5-Maybe It's not him

6 0 0
                                    

Chapter 5

Dear Diary,

I went to school early today with my awesome teacher's uniform and a pony tailed hair. My lesson plans and Instructional materials are well prepared kaya naman no worries ang drama ko pagpasok ko sa first class ko. A brief discussion and the rest are full of activities na ng mga bata.

Nahinto lang ang pagtuturo ko Diary ng magpatawag ng urgent meeting ang Principal ng school. Kaya naman sa conference hall na ang diretso ko. We talked about the upcoming intramurals and sports fest. So as a "makatang" teacher ay always kong dinadala ang mini notebook ko where I can list about important things.

We consume 2 hours discussing the upcoming event. And I'm pretty sure Diary na sa 2 hours na yun ay nagpapaparty na ang class ko because I'm not around that time and that serves them as their vacant. Paglabas ko ng conference hall Diary ay bumungad sakin ang Building ng College of Criminal Justice kung saan maraming students ang nagkukumpulan sa harap ng building. It seems like there is something there na ka-inte-interesado. Or baka naman Criminal Case Activity to ng mga College Students.

I continue walking Diary when I suddenly heard one of the conversations ng dalawang Business Ad Students na nakasalubong ko.

"Ang gwapo nung police sa crime scene noh?"

"Tama ka girl. Ang hunk niya. Mukhang bata pa. Hihi. Balita ko bagong lipat daw siya dito."

"Talaga??"

"Yeahp. And according to the Dean of that Department, every session ng criminal scene andun si Sir."

"Owemmgeee! Always na akong manonood ng crime scene--"

"Goodmorning ma'am" bati nilang dalawa sa akin. Mukhang napansin ata nila na may teacher silang makakasalubong. I greeted them back at nagpatuloy ulit sila sa pinag-uusapan nilang gwapong police.

Bawat makasalubong kong students ay gwapong police ang binabanggit nila Diary. Mga kabataan talaga ngayon. I'm curious na din kung sino o anong klaseng police ba yun at grabe nalang ang paghanga ng mga students. Nadaanan ko ang Department ng College of Criminal Justice Diary pero hindi ko maaninag kung ano nga ba ang pinagkakaguluhan sa harap. Aside from the number of people here, Isama mo na din ang reality na pandak ako kaya hindi ko makita kung anong ganap. Bago pa masayang ang oras ko ay nagdiretso na ako sa teacher's nook dahil lunch break na.

Nadatnan ko ang ibang co teachers ko including Timmy na nagkwekwentuhan habang kumakain ng kanya-kanya nilang baon.

"Ang gwapo nung police noh"

"Oo nga mars! Hahaha! Balita ko single siya."

At naghigikhikan pa sila. So what is the matter with them?? Police din ba ang topic nila? Nilamon na ba sila ng sistema ni kuyang Police. All I thought Diary, mga students lang ang nahihibang sa police na yan, pero pati din pala kapwa ko guro. Jusme!

"Oh Kheyleen mah friend! Andiyan kana pala! Musta meeting niyo?" Bungad agad sakin na tanong ni Timmy ng mapansin ang presensya ko.

I gave her an exhausted look saying that the outcome of the meeting is not so good dahil my balak pang magpa part2 ng meeting ang principal. And I hate it because ako ang naatasang umattend every meeting sa cluster namin.

"Hell week will come soon." I said boredly. Halata naman sa itsura ng mga kasama ko ang disappointment. Pero nag-iba ulit ang aura nila Diary ng "back to the topic" na naman sila about kay kuyang police.

"Hoy Mars! Nakita mo ba yung police kaninang dumaan ka sa Department ng Criminal Justice?" Agad na tanong sa akin ni Timmy habang ngumunguya ng chicken sandwich.

"Nope." I answered her shortly. Hindi ko naman talaga nakita dahil sa dami ng tao kanina dun. Feeling ko nga artista yung pinagkakaguluhan eh. I opened my lunch box at nagsimula na akong kumain.

"Myghaad! Mars! You need to see him. Makapalaglag panty ang gwapo niya." Kilig na kilig na saad sa akin ni Timmy Diary.

"So??" Walang gana kong sagot sa kanya.

Pinandilatan lang niya ako Diary. "Naku friend! If I were you. Magha hunt nalang ako ng fafa and magmove on kana sa Ex mo uyy!!"

"Hoy! Bakit napunta na naman sa ex ko aber??" Binato ko sa kanya ang tissue paper na pinampunas ko sa lamesa kanina. Nananahimik ako dito eh, dadamay pa niya ang walanghiya kong ex.

"Eh basta. Gwapo yung kanina mars. Hihihi. I'm sure pag nakita mo si kuya Police, malilimutan mo na yung Ex mo and wait...." pabitin niyang saad sa akin saka siya tumabi sa akin.

"Wala pang 1 hour makakamove on kana sa EX mong timer!" At naghagalpakan na naman sila ng tawa Diary. Akala mo naman may lovelife silang lahat eh, si Timmy lang naman ang may lovelife sa amin and the rest are all hopeless romantic like me.

But I don't know why Timmy keep on acting this way. Mukhang patay na patay siya kay kuyang police dahil mula kaninang dumating ako until when I finish eating ay ang police ang bukambibig neto, keso ang gwapo daw at ang hunk pa ng dating. Babaeng to talaga. Parang walang boyfriend! Ang hilig sa gwapo.

Sino ba kase yung tinutukoy nila Diary?? Kung  maka describe naman kasi sila eh parang hindi makabasag pinggan si koya. Parang gusto ko tuloy makita yung pinag-uusapan nila. Sino kayang mas gwapo sila sa kapit-bahay kong si Zachary???

I think naman mas gwapo si Zachary kesa dun sa police na hinahangaan nila noh??? And I'm pretty sure Diary na walang wala ang Police na sinasabi nila pag nakita nila si Zachary, ang oh so papalicious kong kapitbahay. Ay landi much lang ma'am.

Teka! Bakit nasingit si Zachary Diary??? Kaloka much lang hah. And wait, Did I say "gwapo" si Zachary??? Owemmgeee! What on earth am I thinking. Crush ko na ba siya???

After I ate ay diretso na agad ako sa nextclass ko Diary and I don't know kung namamalikmata lang ba ako o ano sa nakita ko. I saw Zachary entering the Department of Criminal Justice Building. Nakasuot ito ng police uniform. I'm not so sure of what I saw Diary pero mukhang si Zachary talaga ang nakita ko. Pero that is impossible. Ano naman ang gagawin niya dito sa school, diba???

Ghad! Mukhang natamaan na ako sa kagwapuhan ni Zachary Diary at nakikita ko ang mukha niya everywhere.

Teacher mong Hibang na ata,
Kheyleen

Diary Of A Broken TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon