Una, hanggang crush lang dapat.
Pangalawa, dapat di mo sinabi.
Pangatlo, dapat di ka nagpadala.
Pang-apat, di ka sana nagpaligaw.
Pang-lima, ang pinaka-uso, D O N ' T E X P E C T .
I am Atiya del Rosario. 16 years old. Grade 11 student of our school syempre . Young, dumb, but not broken.
I have never been in a relationship.
I have a lot of crushes but none of them has a mutual feeling with me.
Why? Simple lang, di ako maganda, pero matalino.
Sad, but it's a fact.
Until one day, Randall Buenafuerte bump into my life.
-----------------------------------------------------------------------------------
August 5, 2016
6:30 am
Biyernes ngayon at kagigising ko lang. Kailangan ko pang maligo, magbihis ng school uniform na napaka crtical na part sa umaga, lalo na ang neck tie. Hays. Sucking life. Everyday ganito and yeah. Please tell me marami tayong ganito. If i'm not mistaken.
Bago pa ako ma-late, este pumuntang school kase nga laging late, maliligo na ako.
------fast forward-----
7:24am
Nakaabang na ako ng masasakyan ngayon and obviously ang late ko na, 7:15 am palang start na ang first subject namin, at eto ako nag-aantay ng sasakyan na di pa kumakain ng umagahan na napakalayo ang school mga nasa 3 km at wala akong balak lakarin yun kaya mag-aantay ako ng jeep habang hawak ang phone ko ngayon at magpo-post sa fb. Bakit ba? Buhay ko 'to.
What's on your mind?
Nagtype nalang ako at nakita ko ring online teacher namin pati sampo ata sa mga kaklase ko, hanep, po-post ko na.
Atiya updated her status about 23 seconds ago
Feeling worried
"Sana dumating na ang jeep"Trip ko lang ganon para kunwari kanina pa ako nag-aantay.
Beeeeeeeeeeeeeep!
Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng bumusina ang paparating, pakyu to, alam na may tao, hayup na driver, and teka? Answered post ba 'to? Hanep. Kaya kayo, magpost lang at darating yan kaso baka mamatay kayo kaya wag niyo akong gayahin.
Dali-dali akong sumakay ng jeep at umandar naman ito kaagad, less than 4 minutes nakarating na agad ang sinasakyan kong jeep sa harap ng pinakamamahal kong paaralan kaso mahal nga ba ako? :(
Ang Janina High School. Nagbayad ako, 5 pesos lang, bakit ba? naka-uniform ako at di naman halata sa height ko na senior high na ako halleeeer.Papasok na ako ng gate, dahan dahan, kalma, stand straight, wag lumingon sa guard house and 1........2............3......tak-----
YOU ARE READING
Pinakilig Lang Ako
Teen FictionSa lahat ng nililigawan diyan. Basahin niyo 😊 ONE SHOT STORY