Hater to Lover

25 0 0
                                    

Annyeonghaseyo! Ako po si Irene Zamora. Isang ordinary girl na ayaw sa isang lalaking saksakan ng yabang. Hindi ko naman siya close pero parehas kami ng school o kaya "Classmate" since nursery pero hindi kami madalas nag-uusap eh kasi nga tahimik siya nun at hindi mayabang.Hindi ko nga alam kung bakit siya naggaganun ngayon eh baka siguro dahil sa lagi siyang binubully noon. Isa siyang hearthrob ngayon sa school dahil nga sa siya ay isang sikat na artista/singer akalain mo yun. Pinagpala siya ng kagandahang buhay samantalang ang pangit ng ugali niya haisttt.

"WAHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ng mga babae.

Ayun nanaman sila nagsisigawan andyan na kasi ang hari ng daan.

"Haist! Makaalis na nga!"

"WAHHHHHHHHHHHHH aray ko po ang sakit ng pwet ko!" nakakahiya putek may balat ng saging kasi nakakalat!

"Ayyy miss!" Sabay pagtulong ng lalaki sakin.

"Ok lang po ba ikaw?" 

"Mukha bang-------" Sabay akong napatahimik ng nakita ko yung lalaki.

"Sorry ah! Nalaglag kasi yung balat ng saging sa bulsa ko."

"A a a a"

"Miss?......... Ah alam ko na samahan na lang kita sa classroom niyo para sure akong maayos ang kalagayan mo."

"Ah si-si-sige!" biglang hatak ng kamay ko.

Habang naglalakad.......

"Saan room niyo?"

"Sa Grade 12-Diamond section"

"OH! SAKTO DUN RIN AKO EH!"

"Gosh! YES!!!!!" sht. napalakas ata ako ng sigaw

"Ahmmm. ayyy anu anong pangalan mo?"

"Ian. Ikaw?"

"Irene"

"Ahh. May masakit ba sayo?"

"Yung p-----............ Ayyy wala wala"

"Hindi okay lang. Ano yun nang saganun hilutin ko"

"Huhh? HILOT? Hindi hindi wala wala!"

"Okay ikaw bahala. Ganto na lang kapag may kailangan ka tawagin mo na lang ako"

"Okay, matanung ko lang bakit may balat ka ng saging sa bulsa?"

"Ahh yun. Eh kasi naghahanap ako ng basurahan eh hindi ko pala alam nahulog na sa bulsa ko"

"Ahh sige. Bilisan na natin."

"Sige"

......................................................

Andito ako ngayon sa loob ng classroom. Nag-aaral ng mga lessons para sa quiz mamaya. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina hayyy parang HEAVEN! ♥

"Ano ba!" ang biglang pagtayo at pagsigaw ko dahil sa pagkuha ng mayabang na lalaki ng libro ko.

"Hmmm. May mga taong ganito pala . NAG-AARAL! Wow naman pursigidong-pursigido ha at nag-aaral habang nakangiti? Hahahaha baliw kaba?" ang nakakainsultong sagot niya.

"Oo! Pursigido akong makapagtapos para matulungan ko ang mga magulang ko! Eh ikaw? Ayyy! Oo nga pala mayaman kayo kaya ang kaya mong gawin ay ang magpa-cute wala ka namang utak! Kung ako sayo magpapakabait ako para hindi masira ang career ko! Anong masama kung nakangiti ako? Ibig sabihin ba nun baliw na ha? Hindi ba pwedeng naaaliw lang ako sa binabasa ko o kaya may naisip akong nakakatawa

"WOAHHHHHH HAHAHAHAHAlakas na pagtawa ng mga kaklase ko sabay ng palakpak.

"ABA! Ang tapang mo ha! Baka hindi mo ko nakikilala?"

"Ayyy Oo nga nuh sino ka ba ulit? Wait lang nasa dulo ng dila ko eh. Ah ayun oo nga pala ikaw si Lawrence Concepcion classmate ko since Nursery hindi mo makikilala eh kasi nga parehas tayong tahimik nun. Ikaw yung Binubully lagi ng may balat sa p------" sabay takip ng bunga-nga ko.

Biglang niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko attt...

"Good morning class?" kakadating pa lang ng teacher namin. Buti na lang.

Umupo't nagsitahimikan na ang lahat. Pero ako haysss nakakainis talaga! :3

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hater to LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon