Chapter 1

5 1 0
                                    

Samantha POV

"Oh eto na ang favorite nyong spicy caldereta!!" masigla kong tawag sa mga bata.

Nakatira ako dito sa orphanage, dito din ako lumaki. Wala kasing kumuha sakin kaya dito na ako lumaki. Pero okay lang kasi masaya naman dito. Masaya akong maging ate ng mga batang inabando na ng mga magulang nila. Minsan na-iisip ko kung bakit nila ako inabando, siguro hindi nila sinasadya pero nabuo ako, siguro hindi pa sila handa, siguro ayaw nila sakin. Kahit anong maisip kong dahilan ay nakakalungkot pero okay na ako, hindi na ako naghahanap pa. Kuntento na ako sa kung anong meron ako. Nandito din naman si nanay eh, sya yung gumanap na nanay naming lahat at nagpapasalamat ako dun.

"Yehey! Mapapadami na naman ata kain ko neto ate! Hehehe!" tuwang-tuwang sabi ni Ronnie.

"Haha, sige na kumain na kayo at maaga tayong matutulog kasi may pasok pa tayo bukas"

Tama, nag-aaral kaming lahat at si nanay ang gumagastos.

"Opo!" sigaw nila.

Tinulungan ko silang maghain ng mga pagkain nila at sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Puno ng tawanan ang hapag-kainan at kasama din namin si nanay.

"Ate! May joke ako!" nakangiting sabi ni Angel.

"Nakakatawa ba yan?" inis ko

"Opo naman!"

"Haha, sige dapat matawa kami ha?"

"Hehe, sige po! Anong hayop ang nag pa-party?"

"Ano?!" sigaw naming lahat at hinihintay ang sagot nya.

"Edi aso!"

*krug krug krug*

Natahimik kaming lahat. Aso? Pano? Di ko gets!

"Di nyo po gets noh?"nakangiti paring tanong nya.

"Hindi eh" napapahiyang sagot namin.

"Hahahahaha edi...hahahaha ano edi...hahahhahaha wait lang hahahahahaha sakit ng tyan ko wait lang hahahahaha."

Okay, na 'haha zone' ka na ba? Yung nauuna yung tawa kaysa sa joke?

"Bakit nga aso ate angel?" kulit naman ni joy.

"DOGZ!! DOGZ!! DOGZ!!" sabi nya ay iginagalaw yung kamay nya na parang nasa party.

Napangiti ako sa joke nya at ganun din si nanay pero yung mga bata at napa hagikgik na.

"Haha, o sya tara na sa taas at matulog. Antok lang yan angel" natatawa kong anyaya.

Natatawa naman silang sumunod sakin papunta sa taas. Nagkwentuhan pa sila saglit bago matulog. Umalis na ako dun nang tulog na sila at bumaba para tulungan si nanay sa pagliligpit.

Naabutan ko si nanay na nasa mesa at nakaharap sa isang box. Kalakihan ang box na yon.

"Nay, ano po yan?"

Tumingin muna sakin si nanay bago ngumiti.

"Padala ni Savannah. Halika na dito at para sayo to."

Napangiti ako dahil sa narinig. Kada bwan nagpa-padala si Savannah ng box na may mga gamit sa loob. Ewan ko pero natutuwa ako kapag nagpa-padala sya. Dati kapag tinatanong ko kung sino si Savannah at bakit sya nagpapadala ay sinasabi ni nanay na kaibigan ko daw to dati pero nakalimutan ko daw.

Lumapit ako kay nanay at dun sa box tsaka binasa yung leter na nakadikit sa ibabaw ng box.

Hey Samantha. Are you doing good there? I miss you. I hope i had a chance to see you personaly. Haha, by the way wear that shirt, okay? I have one too so wear yours and i'll wear mine, okay? Haha i miss you Samantha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dark HeartWhere stories live. Discover now