F3 ✨

24 0 0
                                    

Villa

"Welcome home young lady" bati ng mga tauhan ni appa sa kanyang villa. Di ko akalain na bumili pala si appa ng villa at ang masasabi ko lang ay, ang yaman pala talaga ni appa. Ang ganda ng villa, malaki at maganda parang bahay lang ng pinapanood kong kdrama noon na Cinderella and the four Knights. Grabe ang daming kwarto at maganda yung pagkakadesign, hmm mas  gaganda siguro tignan kung ilalagay ko dito yung ibang paintings ko hihi masabi ko nga kay appa sigurado naman papayag yun.

"Appa saan pala kwarto ko dito?" tanong ko kay appa, ngumiti naman siya sa akin at sinabing nasa second floor daw ang kwarto ko.

Naglakad na ako sa grand staircase, grabe ang ganda talaga. Giniya naman ako ng isang maid kung saan ang kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa aking nakita, napakaganda at napakalaki naman ng kwarto ko. Siguro inuukupa ng kwarto ko ang kalahati ng buong second floor. Pumunta ako sa aking queen size bed at tumalon, wow ang lambot lambot. Inisa-isa ko naman ang mga pintuan, tumambad sa akin ang bathroom na puno ng mga lotion at iba pang skin products. Si appa talaga oh, nakalimutan ata na hindi isang idol ang kanyang anak kundi isang athleta. Ano naman ang gagawin ko sa mga skin producta na ito kung matutunaw lang rin naman sa kaka-training namin pero baka magamit ko ito ngayon tutal on vacation naman kami.

Pumunta naman ako sa isang pinto which is color gray, tumambad naman sa akin ang walk in closet ko. Prepared talaga si appa, siguro ipina-shopping pa niya ako sa mga stylish niya sa kanyang company. May mga makakapal na jacket, sweaters, pants, tracking suits, shirts at iba pang damit ang nakita ko sa closet at mga sapatos at bags. I'm so being spoiled right now.

Lumabas naman ako at pinuntahan ang isang pinto, grabe tatlong pinto rin pala ang nandito sa loob ng kwarto ko. Pagbukas ko ay napaluha ako sa aking nasaksihan, isang studio room na may mga canvas, painting at brushes habang may bintana naman na nakapalibot dito. Isa pala itong connecting room, ang pinto na ito ay kumukonekta sa studio room na pinagawa ni appa sa bahay. Pumunta ako sa may sliding window at nakita ko ang magandang view sa paligid, saktong sakto gaganahan talaga ako sa pagpipinta nito. Father knows best ika nga.

Di na siguro ako lalabas sa kwarto ko nito, ang villa palang sapat na sa aking pamamalagi dito sa South Korea. Ang ganda ng kabuo-an! Ayoko nang bumalik sa Manhattan tuloy, pero joke lang nandoon kaya yung career ko keke~ ^^  Pero kung pagbibigyan, gusto ko dito na tapos mabubuo ulit yung pamilya namin. Buhay nga naman sana magkabalikan na ang mga parents ko. Sana.

---------

Stream stream Feeling and Only One MV also support Kanto's Reputation album and his Salty MV. *finger hearteu*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F E E L I N G ✨ UNB FANFICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon