa apartment ko.

"Thanks sa paghatid and sa dinner. Ang sarap ng luto mo." Wika ko sa kanya ng makarating na kami sa tapat ng gate.

"I know. Thanks anyway. Pwede ka pumunta anytime kung gusto mo makikain, pwede ka kumatok sa gate, wag mo lang akyatin ang bakod." pabiro nitong saad Diary na ikinapula ng mukha ko.

Ano ba yan?! Teacher na myembro ng Akyat-Bahay gang lang???

"Lahh! Oo na. Sige goodnight. Nice meeting you Zachary."

"Nice meeting you too Ma'am Kheyleen. Goodnight " he gave me smile Diary and I smiled back saka na ako pumasok sa loob ng apartment ko without looking him back.

Ps. Diary I think Zachary.. slash Kuya Stranger na Police pala... He's nice naman. I'm looking forward kung mabait ba siyang kapit-bahay o hindi.

So tired Diary! I have 4 lesson plans to do pa pala. Buti nalang naalala ko. Kaya magpapakabusy muna ang teacher niyong Dyosa.

Teacher mong nabusog sa adobo,
Kheyleen

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon