Tumatakbo ako patungo sa maraming tao,
Kung saan may aksidenteng naganap.
Hindi malinaw ang mukha ngunit tanya kong isa itong babae.
Sumisigaw ako ngunit walang nakakarinig.
Hinahawakan ko sila isa-isa ngunit walang nakakaramdam.
May isang liwanag na biglang lumitaw.
Nag bigay ito ng rason upang ito'y aking sundan.
Napadpad ako sa isang hospital room kung saan
May pasyenteng naka higa, nag aagaw buhay, at inooperahan.
Sa kabuuan ng kanyang katawan ay isa itong lalaki.
Gaya ng aking nasaksihan kanina,
Hindi rin malinaw ang kanyang mukha.
Hinawakan ko siya sa kamay ngunit parang hangin,
Tumagos lamang ang aking kamay sa kanyang katawan.
Ginalaw ko ang isa sa gamit ng mga doktor,
Ngunit wala ring nangyari.
Pilit akong sumisigaw ngunit
Walang boses ang lumalabas mula rito.
Kumakaway ako ngunit walang lumilingon.
May isang liwanag na muling lumitaw
Hinayaan kong dalhin nito ang aking katawan...
Kung saan ito dapat naroon...
Sumabay ako sa agos ng liwanag
Napadpad ako sa isang maganda paraiso.
May isang napaka gandang hardin at nag iisang balon sa may di kalayuan.
Nakasoot ako ng isang puting bestida.
Hinahawakan ang mga bulaklak na aking dinaraanan
At dinadama ang sariwang hangin,
Habang pinagmamasdan ang masasayang ibong
Malayang lumilipad sa himpapawid.
Masaya akong lumapit sa balon at naupo sa gilid nito.
Habang pinagmamasdan ang malinaw na tubig;
Biglang may lumitaw na isang scenario at nag flash sa balon
Ipinakita nito ang buong pangyayari ngunit...
Biglang nag laho ang lahat.
Ang magandang hardin,
Ang sariwang hangin,
Ang magagandang bulaklak
Ang mga ibong malayang lumilipad
At maging ang aking puting bestida ay naging kulay itim.
Hindi ko mawari ang pangyayaring ito...
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
Nagugulumihanan, nagtatanong at marami pang ibang emosyon ang bumalot sa aking katawan mula ng nawala ang kagandahan ng dating mundo.
Tila ba'y ipinahihiwatig na ang dating makulay at masayang mundo ay ngayo'y nababalot na ng dilim at kalungkutan...
Mundong puno ng kasinungalungan...
YOU ARE READING
I'm In Love With Someone Who Doesn't Exist
Teen FictionMinahal mo yung fictional character na dapat ay binabasa lang... Minahal mo yung dapat ay crush lang... Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang bagay o tao; You will fight for it no matter how hard it is. Pero paano mo ipaglalaban ang pagmamahal mo k...