"Now, get one and pass." Mariing utos ng terror naming teacher. Nakahalukipkip siya habang iginagala niya ang kaniyang paningin sa buong classroom.
Kumuha ako ng isa at ipinasa ko patalikod ang papel. Kinuha din iyon at nag-umpisa na akong sagutan ang mga test paper. Sinuri ko muna ang mga bawat tanong sa papel. Napangiti ako. Buti nalang ay nagreview ako kagabi kaya hindi ako masyadong mahihirapan sa pagsagot ngayon.
Focus na focus ako sa pagsasagot. Hindi ko nga magawang lumingon o mag-abalang pakinggan ang mga bulong ng mga kaklase ko na sinasabi ang mga tamang sagot. Ang gusto ko ay malinis ang ginagawa ko. Hindi produkto ng pandadaya ang pag-take ko ng exam. Pinaghihirapan ko ito.
After thirty minutes din ay natapos ko na ang exam. Sa katunayan pa nga ay ako ang nauna na natapos at nagpasa. Lumapit ako sa harap para ibigay sa teacher ang test paper ko. Tinanggap niya iyon at sinuri ang mga sagot ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "You may now go." Aniya.
"Thank you, ma'm." Nakangiting sagot ko. Bumalik ako sa arm desk saka kinuha ang mga gamit ko. Bumaling ako kina Carmz at Shayne na nakasad face, akala mo luging-lugi kasi nauna ako sa kanila sa pagtapos at balak ko na silang iwan at hindi ba balikan. Si Jasmine naman ay seryoso sa pagsasagot, ni hindi tumitingin sa akin. Ngumisi lang ako sa kanila. Hihintayin ko nalang silang matapos sa pag-exam dahil nagkasundo kaming sabay kaming uuwi mamaya.
Nagpasya akong maghintay sa bench kung saan kami madalas natambay. Para hindi ako mabored ay inilabas ko ang english novel na hawak ko. Moby Díck ang title. Classic novel siya. Dahil sa sobrang haba ng kwento, hindi ko agad matapos-tapos.
"Beeeeethhhh!"
Napatingin ako sa direksyon kung nasaan sina Shayne, Carmz at Jasmine. Sabay silang naglalakad palapit dito sa direksyon ko.
"Ang hirap ng exam!" Bulalas ni Shayne sabay umupo at sinubsob ang mukha sa kaniyang bag na akala mo ay nanghina ng sobra.
"Sinabi mo pa!" Segunda pa ni Carmz at ngumuso. "Kaya ayoko ng History, eh. Maraming date ang kakabisaduhin!"
"Eh kung nag-aral kayo ng husto, hindi naman kayo mahihirapan ng ganyan." Sabad naman ni Jasmine na seryoso ang mukha. Kala mo walang pakialam. Ganyan naman talaga 'yan, pero nakapa-reliable ng isang iyan.
Sinamaan nila ng tingin si Jasmine habang ako naman ay natatawa. May punto naman kasi si Jasmine kaya hindi rin nila iyon masisisi. Lalo na't pareho kaming nasa-top ng klase. Kaya magkasundo kami sa pag-aaral.
"Tara, punta tayo Coffee Shop, malapit sa Stoneford!" Biglang aya ni Shayne. "Balita ko, puro guwapo ang natambay daw doon."
"Kaya bumabagsak, eh. Puro guwapo lang ang alam mo." Pambabara ni Jasmine, inaayos ang suot na back pack.
Sumimangot na naman si Shayne. "Alam mo, Jaz, namumuro ka na, ha. Masyado kang hard sa akin. Hmp." Saka umirap siya sabay halukipkip.
Hindi nalang pinansin iyon ni Jasmine. Tumingin siya sa akin. "Aalis na ba? Mauuna na sana ako, may target shooting kami ni papa ngayon." Pagpapaalam niya na hindi pa rin natingim sa amin. Nakatuon siya ngayon sa hawak niyang cellphone.
"Tara?" Segunda ulit ni Carmz. Inaayos na rin ang strap ng kaniyang bag.
Ibinalik ko ang hawak kong libro sa loob ng aking bag saka isinukbit ko na iyon sa aking balikat. "Tara na." Umalis na rin ako sa aking kinauupuan hanggang sa nakalabas na kami ng campus.
Pareho kaming grade 9. Isang taon pa bago kami sabay tutuntong sa senior high. Hays, ang tagal pa pala bago kami makarating sa pagiging kolehiyo. Pero ayos lang din naman, marami kasing nagsasabi na mas mahirap daw kapag nasa kolehiyo ka na kaya ang senior high ang magsisilbing paghahanda.
BINABASA MO ANG
Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)
Fiksi UmumThe Demon Series #1: Buhat nang bumisita ang misteryosong lalaki sa panaginip ni Bethany ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Palagi na siyang napapahamak. Araw-araw ay dala niya ang takot at kaba ngunit kinakaya niyang magpakatata...