Ano ba ang forever? Totoo ba talaga yun? Lahat ba ng tao may forever? Lahat ba ng tao nakakaranas ng true love? Lahat ba ng tao nakakaranas ng happy ending? Lahat ba ng tao nakakaranas ng 'kilig'? Except sa kilig sa pag-ihi ah. Lahat ba nasasawi? Lahat ba ng tao pinagbibigyan ng tadhana? Lahat ba ng tao may partner?
Shemps, oo. Totoo ang forever, pero hindi ko pa naman nararanasan. Ewan, pero hindi lahat makakaranas ng forever. Minsan true love nga, pero di sila ang forever kasi may mga rason. May happy ending, katulad ni lolo at lola. Sila mama at papa. Siguro lahat nakaranas na ng kilig, dahil bata palang tayo natuto na tayong humanga. Pero ewan ko, basta. Hindi lahat nasasawi, pero karaniwan. Kasi sa pag-ibig sa kahit anongg paraan masasaktan at masasaktan ka talaga.
Aish ito nanaman ako, kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Ako nga pala si Lina, pero ako. Di pa ko nakakaranas ng love e, ewan. Di pako nagkakaboypren, wala din akog crush. Ay! Meron pala, si Mario Maurer! Nakakatuwa kasi sya e, dun sa palabas na "Crazy Little thing called Love." Natuwa ako eh. Well, stop those nonsense stories. Fourth year student nga pala ako sa Casas High. Nerd type ako, oo. Self-proclaimed. Siguro kaya wala akong lovelife e. Kahit yung lovelife na ako lang nakakaalam kasi puro pag-aaral ang inaatupag ko. Pero noon yon until one day in the middle of our 2nd Quarter.
"I like to introduce to you, Renzo del Pilar."
Nag-aano dito yan? He's cute pero dirty look.
Di ba yan yung lalaking duguan kanina?
Ay oo, tignan mo may bandaid pa sa muka!
As usual di mawawala ng tsismosa dito sa room.
"Magiging kaklase nyo na sya hanggang last quarter."
WHAT?!
Hindi to maaari may badboy sa room!
Eh kyut naman sya e, malay mo mabait naman talaga sya.
Ay oonga, badboy looking. Yummy!
Ano ba tong mga babaeng to, ang daldal. Ang haharot! Pfft.
"Marco, take the last seat on your row. Sir del Pilar, take this seat." Sabay turo sa upuan kanina ni Marco na seatmate ko. Whatheeff?!
"Ms. Gonzales, tinabi ko sya sayo dahil ikaw ang pinakamatinong estudyante dito sa school. And I hope, tumino sya sayo. Haha. Just kiddin."
Nagsmile nalang ako, nakuha pang magjoke ni Mam! Hindi naman nakakatuwa na makatabi ko tong mokong na to, duhh! Di ko to kakausapin ever, manigas sya. I will be the wprst seatmate for him!
"Anong pangalan mo? I mean first name, Gonzales apelido mo diba?"
Di ako umimik.
"Ang isnabera mo naman, akala mo ba kagandahan ka."
Medyo nakakairita tong lalaking to ah.
"Pero shempre maganda ka naman talaga, baka naiinis ka ah."
Masyadong pacool, pfft! Wag pansinin, wag pansinin.
"Sorry na, mapapatawad mo ba ako."
Ngumingiti sya na kala mo nagpapakyut na ewan. Duhhh.
"Class dismissed."
YEHEYYYYYY! Tapos na ang klase, tapos na ang unang araw ko na katabi ang lalaking yun. And I have 2 quarters na pagtitiis na katabi sya. Bwiset, nakakatamad mag-aral pag ganto eh.
"Ui seatmate!"
Pamilyar na boses. Kilala ko na to. Pffft.
"Seatmate, di mo ko pinapansin kanina pa kita tinatawag."
BINABASA MO ANG
You're my Clarity
RandomMy 1st wattpad story kung sakali, random thoughts lang to. Sana magustuhan nyo. :)