Kyaahh!!!!
Eto na naman ako. Tumitili sa bawat ngiti na sumisilay sa labi ng lab of my layp. Si Marc Narciso.
"Grabeehh.. ang cute niya talaga" Sabi ko sabay hampas sa balikat ng kaibigan ko.
"Halata nga eh. Kung makatili ka parang lalabas yang lalamunan mo." sabi ng kaibigan ko.
"Eh bakit ba? Kinikilig ako e. Wag kang KJ....Teka lang. Maayos ba ang buhok ko? Ammuyin mo nga baka mabaho ako o tingnan mo kung may dumi ako sa katawan." tanong ko sa kaibigan ko sabay ayos ng aking mala-dyosang pagmumukha.
"Matigil ka nga Lyka. Kahit anong gawin mo hindi ka mapapansin ni Marc. Sa mukha mong yan?
T_T Napakaconsiderate na bestfriend... grabe..
"Naman eh! Malay mo hindi maganda ang hinahanap niya."
"Malay mo hindi panget ang hinahanap niya." *evil smirk*
Uwaaaaahhhhhh!! Ang mean naman. Alam ko pangit ako. Sa mala-witch ko na buhok plus the pimples na ilang milyon na naka-ukit sa mukha ko. Pero kahit na. Desperada na kung desperada pero sasabihin ko ang feelings ko kay Marc na 4 years ko ng kinikimkim. Imagine! 4 years? tibay rin no?
"Best I need to confess my feeling for Marc."
"Ano? Nahihibang ka ba? Mapapahiya ka lang."
"Best naman eh. I am willing to risk my reputation para sa feelings ko."
"Pero----"
Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo ako papunta sa direksyon ni Marc.
"MARC!!! MARC!!"
Lumingon sya sa direksyon ko.
"Do I know you?"
"Huh?"
"I said do i know you?"
"uhmmm..i-m-m Ly--lyka-a .."
Im stammering. feeling ko gusto ko ng magback-out.
"Oh cut the crap. I dont want to waste my time on an ugly girl like you."
WHAT???
"And one more thing your face ruined my day."
Umalis na siya pagkatapos sabihin yun.
The hell! Hindi pa nga ako nakapagconfess busted na agad. Mabuti na nga talaga hindi natuloy baka mapahiya pa ako. Aish! Ang pangit pangit niya talaga i mean yung ugali lang pala. Tsaka ang kapal niya rin noh? Sinabihan pa talaga ako ng ugly girl! GRR! Lagot ka talaga sa akin Marc. Pag ako gumanda nganganga ka talaga.
*After 1 week*
"Hala ang ganda niya"
"Transferee ba yan?"
"Tol ligawan natin na luv at first sight yata ako."
"Iba talaga pag maganda no?" Tanong ng bestfriend ko.
Tumango lang ako. Pagkatapos ng heartbreaking moment na nangyari sa akin last week bumalik agad ako sa tambayan namin ng bestfriend ko. Doon ko binuhos lahat ng hinanakit ko. Naging conscious rin ako sa sarili ko kaya ito ang naging bunga.
Ako ay isa ng DIWATA!!!!
"Hi Miss!"
MARC NARCISO
Youre dead!!
"Youre lyka right?"
Yup! Ako nga! YUng sinabihan mo ng pangit last week ngayon isa ng diwata.
"Yes?"
Giving him my sweetest smile.
Magsimula ka ng kilabutan. BWAHAHAHAHAAH!
"Remeber me? Last week?" he said smiling.
Sige lang.. Ngumiti ka na kasi mamaya magiging lukot-lukot yang pagmumukha mo.
"Wait!!! Lemme think."
I smiled at him. At kitang-kita sa pagmumukha niya ang tuwa.
You're my first love but------
"WHO YOU?"
