Chapter 10

13 0 0
                                    

Carlo's P.O.V

"pre kelan mo ba balak ligawan si julian?" tanong sakin ni Michael habang papalakad pauwi.

"ewan"

"ano!? anong ewan!? kelan ba kase! woy!"

"basta. sasabihin ko naman sa iniyo kung kelan talaga e"

"oo na! sige na! ge dito na ko. ingat ka tanga ka pa naman" natanga pa? ayos rin to e noh?

"mag iingat talaga ako. liligawan ko pa si julian!"

"ang landi mo talaga! ge pre!" baka nga malandi?

nang makarating ako ng bahay. naamoy ko agad niluluto ni mama. ang bango! dumiretso agad ako sa kusina, niyakap ko si mama habang nakatalikod siya at nakapatong baba ko sa balikat niya

"oh anak! nakauwi ka na pala. gutom ka na ba? malapit na matapos tong niluluto ko. pahinga ka na muna sa kwarto mo. tatawagin nalang kita pag tapos na to" ang sweet talaga ng mama ko

"ma. naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo na liligawan ko?"

"si.. sino nga ba yun? ahh! si julian? tama ba?"

"opo ma. barkada ko na po siya. close naman na po kami"

"odiba sabi mo liligawan mo siya kapag close na kayo?"

"opo ma. kaso pinagiisipan ko pa kung kelan"

"basta andito lang ako anak, susuportahan kita." napaka bait ni mama ko

"thankyou ma. promise, pag dumating na yung panahon na pinaka hinihintay natin, ipapakilala ko na siya sayo. sobrang magugustuhan mo talaga siya ma. napaka bait niya!"

"promise mo yun a? sige pahinga ka na muna"

"ok po ma" kiniss ko si mama sa pisngi at saka dumiretso na ko sa kwarto ko para mag bihis.

nang matapos akong magbihis, humiga ako sa kama ko at sinilip ang cellphone ko. bakit wala siyang text? maski gm manlang wala. hmm, maitext nga

to: julian halimaw <3

hoy halimaw! nakauwi ka na ba?

*message sent*

ang tagal niya naman magreply.

biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. si mama pala.

"nak tara na. kaen na tayo. andito na rin kuya mo"

"opo ma. susunod ako"

bumaba na si mama. tinignan ko ulit cellphone ko kaso wala talagang text niya. busy lang siguro yun.

pagbaba ko, nakita ko agad ang kuya ko.

"hey bro" bati sakin ni kuya cedric

"yo. kaen tayo"

"upo ka na.. so, kamusta naman panliligaw mo kay.. julian ba yun?" yep pati siya alam na.

"hindi ko pa nililigawan kuya. pinag iisipan ko palang kung kelan ko gagawin"

"basta andito lang kami ni mama para suportahan ka. diba ma?" tanong ni kuya ced kay mama.

agad namang tumango si mama. napangiti naman ako.

Julian's P.O.V

"IM HOME!!" sigaw ko pag pasok ko ng gate ng bahay namin

"oh anak, pagod ka ba? pahinga ka na muna" - daddy

"ok lang po ako da. si mommy po saka po si ate at kuya?"

"ate at kuya mo asa kwarto nila. si mommy asa kusina nagluluto"

"ahh sige po da mag shower lang po ako" dumiretso na ko sa kwarto ko para mag shower.

nang matapos akong mag shower, bumaba na ko dahil kakain na daw.

kwentuhan lang kami habang kumakain

"da, ma, ate, kuya.. may tanong po ako"

"ano baby?" tanong nila sakin

"may.. may.. ano po.. uhm.." di ko masabi! nahihiya ako.

"ano baby girl?" tanong sakin ni kuya julius

"ok lang po ba na may, crush po ako sa school? .. actually hindi na nga po yata crush e? ngayon ko lang po kase naramdaman to. barkada ko po siya" nakayuko ako habang kausap ko sila

"baby. tumingin ka samin" seryosong boses ni dad. kinakabahan ako!

hindi ko parin tinataas ulo ko.

"baby wag kang matakot kay daddy, he just want to give some advice. dont be scared ok?" bulong sakin ni ate joanna.

tumingin na ko kay dad na kaharap ko lang. nagulat ako ng biglang ngumiti si daddy. hindi siya galit!? o.O

"dalaga na ang baby namin. baby, may gusto ba sayo yung guy?" tanong sakin ni dad

"i dont know da"

"well its ok. malay mo magkagusto din siya sayo. basta if ever nga na magkagusto siya sayo at nanligaw, wag puro harutan a? ok lang kahit holding hands, akbayan, yakapan, pero pag kiss? wag ok? sa pisngi lang bawak sa lips" pagbabanta sakin ni daddy

"baby, pakilala mo samin a?" - mommy

"oo naman po ma. thankyou po. akala ko po kase magagalit kayo" sabi ko sabay kamot ng ulo

"ba't naman kami magagalit? matutuwa pa nga kami e. dalaga a anak ko. basta yung sinabi ko sayo ok?" tumango nalang ako kay daddy

"da naman. parang tinatakot mo na niyan si baby julian" sabi ni ate joanna at kuya julius kay dad

"pinapaalala ko lang naman sakanya. kayo talaga!" sabi ni dad sabay tawa.

"basta andito lang kami. susuportahan ka namin" sabi nila sakin. napaka swerte ko dahil sila ang pamilya ko.

tapos na kaming kumain at dumiretso na ko sa kwarto ko para mag toothbrush at matulog. nang matapos akong mag toothbrush at mag hilamos, humiga na ko sa kama ko. tinignan ko ang cellphone ko. may message galing kay carlo

from: carlo bakulaw <3

hoy halimaw! nakauwi ka na ba?

tawag na niya sakin yan minsan halimaw. tawag ko sakanya minsan bakulaw.

to: carlo bakulaw <3

sorry ngayon ko lang nabasa text mo. kumain pa kase ako. sige na matutulog na ko. goodnight bakulaw :))

*message sent*

wala pang 1 min. nagreply na agad siya. ang tulin naman magtype nun.

from: carlo bakulaw <3

hahaha. napagod ka julz halimaw? sige pahinga ka na. goodnight halimaw :)) sweetdreams :*

wow ang sweet. may sweetdreams pa at.. wait.. KISS SIGN!? O.o OMG! sa sobrang kilig ko, napatili ako at nagpagulong gulong sa kama ko. grabe hindi ako makakatulog neto! kase naman! ts pero.. baka friendly kiss lang yun? oo nga naman Julian! friendly kiss lang yun! asa ka namang magkakagusto yun sayo! ang landi mo naman julian!

pinatong ko na ang cellphone ko sa gilid ng kama ko sa may maliit na drawer.

hayst.. Carlo Buenaventura, gusto mo rin ba ako? sana.. oo.

You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon